Sunday, July 13, 2008

Unang Bad Trip, Unang Good Trip

Bakit ganun, sa una pa lang mahirap na? Bakit ganun, nasa NAIA pa lang ako dumating na kaagad ang mga problema at pagsubok?

Nandito na ako sa Singapore. Dumating ako ng 6pm kagabi. Hindi ako masyadong na-excite sa paglapag ng eroplano sa Singapore Changi Airport sapagkat mayroong bumagabag sa aking isipan.

Nasa NAIA pa lang ako ay nagkaproblema ako agad. Hinarang ako sa Immigration. Bakit daw wala akong return ticket. Ipinakita ko ang aking EPEC na ipinadala ng Ministry of Manpower ng Singapore ngunit hindi sila nakuntento. Kailangan ko pa din daw ng return ticket, kung hindi ay hindi ako mapapayagang umalis.

Ang tanga tanga ko. Bakit nga ba hindi ako bumili ng return ticket?

Wala akong naging choice. Dalawang oras na lang at lilipad na ang eroplanong sasakyan ko. Lumapit ako sa babaeng nagbigay sa akin ng boarding pass, at sa kanya ko sinabi ang aking suliranin. Pinayuhan niya akong pumunta sa PAL office sa labas lamang ng airport, at doon ay makakabili na ako ng ticket from Singapore to Manila. Ito naman ay aking ginawa.

Pagkadating ay pina-check ko na kaagad kung magkano aabutin ang ticket na aking kailangan. Ako ay nagulat sa aking narinig. Pucha! US$544! Mahigit kumulang 24,000 pesos para sa isang ticket pabalik ng Manila!

Wala na naman akong naging choice. Bumili na ako agad bago ako maiwan ng eroplano. Pero sa isip isip ko, paano ako makakatagal sa Singapore? Hindi kalakihan ang dala kong pocket money, nabawasan pa lalo. Paano na ako? Hindi na ako kakain?

On a positive side, at least papayat na ako. Hehe.

Siet talaga! Kailangan ko na talagang magka-trabaho kaagad.

*****

Sinundo ako ng aking kaibigang si Gregg at ng kanyang kaibigan sa airport. Buti naman at nakakita kaagad ako ng isang pamilyar na mukha. Sa kanya muna ako titira pansamantala.

Pagkatapos naming kumain ng dinner sa Burger King sa loob ng Changi Airport ay tumuloy kami kaagad sa kanyang condo sa Yio Chu Kang. Ako'y namangha sa aking nakita. Ang ganda ng lugar! Mukhang pang-mayaman! Buti na lang may kaibigan ako dito! Woot woot!

Hindi ko pa nakuhanan ng litrato ang facade ng building na aking tinutuluyan ngayon, kaya ito munang loob ng condo ang tingnan n'yo. Isinama ko na din ang mga makikita n'yong view kapag dumungaw ka sa mga bintana. Hehehe!

Pagpasok mo nang pintuan ay ito ang tatambad sa iyo. Isang maluwag na bachelor's pad na talaga naman mukhang masarap tirahan.

Pagdungaw mo sa bintana ay isang tennis court ang iyong matatanaw. Hindi lang yan. Katabi n'yan ay isang napakalaking swimming pool. Mukhang mawiwili ako dito, kahit na hindi ako marunong mag tennis at mag-swimming. *LOL*

Ito ang kuwarto ko. Maayos naman, di ba? Wala akong bayad dito! Sira nga lang ang aircon kaya tiis-tiis muna sa electric fan.


Kapag dumungaw ka sa bintana ng aking kuwarto ay ito ang mga matatanaw mo. Talaga namang napakalinis at napakaganda. Haaayyy.

14 comments:

  1. Punta ka sa Geylang! Ahahahaha. Joke. :D


    greyweed

    ReplyDelete
  2. ang mahal ng ticket.. tsktsktsk

    sana makahanap ka na ng work kuya..

    good luck!

    ReplyDelete
  3. oi oo nga punta ka geylang tas sama ako...ahahaha...red light district...pagsubok lang yang sa NAIA, bwakanang ina kasi mga tao dun sa immigration kaya hayaan mo sila...inggit lang sila kasi di sila makaalis ng pinas...

    ReplyDelete
  4. gusto ko ring pumunta jan..sana pagdating ng panahon.. ingat ka jan...sana nga makahanap ka agad ng work... god bless!

    ReplyDelete
  5. ang mahal!!

    pero things will be better!! swerte mo!! kaya kapag mayaman ka na dyan,kami naman ang makikitira sayo!

    ReplyDelete
  6. ang mga pagsubok matatapos din.

    sipagan mo lang dyan he he

    super gudluck!

    ReplyDelete
  7. syet! 24,000!!!

    pero ang ganda ng place! malayong-malayo sa riles ng tren na tatambad pagdungaw sa condo ko...

    pero may nahanap ka bang "CRISSANT" diyan??

    miss ka na namin gasul!

    ReplyDelete
  8. potek! para kang bumili ng ps3 ah! sana sinampal mo ang mga pagmumukha nila!

    haha!

    wimishu!

    ReplyDelete
  9. been in that country twice. sobrang-linis nga kaso hindi ideal para mag-shopping jan. mahal kaya!

    refund mo na lang agad ticket mo at goodluck sa bagong chapter ng buhay mo.

    ReplyDelete
  10. Crazz... sorry di ko nasagot YM mo. sana magabot tayo online para makapagkwentuhan tayo...

    kainis naman yung experience mo sa NAIA.. pero small price to pay kung magsu-succeed ka naman ng todo todo diba?

    ingat palage! you're always in my prayers.

    ReplyDelete
  11. ako rin nung unang pagpasok ko sa tutuluyan kong HDB, nastarstruck ako. hahaha ini-expect ko kasi dugyot kasi libre eh pero hindi pala. malinis at kumportable. pangmayaman kung itutulad sa standards ng pilipinas.

    mukhang mawiwili ka nga diyan, may pinay pa nga yata dun sa huling picture oh. hahahah juk juk. =D

    ReplyDelete
  12. dlxHahaha! natawa naman ako sa comment ni rj.

    Don't worry everything will turn out well. Ikaw pa =P

    First comment ko pala 'to. hehe

    Miss na kita =(

    ReplyDelete
  13. ayyyy ang sweet sweet ni pampoy!!

    nakakakilig hehehe...

    ReplyDelete
  14. Halu! Ang comment ko, nauuna sa pinaka latrest eh! Lekat na immigration un ah.. nweis, ganun talaga. Sabi nga ni hipag, small price to pay basta sikap lang to succeed jan sa Singapore.

    Ganda ng room mo... hehehehe!!! Naalala ko lang ang room ng utol ko noon, parang ganyan din, nasa sahig... :)

    ingat lagi... sweet naman ni pampam...

    ReplyDelete