Tuesday, August 5, 2008

News

Ang bait talaga ni God.

Sa kabila ng mga problema at kalungkutan, hindi niya talaga ako pinabayaan. Kanina papauwi na ako galing sa aking interview, nakatanggap ako ng tawag. Si HR Manager ng Sodexho, at may good news siya para sa 'kin. Tanggap na daw ako sa posisyon na inaapplyan ko.

Makakapagsuot na ako ng orange jumpsuit! *LOLZ*

**********

Sabi ni HR Manager, hindi pa daw na-finalize 'yung job offer. Kaya hindi ko pa alam kung magkano ang sweldo. Tatawagan daw niya ako bukas.

Una kong tinawagan si Insan Michael para ibalita ang good news. Masaya din siya para sa akin. Pero sabi niya, huwag daw muna akong pipirma ng kontrata. Pag-aralan ko daw munang mabuti. I-consider ko din daw 'yung ibang options ko.

Actually, baka nga magkaroon ako ng isa pang option. Naging maganda din ang kinalabasan ng interview ko kaninang hapon. Isang German I.T. Consulting Firm 'yung company, at panel interview ko with their German Director & Indian Manager kanina. Ewan ko ba, parang tanggap din ako. Ayoko sanang pangunahan, pero iba lang talaga ang gut feel! Sabi nila i-uupdate nila ako within the week at aayusin lang daw 'yung job functions na ibibigay sa 'kin. Sabihan ko din daw sila agad kung magkaroon ako ng job offers sa ibang companies.

Bahala na, wala pa naman 'yung actual job offer. Pero ang bait talaga ni Lord!


**********

Pagkalabas ko ng Yio Chu Kang MRT Station, sunod ko namang tinawagan si Mama. Naghanap talaga ako ng phone booth, at ibinalita sa kanya ang good news. Natawa ako kasi unang tanong niya kaagad, "Magkanong suweldo???"

Kaso hindi din kami masyadong nakapag-usap kasi choppy 'yung line.

Para sa'yo 'to, Mama! 'Pag nagkataon, mabibigyan ko na din kayo ng mas magandang buhay.


**********

Ito na ang simula ng pagbabagong buhay ko.

Kaya ko din naman binalak ang pagpunta dito sa Singapore ay para maisa-ayos na ang buhay ko. Marami akong pangarap. Marami akong plano sa buhay. Kailangan kong paghandaan ang mga ito.

I must admit, I've been a mess-up. Ewan ko ba, hindi naging maganda ang career life ko sa Pilipinas. Natatanggap naman ako sa pinakamalalaki at pinakamagagandang kumpanya sa bansa natin, pero hindi talaga ako nagtatagal. Lagi na nga akong nasesermunan ng mga kaibigan ko, sinasabi sa'kin na "Pucha ang ganda na nang company mo ah! Bakit umalis ka pa???" Alam ko naman ang mga naging pagkukulang ko. Hindi ako naging focused. Wala akong naging drive. Madali akong nagpa-apekto sa mga nangyayari sa buhay ko.

But starting now, things will be different.

Naging mahirap na desisyon ang pag-alis ko ng Pilipinas. Marami akong naiwang minamahal at mga taong importante sa buhay ko. Hindi din tumigil ang pag-aalinlangan at pagkabahala ko sa kadahilanang pumunta ako dito sa Singapore ng walang trabaho. It's a big risk, 'ika nga ng isang kaibigan.

Naisip ko din kasi, life itself is REALLY a big risk. Kung lagi akong magpapaka-safe sa mga actions at decisions ko, walang mangyayari sa 'kin.

Kaya itinuloy ko pa din ang pag-alis, kahit na...

(1) Maiiwanan ko ang kaisa-isang natitira kong magulang, si Mama. Hindi naging madali kasi matanda na din siya, at ako, ang kaisa-isang anak n'ya, na lang ang inaasahan niya;

(2) Maiiwanan ko si Pam. Survival rate of long distance relationships is very slim. Hindi talaga nagtatagal. Bihira ang nagtatagal;

(3) Nandito pa sa Singapore 'yung taong gumago sa 'kin. Nakaka-distract lang. Madaling magpatawad, pero mahirap makalimot;

(4) Walang kasiguraduhan ang lahat.

But I've realized also that it's a matter of setting your priorities, and making some sacrifices. Kaya nga kapag may mga trials na dumadating, tinatanong ko na lang ang sarili ko:

"Bakit nga ba ulit ako pumunta dito? At para nga ba kanino ang lahat ng ito?"


**********

If there's anyone who got hurt in this process, i'm really sorry. As I've said before, it was never my intention to hurt some feelings. I was hoping that we could all be together in this, but maybe it got really too difficult for some.

I could have been much happier now.

11 comments:

  1. kahit anu pa man, congrats...ahaha,

    mabait na anak...kudos!

    at ang masasabi ko din sa longdistance relationship, SLIM nga...pero,HINDI DIN. hindi yan nasasaiyo, o nasasakanya...kundi NASASAINYO. kaya nyo yan!

    hmmmm, wala, masyado ako natuwa sa mga litanya ni kuya gasdude. hmmm, napapaisip ako.

    Godbless.kaya yan!

    flyfly!

    ReplyDelete
  2. GALENG.
    God is really GOOD.
    He never fails.

    there are times na akala natin, hindi nya tayo pinakikingan, but the truth is, he's just honing us to be a good person pag binigay nya ang blessings. he is preparing us to be a good reciever ng mga ibibigay nya.

    libre naman jan. hehe. kaya mo yan. continue praying. :)

    ReplyDelete
  3. natamaan naman ako sa sinabi mo, takot kasi akong mag take ng risk e.
    lagi lang ako sa comfort zone at im afraid to go beyond that..

    galeng mo naman kasi before hanap ka ng hanap ng work ngayon naman u have the option to choose na kung anong job ang gusto mo..

    and you are right God is good (all the time!)

    ReplyDelete
  4. good people deseves the best oppurtunities. gudluck. it's a long way ahead.

    ReplyDelete
  5. GOD bless po. Alinman ang makuha mong trabaho s amga inapply-an mo. Basta pag-aralan mo lang pong mabuti at tanungin ang sarili kung un na ba talaga ang gusto. Mairap kasing tumanggap ng trabaho dahil lang nade-depress ka na. Basta ipag pray mo lang din po kung ano ba ang kukunin mo talaga sa job offer at anupamang darating pa.

    Yes, going out of our comfort zone is really hard to do but we have to. We always need to take a risk para mas mapatunayan natin kung hanggang saan ba ang ating kakanyahan. Mas lumalakas kasi tayo kapag nasusubok.

    LDR... tunay na mahirap. Pero nasa mga taong involve sa relasyon lang yan. Gaya ko, magdalawang taon na ding chat/text/call lang ang communication, pero nagsu-survive naman. There will always be ups and downs pero kung mahal nyo talaga ang isa't isa at may pagtitiwala, makakasurvive din siempre.

    Basta GOD bless po!

    ReplyDelete
  6. KUDOS, gusto ko magmura payagan mo ko sa gagawin kong to GD...



    PUTANG INA!!! CONGRATUMALATIONS!!!



    PAYNALEEE!!! hahahahaha.


    sabi na kaya mo yan eh. sus. SISIW!!!

    hindi ka man lang pinagpawisan o? ang galing talaga ni Lord. Lahat ng mga nangyayari at scenariong binibigay nya sa atin ay may kaakibat na dahilan, at ang dahilan na yun ay minsan ndi natin nakikita, napapansin lang natin yung bigat nito sa atin, pero ang totoo sa dulo nun nandun naman yung paraiso. yung SARAP. yung MASARAP at KASIYAHAN.

    Congrats ulit GD. Ngayon, simula na ulit ng bagong chapter mo bilang isang OFW!!! Kudos ulit :)

    ReplyDelete
  7. congratulations gasul! :) masaya ako para sa iyo sa aspetong ito. good luck at sana tuloy tuloy na ang pag ayos! :)

    pareho tayong may bagong trabaho! LOL!

    ReplyDelete
  8. ayos pare! galing! excited ka na tiyak sa orange jumpsuit. hahaha! sana malibang ka diyan. get get awwww! =D

    ReplyDelete
  9. mas kakaiba talaga ang lasap ng tagumpay lao na kapag nasa dayuhang lugar ka.

    CONGRATULATIONS...!

    'wag mo masyado isipin na di magwo-work-out ang long distance relationship. hard to handle, yes, pero iba ang ibinibigay na saya. i'd been that situation too.

    ingat jan.

    GOD bless!

    ReplyDelete
  10. congrats! sabi na nga ba e. there's really something for those who wait. makapunta nga ng Singapore at nang makapag blow-out ka naman. :-)

    ReplyDelete
  11. puro sila congrats.

    para maiba naman...

    BUTI NGA SA'YO!

    buti nga at may trabaho ka na. at may mga pagpipilian ka...

    :)

    ReplyDelete