Tuesday, August 26, 2008

Bowling Tournament

Pumasok na ako sa opisina kahapon.

Kung puwede nga lang sanang mag-absent ulit ay gagawin ko dahil hindi pa gaanong maganda ang pakiramdam ko. Pero pumasok na ako hindi dahil sa madami na akong naiwang trabahong kailangang tapusin, kundi dahil sa meron kaming Bowling Tournament na ginanap sa The Chevrons na malapit sa aming opisina. Siyempre naman hindi ko palalagpasin ang mga ganitong pagkakataon. Bonding time din ito kasama ang mga Bossing at ibang officemates. Mabuti na ding sumama sa mga ganito para makita nila na marunong akong makihalubilo. Atsaka, marunong naman din akong mag-bowling kahit papaano. Hindi nga lang kasinggaling ni T'yo Paeng Nepomuceno (kahit pareho kaming kaliwete). Hehehe.

Ayun, we had two rounds of bowling fun. The first was actually a warm up game, then the second one was the real competition. Masaya dahil habang naglalaro ay nagtatawanan at nagchi-cheer kami sa kanya-kanyang grupo. Tumatagay din kami ng Carlsberg during breaks while munching on chicken wings, fries and chips. Now, that's what I call LIFE! Woot woot! = D

Guess kung anong naging resulta ng laro? Ayun... TALO KAMI! BY ONE POINT!

Napa-contribute tuloy ako ng S$10 dahil ang bet namin ay kung sino ang matatalo ay manlilibre ng dinner. Kaya after the game, we treated the other team at Subway's.

It was definitely a fun evening.

The Winning Team


The Losing (but Better-Looking) Team *LOLz*


We lost by one point! Siet!

26 comments:

  1. ang ganda nung girl! crush ko na siya :)

    ReplyDelete
  2. @gasul, sino yung matangkad na gwapo na kasama mo????? crush ko na rin...

    ReplyDelete
  3. @Chroneicon: Crazz ko din 'yan, kaso ikakasal na sa December. Pinay 'yan. Hehehe.

    @Lyzius: Alin? 'Yung foreigner sa Winning Team? German boss ko. Lahat naman kami actually matatangkad at gwapo... *LOLz*

    ReplyDelete
  4. baka magbago isip! dali! reto mo ko! hihi

    ReplyDelete
  5. hutcha sarap ng buhay a... bowling bowling lang... amf! hehehehe

    ReplyDelete
  6. Wow! Bowling with beer on the side? Perfect. I used to bowl every Friday nung nasa Taipei, pero dito wala. Buti pa kayo diyan. Btw, di ka naman mukhang me sakit a. O talagang photogenic ka lng talaga. hehehe

    ReplyDelete
  7. Enjoy naman talaga magbowling. :D

    nde ka ba nakasali sa bowling tournaments dun sa company mo dito sa pinas?

    ReplyDelete
  8. anong pangalan ng mga nasa winning team?

    baka nagkakalimutan tayo, yung number ni anezka hinihintay ko. hahaha!

    ReplyDelete
  9. ang cute pink yung ball mo.. parang ang sagwa pakinggan.
    oh well.. kaliwete ka pala.. turuan nyo ako mag bowling.. di ako marunong..

    ReplyDelete
  10. since kakabasa ko lang ng entry ni GP about konyotik, so here goes my comment:

    Ei dude, i make tanong my personal trainer sa gym last night if i can make sali sa dragon boat rowing team, but sabeh nya kzeh i need to make more work out pa daw dude!

    maybe in the next 2-3 months daw i can make sali na...

    so kelan ba ang swimming natin? mamaya o bukas?

    ReplyDelete
  11. napaka pormal niyo naman maglaro! lol

    ReplyDelete
  12. potek namang, kailangan naka long sleeve ka?????

    hahahaha... e bakit nung nandito ka nde mo ko hinamon magbowl???

    ...naranasam mo sanang talunin by 2 points naman (hehe)

    ReplyDelete
  13. Mabuhay!
    Stumbled in your blog.... galing galing!

    I like your stories and sharing of experience, thoughts about being in Singapore, being a yuppie ... and all the angst ...

    Keep on writing and blogging!

    I keep on reading ...

    Baka magawi ako sa Singapore sa isang HR conference dyan sa Shangrila bandang October 21 up to Oct 23 then balik sa Seoul.

    Baka pwedeng makipag beer minsan, kung may oras.

    NONOY nasa Seoul ako ngayon dito sa Ansan

    ReplyDelete
  14. @Chroneicon: Ang landi mo talaga! *LOLz*

    ReplyDelete
  15. @Ron Turon: Siyempre minsan kailangan ng leisure, hindi puro work na lang lagi. Hehehe. Musta Pinas?

    ReplyDelete
  16. @R-yo: Nyak. Hindi ako photogenic! As in! I look better in person. Nyahaha ang yabang! *LOLz* Sarap uminom while bowling. Try mo.

    ReplyDelete
  17. @Wandering Tsinelas: Hindi ako sumasali sa mga tournaments sa Petron dati. Hindi naman kasi ako magaling. Hehehe.

    ReplyDelete
  18. @RJ: Isa ka pang malandi! Uhm. *LOLz*

    ReplyDelete
  19. @Damdam: Nyahaha! Oo pink ang ball ko. *LOLz*

    ReplyDelete
  20. @Lyzius: Hmpf! OK lang 'yun! Dragon boat na tayo! Hehehe! = P

    ReplyDelete
  21. @Coldman: Oo nga, pormal pormalan kami. Kakagaling lang kasi sa office eh hindi naman ako nakapagdala ng extra shirt.

    ReplyDelete
  22. @Lethalverses: Kasi naman masyado tayong busy sa pag-EMO at Poker! Nyahahaha! *LOLz*

    ReplyDelete
  23. @Nonoy: Sabihan mo lang ako kung kelan ka punta Singapore. Inuman na! Hehehe. Thanks sa pagbisita lagi. = D

    ReplyDelete
  24. GAS DUDE,

    Mukhang tuloy na yung lakad
    ko sa ASEAN Summit HR Conference sa Shangrila, isa ako sa
    speaker.

    Saan maganda inuman?

    October 23 mukhang libre ako.

    Salamat pala sa pansin at sagot
    sa email ko.

    NONOY sa Ansan, KOREA

    ReplyDelete
  25. @Nonoy: Huwaw speaker! Hanep! Anong topic? Share naman d'yan! Hehe.

    Blogger ka ba Parekoy?

    ReplyDelete
  26. dapat ganyan nga, di yung puro trabaho. hehe. magandang mag-unwind paminsan-minsan.

    ReplyDelete