Friday, January 27, 2012

Trumpet


Naranasan mo na bang magdasal sa Diyos, pero pakiramdam mo hindi naman Siya nakikinig kasi hindi naman Siya sumasagot? Parang text message lang, pagkatapos mong bumili ng pang-load, todo effort kang magtype gamit ang pinakaiingat-ingatan mong Nokia 5110 at piling pili pa ang mga salitang iyong ginamit tapos wala ka namang makukuhang reply. Minsan magrereply nga pero antagal naman, o kaya eh isang simpleng 'K' lang ang matatanggap mo. Nakakainis 'di ba?

Looking back, I used to feel that way. I would pray to God, try all my might to wait for His response, but hear nothing. Naalala ko pa, tumatambay pa ako nun sa mga parks o kaya sa tabi ng lake just to have an 'alone time' with Him, pero wala pa din. I even tried going from one church to another, but it only got me frustrated all the more. (Yup, church hopper ako nun.)

Hindi ko talaga Siya mahanap.

But now it's a different story. Dinig na dinig ko ang boses ng Diyos... with matching loudspeakers. I even came to a point na hindi ako makatulog dahil salita Siya ng salita. (Parang nanay ko lang kapag nagna-nag.)

"The sound of the trumpet is getting louder and louder..."

Auditory hallucination? Nababaliw na ba ako? Nag-aral ako ng Psychology ng apat na taon nung college, sa tingin ko hindi naman ako baliw.


**********


Announcement of winners sa aking munting patimpalak will be on the second week of February. Pasensiya na sa mga nag-aantay, naging busy kasi ang mga hurado. Andami din kasing sumali kaya ang hirap mag-judge. Muli, salamat sa mga lumahok.


Friday, January 6, 2012

Unang Bloggers Meetup sa Bagong Taong 2012


Happy New Year! Kasalukuyang tinatamaan ako ngayon ng writer's "blogger's block" kaya matagal-tagal akong hindi nag-update ng blog. Pinaplano ko pa namang gumawa ng year-ender post, pati na din maglista ng resolutions / faith goals ko para sa 2012 pero pati 'yun eh hindi ko matapos-tapos. Hayst!

Salamat nga pala sa lahat ng sumali sa aking pa-contest. WOOT! 64 ENTRIES! Heto ang listahan ng lahat ng lumahok: CLICK HERE. Pinapahirapan niyo kaming mga hurado, at hindi pa ako tapos magbasa ng lahat ng akda. Try kong inannounce ang winners by end of this month.

Ang ikukuwento ko muna sa inyo eh 'yung naging unang meetup ko ngayong taon dito sa Singapore kasama ang aking fellow OFW blogger na based sa Saudi Arabia, si DRAKE. Oo, nagkita na din kami sa wakas ng matagal ko ng kakulitan na blogger na ito. Buti na lang at naisipan niyang dumaan muna dito sa Singapore bago bumalik muli sa Middle East galing sa kanyang bakasyon sa Pilipinas. Apir!

Tatlong taon ko ng kakilala at kaibigan si Drake. Nakalimutan ko na kung bakit at kung paano ako naligaw sa blog niya (or was it the other way around?) pero isa siya sa mga hinangaan kong bloggers dati dahil sa kanyang angking kayabangan kakengkoyan at kagalingan sa pagsusulat sa Tagalog. Natuwa din ako dahil minsan niya akong pinadalhan ng fan mail na talaga namang nakapagpataba ng aking puso dahil punung-puno ito ng encouragement. Sinabihan niya akong ipagpatuloy ko pa ang aking pagsusulat dahil nakaka-relate siya sa nga kuwento ko. Minsan ko na din siyang naka-kuwentuhan sa Skype at sinabihan ng ilang problema, at para itong isang tatay kuya na buong-lugod namang nagbigay ng mga payo.

Kaya naman nang sinabihan niya akong dadaan siya ng Singapore eh na-excite ako ng onti. Kahit nilalagnat ako ay kinita ko sila ng bespren niya sa Esplanade after New Year, tapos tumuloy sa Sentosa para maglakad-lakad, magkuwentuhan at mag-picture picture na din. Medyo naging mabilisan nga lang ang naging pagkikita dahil naka transit flight lang si Drake at kailangan din niyang bumalik sa airport that same day. Hindi ko tuloy siya nalibre ng chili crabs at chicken rice.

Salamat kaibigan. Sa wakas at nagkita din tayo sa personal. Ako'y na-eexcite sa bagong yugto ng iyong buhay. Humayo ka at magpakarami. Haha kitakits ulit!

(P.S. Sa simula pa lang ay sinabihan na ako ni Drake na bawal mag-post ng pics sa blog kaya ni-blur ko na lang mukha niya. LOL! Siya ay isang anonymous blogger daw.)




Thursday, December 15, 2011

Nasaan na ang Entry Mo?


Dahil nasa kalagitnaan na tayo ng Disyembre, muli akong magpo-promote ng aking munting patimpalak. Gusto mo bang manalo ng 1TB Western Digital Portable Hard Drive + Singapore shirt? Sali ka na!

Gumawa ka lang ng blog entry, tapos lagyan ng salitang "gasoline" o "gasolina" sa iyong komposisyon. Para sa mas detalyeng mechanics, CLICK HERE!

Gusto ko ding magpasalamat sa lahat ng sumali na. Good luck sa inyong lahat! Nawa'y magustuhan ng mga hurado ang inyong mga akda.

Ikaw, nasaan na ang entry mo?

Monday, December 12, 2011

Seventh


In the Bible, seven is God’s perfect & complete number.

This blog was awarded 7th place at the recently-concluded Pinoy Expats/OFW Blog Awards (PEBA)!

Thank you PEBA for the wonderful honor and recognition. I dedicate it to my mom, who’s actually the only reason why I joined in the first place.


**********

I would also like to congratulate McRich for winning the top prize. Dude, when I read your entry, I knew right away that you’re the guy to beat.



Wednesday, December 7, 2011

Nailcutter: A Fairy Tale [REPOST]



Isang tagpo sa MRT.

Pumasok si Lalake sa loob ng tren. Nakakita ng upuan. Umupo. Na-bore sa pagkakaupo. Tiningnan ang mga kuko. Nakitang mahahaba ang mga ito. Binuksan ang bag. Hinalungkat ang mga gamit sa loob. Nakakita ng nailcutter. Kinuha ang nailcutter mula sa bag. Nagsimulang mag-gupit ng kuko sa loob ng tren.


Napansin ni Lola si Lalake. Nakita niyang nagu-gupit ito ng kuko. Biglang nainggit. Tiningnan din ang sariling mga kuko. Nakitang mahahaba din ito. Binuksan ang sariling bag. Hinalungkat din ang mga gamit sa loob. Nakakita ng sariling nailcutter. Inilabas ang nailcutter mula sa bag. Nagsimula ding mag-gupit ng kuko si Lola.


Nagsabay si Lalake at si Lola sa pagu-gupit ng kuko sa loob ng tren. Magkatabi pa sila sa upuan. Pareho pa silang nagkalat. Kawawang mga kuko. Kawawang mga tagalinis ng tren. Wala silang kamalay-malay.


And from then on, they both lived happily ever after.

The End.

LOL!


********************


Ito ang entry ko sa patimpalak ng isang blogger friend na si Gillboard. Isinulat ko ito last November 2008. Natawa ako sa sarili kong sinulat. Puwede na ba akong maging humor blogger?