Thursday, July 17, 2008

Gaya ng Dati

Nalulungkot na naman ako nitong mga nakaraang araw.

Lagi kasi akong naiiwan mag-isa dito sa pad. May mga pasok ang mga kasama ko dito sa kani-kanilang opisina, at usually sobrang late na din sila kung umuwi. Nakakatamad na din kasing manood ng Cable TV dito o kaya'y mag-Internet. Nung isang araw nga, buong araw ata akong nanood ng Desperate Housewives. Lumabas lang ako para magsimba, at pagkatapos ay bumalik na ulit ako sa pad para ipagpatuloy ang pagnanasa kay Eva Longoria. Haha joke! Baka mabasa ni Ngork Ngork ko...

Sinasabihan nga ako ni Gregg na lumabas naman ako at maglibot dahil talagang nakakabagot dito sa loob. Hindi na lang ako nagsasalita at ngumingiti na lang. Iniisip ko din kasi ang gastos. Ano naman ang gagawin ko sa labas? Saka walang kasiguraduhan na madali akong makakahanap ng trabaho dito, kaya maingat din ako sa pagwaldas ng pera.

Kapag sinusumpong ako ng lungkot dito, isa lang ang lagi kong ginagawa.

(Haha! Mali ang iniisip mo! Bastush!)

Mula sa third floor ng Castle Green, bumababa ako papuntang poolside. Hihiga ako sa isang pahabang beach chair malapit sa pool na animo'y magsa-sunbathing, at kakausapin ko ang sarili, ang yumao kong ama, o kaya si God.

Sabi ko nga dati sa posts ko, napakaganda ng tinutuluyan ko ngayon dito sa Singapore, lalo na sa may poolside kapag gabi. Talaga namang nakaka-relax, makita mo pa lang ang paligid. Para talaga akong nakatira sa resort. Sana ganito rin ang tinitirhan ko sa Pilipinas. Haaayyy...





At madami-dami na din kaming napag-usapan ni God simula ng nakarating ako dito sa Singapore. Lahat ng dati'y kinukuwento ko sa mga malalapit kong kaibigan ay sa Kanya ko na inilalahad at isinasangguni. Oo, close na kami ni God... ulit. Hehe.

Pero nakakahiya pa din sa Kanya. Para kasing lumalabas na last option ko lang Siya. Nilalapitan ko lang Siya at kinakausap kapag wala na akong ibang choice. Kinakapitan ko lang Siya kapag may problema at may kailangan ako.

Pasensiya na po, Lord. Ang dami ko nang utang sa Inyo. Hindi mo kasi talaga ako pinapabayaan kahit na hindi ko lagi nagagawa ang tungkulin ko bilang anak mo. But this time, I want to reconnect with You again. I don't want to make a promise, pero babawi po ako sa Inyo. (Shucks! Bigla kong naalala 'yung kanta ni Gary Valenciano, "Gaya ng Dati". Ahuhuhu.)

GOD:

Di mo alam Ako'y nasasaktan

Sa di pagpansin sa Aking pagmamahal

Lumapit ka't Ako'y naghihintay


MAN:

Panginoon

Ako'y nabulag ng mandarayang mundo

Ako ay patawarin Mo

Mula ngayon ang buhay kong ito'y

Iaalay sa Iyo

Gamitin mo ako

Gaya ng dati


*****

COMMERCIAL BREAK:


Pa-promote lang po. Ang kaibigan kong si Anezka ang kumanta ng theme song ng bagong movie nina Yasmien Kurdi & Friends entitled "Loving You", which was produced by Regal Films. Ipapalabas daw ito sa August.

Nakasama ko si Anezka dati sa production ng "Les Miserables: The Musical" noong college pa ako sa UST, at ngayon ay member na siya ng RCS, ang singing group na itinatag ni Ryan Cayabyab.

Sana kumita ang movie niyo, Anezka! Congrats! Malapit ka nang mag-solo career! Woot woot! = D

10 comments:

  1. putangina
    doon ako sa maskaman
    magcocomment..

    shet! ang lakas!
    nabingi ata ako!

    anyway.. sana nga'y makahanap ka na ng work diyan kuya..

    isasama kita sa panalangin ko kahit na mukhang nakalimutan ko ng magdasal.. God Bless na lang sayo!

    ReplyDelete
  2. wow...natouch ako at naantig sa pag uusap mo kay God...

    pilit kong sinsabi sa iba na religous blogger ako..

    pero indi naman pala..

    dahil sa post na to..

    ha ha ha..kamusta naman yun?

    uy teka, nag mumusical ka pala..

    tanungin mo din ako....

    ha ha ha..

    ReplyDelete
  3. at talaga namang may isa nanaman tayong nagkataon na pagkakapareho. dahil sa kabagutan ay kailan lang ay sinumulan kong ang inaalikabok ng season 1 at season 2 dvd ng desperate housewives sa bahay. kakatapos ko pa lang ng season 1. ang gwapo ni john yung hardinerong sumaside bet kay gabriella, bwahahaha. xet hindi ako bakla ha. tapos si yung plumber na si mike ang macho, ang ganda ng mga abs, bago pa ako mapagkamalan dito eh tatapusin ko na tong kalokohang comment na to.

    *off topic*

    pinahirapan mo ako sa tanong mo sa deathly hallows, hehe, pero sa pagkakaalam ko, nakuha ni neville yung sword ni Griphook sa sorting hat na inilagay sa ulo niya, parehas na paraan kung pano nakuha ni harry potter sa chamber of secrets kung iyong naaalala. sabi rin sa chamber of secrets tanging ang tunay na Gryffindor lang ang makakahugot ng espada palabas ng sorting hat meaning, the sword comes to a "true gryffindor" when he needs it. huwaw english pa yan ah. hahahaha.

    *on topic*

    dasal dasal lang. sana ay makahanap ka na nga ng babae dyan este trabaho pala. joke lang yung babae, baka mayari ako kay Ngork Ngork mo. hehe. good luck.

    ReplyDelete
  4. @FB: Hahaha. Si Damdam ang may sala ng Maskman. *LOL* Sana nga magkawork agad. Papadalhan kita ng keychain kapag nagkaganun. Hehe.

    @Maldito: Hindi naman ako religious. Spiritual lang. Hehe. Nagmu-musical ka din?

    @Pedro: Hmmm... base sa comments mo, oo nga, hindi ka badingerz. *LOL*

    ReplyDelete
  5. good luck sana makahanap ka na ng trabaho diyan para hindi ka na nababagot. tsaka nakakatuwa naman close na ulit kayo ni God. lol. wag ka mag alala pasensyoso naman yun eh kahit magulo tayong lahat. basta good luck sayo. pagka may trabaho ka na ikwento mo agad.

    ReplyDelete
  6. shapul ako dun! sana lang naaalala Siya ng lahat kahit wala tayong problema or hindi nag-iisa.

    @ rj - ops, ops, ops! ano yan?! penge num nya gasul!

    ReplyDelete
  7. nakakarelate naman ako sa naikwento mo.

    kagaya mo, naghahanap din ako ng trabaho dito sa sg.

    turista kaya mahirap. pinoy. hindi marunong mag mandarin. at least hindi mabaho. hehe

    nararamdaman ko ang maiwan sa bahay ng buong maghapon. magsasawa ka talaga sa cable tv, pinoy tv at TFC. pati you tube at friendster,pagsasawaan mo talaga. nakakaloka pa yung mga employers. isnabera. hmf

    naalala ko tuloy yung sinabi ni pastor detch. basta basta kasing nag empake at nagpunta sa singapore. nung dumating, si God ang sinisisi kung bakit walang trabaho.

    napaisip tuloy ako. tama. hindi manlang ako nakapag pray bago umalis. di ko manlang natanong kung para sakin ba ito.

    at nakilala ko nga ulit si God.

    magkakatrabaho ka. at ako. pati sila. ibibigay yun ni God. in his time.

    for the meantime, mag swimming ka muna jan. ako naman mag lulucky plaza. haha :)

    ReplyDelete
  8. kaibigang gasolina..

    dati ratiy nagmumusical ako..

    all around...

    dancer..actor....wag lang songer..

    namiss ko na ang buhay ko sa entablado..

    na miss ko na ang may nanonood..

    ang pinapalakpakan...

    ang hinahiyawan...

    ang senti..

    yoko sanang magbago ang panahon..

    but Im a grown up man now..

    face ko nalang ang reality na indi sa habang panahon sa entablado lang ang buhay ko.

    ReplyDelete
  9. parekoy...

    again, sabi ko nga sayo ay ito ang isa sa mga dahilan kung bakit proud ako sayo bilang kaibigan...

    sapul din ako pare, as in. oo nga, ang nangyayari'y last choice na lang Siya minsan sa buhay natin...

    PERO hindi pa huli ang lahat.

    ReplyDelete