Monday, August 4, 2008

Chance of a Lifetime

Kinakabahan ako.

Meron kasi akong interview mamayang 3PM. Second interview ko na sa company na ito, at mukhang promising ang magiging career ko kapag natanggap ako. Supervisory ang position level, at mukhang may pa-kotse! Ang problema dito, hindi ako marunong ng right-hand driving (baligtad kasi dito sa Singapore), saka wala pa akong international driver's license.

Naalala ko nung first interview ko, I was feeling very confident kasi nung ineexplain sa 'kin ni HR Manager yung position, swak na swak sa dating ginagawa ko sa Petron. More on Facilities Management 'yung magiging responsibility, at mayroon din akong mga iha-handle na tao.

Saka pala kapag natanggap ako, hindi ako sa Mainland Singapore made-destino. Sa Jurong Island 'yung place of assignment. Sabi kasi sa 'kin ni HR Manager, karamihan ng mga petrochemical companies na-anduon sa island na ito.

Sabi ko nga kay God kagabi, sana maging maganda 'yung kalabasan ng interview at sana hindi ako masyadong kabahan. Iniisip ko din kasi, kung para sa akin talaga 'yung trabaho, sa akin talaga ibibigay ni God. Kung hindi, siguro merong mas magandang trabahong nakalaan para sa akin.

Kaya ngayon, as much as possible I'd want to stay positive muna. Kailangang kalimutan ang mga ibang problema, at baka atakihin na naman ako ng high blood pressure nito. Mahirap na.

Kaya ikaw Gasoline Dude, galingan mo mamaya!

Wish me luck!

6 comments:

  1. Goodluck. God will give you what you truly deserve. balitaan mo kami :)

    ReplyDelete
  2. welcome GD. salamat din sa pag daan. galingan mo mamayang 3pm!.

    red lane ka rin pala?

    sana makahanap din ako ng work gaya mo. :)

    in God's time

    ReplyDelete
  3. goodluck parekoy!
    kayang kaya mo yan.

    ReplyDelete
  4. nga pala since your also in SG, Baka u want to join our church. Horizon yung name. everybody is welcome. :)

    pangdagdag sa relationship natin kay God.


    :)

    ReplyDelete
  5. GD, kaya mo yan kaya mo yan!!! isa pa!!!


    KAYA MO YAN!!!!


    GodBless and Goodluck. :)

    ReplyDelete
  6. positivity + God = fierce formula!

    ReplyDelete