Monday, June 16, 2008

Confidante



Kahapon pagkatapos ng aming masayang Pajama Party na ginanap sa Intercontinental Hotel kasama ang mga Greenpinoy forumers, nagpunta ako sa sementeryo para bisitahin si Papa. Pinangako ko kasi sa kanya na pupuntahan ko siya sa mismong Father's Day kaya't kahit pagod at wala pa halos tulog ay kinaya kong lakarin mula labas ng aming subdivision papasok ng Holycross Memorial Park.

Noong una ay hindi ko pa makita ang kanyang puntod. Buti na lang at pagkatapos ng sampung minutong paghahanap ay nakita ko din ito. Merong mga rosas at kandila na nakalagay sa puntod na marahil ay dala ni Mama na nauna nang bumisita.

Pagkakita ko sa puntod ay ibinaba ko ang aking dalang bag at payong at ako'y umupo sa tabi ni Papa. Hindi ko na naman napigilan ang sarili kong maiyak.

Madami akong saloobin na iniiyak ko na lamang sa kanya. Kasama na dito ang lahat ng takot at pangamba na aking nararamdaman kakabit ng plano kong pag-alis ng bansa.

Pagkatapos ng medyo matagal-tagal na paglagi at mag-isang paghagulhol doon ay ang huling nasambit ko na lamang kay Papa ay:

"Kayo na po ang bahala sa dalawang pinaka-importanteng babae sa buhay ko."

Pinangako ko sa sarili ko na babalik ako sa sementeryo para bisitahin ulit si Papa bago ako umalis.

19 comments:

  1. hmm. ganto din ginagawa ko pag naaalala ko frnd ko.. dinadalaw ko sa cemetery. at sa knya hahagulgol ng iyak. haayz. :(

    ReplyDelete
  2. parang hahagulgol din ako a...

    ReplyDelete
  3. belated happy father's day to your dad. i just read your comment my post. with it, i had an idea that your dad passed away.

    nasan man sya ngaun, i know he's happy to see you today - a person who's strong enough to face life's challenges...

    tenks nga pala sa pag-add. in-add na rin kita. ingatz dude! gud lak na rin sa future plans mo.

    ReplyDelete
  4. naiiyak ako lexie.. sobrang di ako makahinga..

    wala akong masabe..

    ReplyDelete
  5. aaw.. the soft side of alex.

    he would've been a proud father seeing what you have accomplished in your life right now.

    ReplyDelete
  6. i know he's proud of you wherever he is.

    ingat palage. you know i'm here. =)

    ReplyDelete
  7. apir tayo pare! alam mo naman kampi tayo ng LH pagdating sa ganyang bagay...

    ReplyDelete
  8. isa ito sa mga katangian na ikinatutuwa ko sa inyong mga repapips ko...

    ang pagmamahal sa magulang.

    mabuhay ka GD! at isipin mo sanang sa pagalis mo sa July 12 (iannounce ba hehehe), nandidito ang LH&co. para sa dalawang babaeng pinakamamahal mo.

    ...teka, sure ka bang pababantayan natin si P kay A? ahahaha.. (joke lang A!!!)

    ReplyDelete
  9. buti kpaa..naka bisita na.ako indi pa kasi too far way ako....hu hu hu...


    belated happer paders day nalang sau.lols

    ReplyDelete
  10. ang lungkot naman nito. =(

    Goodluck sa napipinto mong pag alis. =)

    ReplyDelete
  11. aww...

    naramdaman ko ang lungkot gas dude.

    kahit maikli pa lang ang pinagsamahan natin nalungkot ako sa pag alis mo paano pa kaya ang mga taong mas malapit at nagmamahal sayo..

    oo, may nakaraan kami ni alex. ahuhuhu...

    ReplyDelete
  12. parang na sad naman ako sa pagbasa ng entry na to...

    ikaw ang isa sa mga gentleman na bloggistang nakilala ko
    (libreng puri ito)
    at sana'y makapag saya tayo bago ka umalis...

    aw.

    ReplyDelete
  13. @ KDR - sabi na nga ba bakla kayong dalawa ni gasdude! pakiss hihihi

    ReplyDelete
  14. iknow the feeling. my tatay's no longer around too...

    ReplyDelete
  15. interesting blog mo. its my first time here. and oh, your header is very pretty.

    ReplyDelete
  16. For sure your dad will guard and guide the women of ur life. :)

    ingat sa SING ME, SING YOU, SINGAPORE!! hehe :D

    and BTW, very heartfelt post. :]

    ReplyDelete
  17. parang gusto ko ng magyosi pag ganito ang pakiramdam ko.

    hapi belated paders day.

    gud layk na lang.

    ReplyDelete
  18. Wala pa rin internet... bye muna!!!

    ReplyDelete
  19. namiss ko din tuloy dad ko...

    bro share ko lang tong post ko nainspire kasi ako sa isang post mo dito somwhere in your blog...

    heres my entry pag may time ka basa kalang..

    Saludo ako sa 'yo

    bons on bonistation

    ReplyDelete