Wednesday, July 16, 2008

Oprah at Harry Potter

Sa mga panahong tulad nito, ewan ko ba, bigla kong naalala si Oprah.

Dati kasi ay malimit akong manood ng show n’ya. Wala kaming cable, pero ipinapalabas ito lagi sa Studio 23 kaya napapanood ko sa Free TV. Naaaliw kasi ako kapag ang topics n’ya ay tungkol sa self-improvement (kaya dati natutuwa din ako kay Dr. Phil). Naalala ko pa mayroon akong pen at paper lagi sa tabi habang nanonood at talagang nagte-take down ako ng notes para hindi ko makalimutan ang mga importanteng bagay na natututunan ko mula sa show n’ya. (Baduy at corny man isipin ng iba, pero ako’y isang sikolohista kaya appreciated ko ang mga ganito. Hehe.)

Isa sa mga tumatak na “Oprah’s Life Lessons” sa akin ay ang pagkakaroon ng “Gratitude Journal”.

Sabi ni Oprah, dapat daw ay sinasanay natin ang ating mga sarili na mag-list down ng at least limang (5) blessings o something to be grateful for araw-araw. Ito daw ay makakatulong sa atin na magkaroon ng positive outlook in life, at para maalis natin sa ating isipan ang mga problema at hinanakit sa ating buhay. Tinuturuan din tayo nito na maging appreciative sa mga bagay sa paligid at mga pangyayari, gaano man kalaki o kaliit nito.

Madali kung iisipin sa simula. Nagagawa ko ito dati, pero para gawin itong habit araw-araw? Nahirapan akong i-maintain. Pero gusto ko ulit subukan.

Ano nga ba ang mga blessings na aking natanggap mula ng makarating ako dito sa Singapore? Susubukan kong isa-isahin.

1. Ang pagtanggap sa akin ng kaibigan kong si Gregg na tumira sa kanyang pad ng LIBRE habang nandito ako sa Singapore. Nakakahiya nga eh, pero tatanawin kong malaking utang na loob ito sa kanya.

2. Ang pagsundo nila ng kaibigan n’yang si Ton sa akin sa airport nung Saturday, at hindi nila ako pinag-MRT kaagad dahil sa bigat ng aking mga baggage. Sumakay kami sa taxi pauwi from Changi Airport to Yio Chu Kang at sila ang nagbayad. Ang mahal kaya sobra ng taxi fares dito!

3. Ang pagpapagamit ni Gregg sa akin ng kanyang laptop para sa aking paghahanap ng work online. Naka-cable pa kami dito sa pad n’ya kaya mabilis ang Internet connection. Ang mga pagbisita sa job sites tulad ng Jobstreet, JobsDB at Monster ay walang ka-hassle hassle. Pati ang pakikipag-chat sa mga kaibigan at minamahal sa Pinas ay wala ding problema.

4. Si Lyzius! Itinuturing kong blessing sa akin ang bagong blogger friend na ito na nandito din sa Singapore. Noong Sunday pagkatapos naming magsimba sa Novena Church ay nagkita kami. Eto pa, nilibre niya ako ng dinner at pinahiram pa niya sa akin ang kanyang spare na SingTel SIM. Ang mahal kasi daw ng SIM dito, aabutin ata ng S$28 o 840 pesos. Hindi tulad sa Pinas na sa halagang 40 pesos ay may mabibili ka na. Nakatipid ako! Salamat Jing!

5. Noong isang araw ay binalak kong pumunta sa PAL Office dito sa Singapore para ipa-refund ang aking return ticket. Medyo malayo ito mula sa aking tinutuluyan kaya talagang effort ang pagpunta dito. Nang ako ay medyo malapit na sa Selegie Road, hindi ko makita ang Parklane Shopping Mall kung saan nandoon ang PAL Office. Naligaw ako kahit may dala akong mapa! Nagulat na lang ako ng biglang may lumapit sa aking isang medyo matandang mukhang Bumbay at ako’y tinanong ng “What are you looking for?” Noong una ay natakot ako kasi iba ang dating talaga ng mga Bumbay sa akin. Ang sama ko dahil naging mapanghusga ako, pero dahil mukha naman siyang mabait, kinausap ko na din siya at sinabi kong hinahanap ko ang Parklane Mall. Pinasunod niya ako sa kanya dahil malapit daw iyon sa kanyang pupuntahan at itinuro din niya ang directions. Sa aming paglalakad nagkakuwentuhan na din kami. Nakakatuwa kasi nakarating naman ako sa aking pupuntahan ng maayos dahil sa napakabait na taong ito. Salamat po Lord!

6. Pinoyexchange! Malaki ang naitulong sa akin ng forum na ito sa kadahilanang madami pa akong hindi nalalaman tungkol sa pag-stay ko dito sa Singapore. Noong isang araw ay ipinost ko dito ang aking mga suliranin at problema simula ng nasa NAIA pa lang ako. Nakakatuwa dahil may mga forumers na nagreply at nag-share ng information. Ayus at parang nabunutan ako ng malaking tinik sa paa! Salamat PEX Forumers!

7. Yahoo Messenger! Dahil dito nawawala ang pagka-homesick ko. Inaamin ko na sa simula pa lang ay parang nahihirapan na ako sa pag-stay ko dito. Ang lungkot! Lagi kasi akong naiiwan dito sa pad ng mag-isa. Pati mga high school friends ay nakaka-chat ko. Nakakatuwa din lalo na yung ibang piling kaibigan na walang sawa sa pagbibigay ng words of encouragement sa akin. Yung iba ay tinutulungan pa akong makahanap ng work dito. (Oo Daryl, ikaw ang tinutukoy ko! Hehe.)

Dahil sa mga blessings na ito, lalo kong nare-realize na sa kabila ng mga problema at pagsubok, hindi pa din ako pinapabayaaan ni Lord. Ad majorem Dei gloriam!

*****

Aside from job hunting online, isa sa mga pinagkakaabalahan ko ngayon ay ang pagbabasa. Salamat Harry Potter! Natatanggal mo ang pagkabagot ko!


*****

Nakuhanan ko na ang facade kung saan ako tumutuloy ngayon dito sa Singapore. Ito ang Castle Green sa Yio Chu Kang (Hmmm... hindi kaya kay Greenpinoy ito? *LOL*). Ang ganda, 'di ba?


Sa tabi ng building ay may isang NAPAKALAKING swimming pool. Greenies, dito tayo magtaguan! Tingnan ko lang kung mahanap n'yo pa ako dito at marinig ang mga hagikhik ko. *LOL*

28 comments:

  1. ang ganda naman jan..
    someday makakapunta rin ako jan hahahaha malay mo magkita pa tayo

    habang binabasa ko hinahanap ko si harry potter nasa dulo pala.. haha

    ReplyDelete
  2. Life is good! Tama yan. Let's count all our blessings.

    At talaga namang napasiyeet ako sa ganda ng tinutuluyan mo. Baka me bkante png kanto sa pad ng kaibigan mo, pwede na ko dun.

    Gambatte!

    ReplyDelete
  3. gud 2 know u're OK dude. buti naman at nakapag-adjust ka na kahit pano. may God give you more blessings dahil kelangan mo talaga.

    *off topic. di ko pa din nabasa ang Deathly Hallows. bili sana ko last week kaya lang alang stock sa nattional bookstore d2 sa cebu. tsk, tsk. ingat lagi jan dude!

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. aba! nasa Singapore na pala si GD! :D

    salamas sa pagbisita sa blog.

    Familiar ka ba sa yahoogroups na photonski (photographers/photography enthusiasts)? Most of the active members are Pinoys who are based in Singapore!

    You might to check it out. :)

    photonski@yahoogroups.com

    ReplyDelete
  6. nasa Singapore ka na pala! Ang sossy naman ng tirahan, may pool!


    Ingat dyan. =)

    ReplyDelete
  7. wow ang ganda nman nung pool...sarap nga siguro magtaguan dyan...hehehe

    may YM naman kaya kahit na malyo ka sa high school frinds mo may communication k p din s knla db?

    sensya na sa messge ko, maigsi lng...hehehe...HAPI BIRTHDAY!!hahahaha

    sa lhat ng problems may solusyon...at dun mo mapansin na madami ka blessings at nsa tabi tabi lng yun...smile GD...:)

    ReplyDelete
  8. deathly hallows, yan ang pinaka maganda sa potter series para sa akin. malufet!

    ReplyDelete
  9. magawa nga yan.. dapat talaga binibilang yung mga blessings..

    ingat ka dyan kuya alex! weee!

    ReplyDelete
  10. eh di ka kaya namamansin sa ym. ahhaha. joke!!

    miss ka na namen dito alex.. kaya ikaw, kapag mayaman ka na dyan sa singa.. kami naman ang makikitira sayo ha?! :P

    tama.. count your blessings and always be thankful.. yngat lage dyan!!

    ReplyDelete
  11. hmm so narefund mo na ang PhP24,000return ticket mo? ayos, tara na sa sosing's, libre mo kami...

    nakanampuchang gasul to, nakakamiss!!! suntukan na lang!!! grrrr...

    ReplyDelete
  12. Nice pad. Your friend Gregg is an angel. Akshully, that's supposed to be your biggest worry, ang titirahan mo while looking for work. I assure you, not everyone will be willing to do that. Kahit hindi ko siya kilala, mahal ko na siya.

    Ellababes is praying for you, dude.

    ReplyDelete
  13. Good Luck sa yo! At sana V ka sa Singapura! Victory!

    ReplyDelete
  14. wow! Ganda naman ng tinutuluyan mo.. ganda ng pool, sarap mag swimming... haaay!

    Deathly Hallows... ganda yan... para akong di matae noong di ko pa nababasa yan e wala naman ako pambili, salamat na lang sa Winnipeg Library at di ako nabigo ng magpa reserve, hehheeh!

    GOD bless sa job hunting. I know malapit mo ng makuha ang work na gusto mo jan. basta always keep the faith in God at lagi lang siya anjan.

    AMBAIT naman ni Lyzius. Saya! Sana ako din may malapit na blogger friend dito. Matagpo nga si hipag Goddess. Siya na pinakamalapit eh.

    ingat always basta kaya mo yang lungkot na yan. You always have friends to support and pray for you. okies!?

    ReplyDelete
  15. i have a post about this also (things to be grateful for)... magandang therapy di ba? esp. if you're really feeling bad trip about other things. good to know you're adjusting well there. cool pad ha. i like the pool!

    ReplyDelete
  16. nasa singapore na pala ang iba dyan indi ko na namalayan....kamusta naman yun ah?he he he...congrats buddy at nakamit mo na ang pinaka iintay mo....tita ko nandyan din dati pero dito na ngayun sa pinas...gusto kong makarating dyan balang araw...

    o siya ang haba na nito..ang gusto ko lang iparating eh ang ganda ng pad niyo..

    lols..ingats kapatid!

    ReplyDelete
  17. tama, dapat magbilang tayo ng mga blessings na dumarating sa atin. maappreciate natin isa-isa ang mga bagay na meron tayo. ayos lang kahit mabagal ang pagbibilang parang si 'count dracula':

    ONE! (kulog, kidlat) a! a! a! aaa!

    TWO! (kulog, kidlat) a! a! a! aaa!

    ReplyDelete
  18. Pucha ang ganda pala ng tinutuluyan mo dyan... Yan yung mga condo type talaga sa Singapore at mayayaman lang ang nakaka-afford dyan... So ibig sabihin, bigatin pala insan mo dyan...

    ReplyDelete
  19. ang sarap magtaguan dyan sa swimming pool na yan. siguro mga limang araw na taya pa rin si ayz, lalo na pag yung madadaya gaya ni sherwin ang kalaro. mwahahaha!

    nabasa ko na yang hp7. mamamatay dyan si george o si fred. basta isa sa kanila. tapos si Snape aamin na bading sya at kras nya si harry noon pa. si dumbledore mabubuhay at papakawalan yung phoenix. lols.

    ReplyDelete
  20. gasul! ayus naman at ayus ka jan.. dont worry God is good all the time..
    at for sure(kahti may kumontra pa!) darating pa ang maraming blessings para sa iyo.. sana pag sobrang dami mo ng blessings e ipasyal mo kami jan.. yung libre ha.. tapos sa li ako sa taguan nyo.. ahahahah..

    off topic: JECK hayup ka! di ko pa nababasa HP7!

    ReplyDelete
  21. huwaw naman.

    ang ganda ng view dyan. ambaet ng kaibigan mo, siguro dahil mabaet ka rin ha ha

    ReplyDelete
  22. feeling ko magkikita tayo dyan. iapply mo nga ako. hahaha!

    ReplyDelete
  23. san napunta iyong comment ko?!

    ReplyDelete
  24. hello, sana makatulong itong site na to sayo http://www.pinoysg.com/forum/index.php
    :)

    ReplyDelete
  25. o huwaw ang ganda ng lugar ng tinitirhan mo GD. ayun nga, kalaban talaga ang homesick kapag nagstay na sa ibang bansa. kailngan ko na din siguro gawin yang ilista ang mga magagandang nangyayari sa araw araw, pero katulad mo ndi ko din kayang araw arawin yan. cguro ywice a week ahahaha.

    sana makahanap ka na ng work jan SOON para naman eh may mapagkaabalahan at maging busy na.

    GODBLESS GD!

    ReplyDelete
  26. ibang klase ka talaga. swerte mo talaga at sa condo ka kaagad napunta.

    may sikat na kainan daw dyan sa singapore a, somewhere malapit sa dagat. di ko marecall ang name pero masarap daw ang grilled food nila.

    matuto kang magtennis para just in case magkita tayo, may makakalaban ako. LoL!

    Good LUCK!

    ReplyDelete
  27. akala ko nakapagcomment na ako don. langya. noong huling kita ko dito 4 pa lang ang comment.

    ReplyDelete
  28. hinanap ko din yung harry potter...

    ahaha. kakatuwa naman. entertaining yung mga posts mo. very spontaneous

    by the way, nung nag-apply ako for a job, harry potter 7 yung pinag-usapan namin about kay snape at iba pa

    ReplyDelete