Friday, July 25, 2008

All Alone in the Pool

Ang lungkot palang mag-swim ng mag-isa.

Pagkatapos kong mag-send ng resumes sa more than a hundred companies ngayong hapon, naisipan kong maglublob sa swimming pool dito sa Castle Green. Mula kasi nung dumating ako dito almost two weeks ago, hindi ko pa nabinyagan ang pool na ito na sobrang laki, sobrang linis at sobrang ganda. Pinagmamasdan ko lang siya tuwing gabi, pero ang maligo dito ay hindi ko pa nasubukan. Ang totoo kasi, hindi ako marunong lumangoy. Hahaha.

Kaya ayun sa sobrang pagka-bore ko dito sa pad ng aking kaibigan, dinala ko ang aking towel pababa ng pool at nagtampisaw ng sandali, kasama ang ilang batang Bumbay at Singaporeans. Ang sarap! Ang lamig ng tubig! Ang linis! Nakakahiyang ihian... *LOL*

Mukhang mapapadalas ang pagtambay ko sa swimming pool na ito. Sayang hindi ako nakapagdala ng mas maraming board shorts. Pero mas masaya sana kung kasama kong mag-swim dito ang mga malalapit na kaibigan at si Ngork Ngork ko.



21 comments:

  1. buti naman at nagtampisaw ka lang at hindi nag dive

    di rin ako marunong lumangoy dati pero pinagtiyagaan ko talaga lately, nasa tamang paghinga lang pala.

    pwede ba mag apply ng poolboy dyan ha ha

    ReplyDelete
  2. hmmmm. . . ahaha, at bakit mo naman kasi iihian yung pool madumi man o malinis! asar to! wahahahahahaha!

    hmmm, ayun, enjoy.

    flyfly!

    ReplyDelete
  3. wow naman ang ganda tlga ng pool dyan...
    yun nga lng kalungkot magisa mag swimming...
    pero ayos lng yan...

    anyway,dito ko na sagutin yung tanong mo...mahilig ako sa photography...in the future sna maging malawak pa kaalaman ko dun...sana makpag enroll sa mga photo class...

    mumurahing sony digicam ang gamit ko...pag nagkapera ipon ako para makabili ng mahal na cam at lenses gaya kay GP...master na talaga sa photgraphy c GP eh...

    ReplyDelete
  4. anuba at hindi ka marunong lumangoy! galing ka sa pilipinas, napapaligiran ng tubig... this is unacceptable! hehehe!

    anyway, ingat ka palage diyan and good luck sa iyong job hunting.

    =)

    ReplyDelete
  5. hanep naman!
    don na don ang dating!

    don romantiko.

    LOL.

    ReplyDelete
  6. habang nagsu-swimming ka siguro eh andaming chimay na nakadungaw sa bintana at pinagpapantasyahan ka na. nyahahaha!

    cute nga pala ng tawagan nyo, ngork ngork! parang naghihilik lang. hahaha! =D

    ReplyDelete
  7. humahagikhik ka rin ba diyan?!

    miss ka na namin gasul! kulang na ang Lashing Heroes!

    ReplyDelete
  8. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  9. waaaaaaaaaaaaat?!?
    di ka marunong lumangoy?!?

    pareho tau...hehe.


    ingat dyan pare.

    ReplyDelete
  10. macho ha. hahaha.

    mag apply ka na lang bilang lifeguard dyan.

    ReplyDelete
  11. sarap naman sa pool na yan...
    pangarap ko ring makapunta jan sa singapore.. kamusta naman job hunting mo???

    sana balang araw magkita tau jan

    in ryt time prinsesa.. in ryt time

    ingat lagi wag masyado sa malalim lumangoy hehehe

    ReplyDelete
  12. youre such a whore alex, such a whore!

    cam whore!

    ha haha!

    magandang pampalipas ng oras niyan. sana nag floating ka sa pool at saka nakipagusap sa hangin. :) suggestion lang. :)

    ReplyDelete
  13. nalulungkot ka pa ng lagay na yan sa mga posing mo ha....oi nakapunta na ako sentosa...ahaha...painggit lang...

    ReplyDelete
  14. potek gasul, miss ka na ng lashing heroes!!

    ang ganda nga ng pool, syet ang saya dyan maglaro ng taguan gaya ng nilaro natin ng mga lashingheroes...

    un nga lang, maliit lang ang swimming pool namin na pinagtiyagaan nating lahat, di gaya dyan ASTEG!!

    wishing you all the best sa career! God bless bukas sa interview.

    ReplyDelete
  15. naiinggit naman ako at nakapag swimming ka jan... miss ko na mag swimming kahit na umaapaw ang tubig pag lulusong ako.. lol!

    GOD bless sa job hunting!!!

    ReplyDelete
  16. wala kang kalaro sa pool noh?! ahhaha

    :P

    ReplyDelete
  17. Anu ba yan, nakakahiya ka... hehehe...

    ReplyDelete
  18. aba, kahit mag-isa ka sa pool! may taga pikchurrr!

    ASTIG!

    ReplyDelete
  19. waah. i miss swimming! inggit ako...

    ReplyDelete
  20. onga GD o ang sarap magiswiming jan. ang linaw linaw.

    dapt inihian mo bilang pabinyag sa pool hehehe.

    ReplyDelete
  21. ang sarap namang maligo! summer na summer!

    ReplyDelete