Friday, August 1, 2008

No More

Tumawag ako kay Mama kanina. Ito ang una kong pagtawag sa kanya simula ng dumating ako dito sa Singapore. Hindi pa kasi ako nakakabili ng load for international call and text kasi sobrang nagtitipid ako dito. Pero ewan ko, nang makakita ako ng phone booth kanina malapit sa hawker center na kinainan ko, hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon. Sa mga panahong ganito, gusto kong marinig ang boses ni Mama. Pagtingin ko, 40 centavos per minute lang naman pala (Php13.00) ang pagtawag overseas. Maliit na halaga katumbas ng ligayang maidudulot nito kapag narinig ko na ang boses ng aking pinakamamahal na ina.

Nalulungkot kasi talaga ako dito sa Singapore. Kanina mag-isa na naman akong kumain. Hindi madali ang buhay dito lalo na kung wala kang trabaho. Kahit pilitin kong aliwin ang sarili ko sa ibang bagay, hindi pa din nito maibsan ang lungkot at pagkabagot ko.

Pinakamabigat kong kalaban dito ay ang sarili ko. Lagi kasi akong nade-depressed kaya kung anu-ano na tuloy ang pumapasok sa isip ko. Wala man lang akong makasama paglabas at maka-kuwentuhan man lang. Ang masakit na katotohanan na wala pa akong nakukuhang trabaho hanggang ngayon ay nakakadagdag pa lalo sa bigat ng saloobin ko. Idagdag mo pa ang pag-aalaala sa mga naiwan ko sa Pilipinas.

Tapos mayroon pang mga pangyayaring naganap kamakailan lang na talaga namang nakapanlulumo...

Ang Diyos na lang ang hindi nang-iiwan sa akin. Siya na lang ang tanging makakapitan ko, at magbibigay sa akin ng lakas ng loob.

Kasama si Mama.

*****

I have decided not to delete my blog anymore. (Hiatus na lang siguro, pero hindi delete.)

Salamat sa mga kaibigang blogista at forumistang nagpahayag ng kani-kanilang suporta at payo. Lalung-lalo na sa mga kaibigan ko sa Pinoyexchange! Ay.Ako.Ba at CoolCucumber! Haha gulat ako sa inyo! Nagbabasa pala kayo ng blog ko! Salamat ha. Miss ko na kayo. Sayang hindi ko na kayo nakita ulit bago man lang ako umalis.

At sa isang taong nag-effort na padalhan ako ng e-mail para sabihing nag-eenjoy siya sa pagbabasa ng blog ko at meron siyang natututunan dito. I don't know you personally, but eniweiz, salamat ng marami. I just had a very tiring job interview before I read your letter, and I must say, nawala ang pagod ko pagkatapos kong basahin. Hehe you know who you are! Salamat ulit.

At sa dalawang taong laging nandyan at handang makinig, salamat sa inyo. Tunay kayong mga kaibigan. Malaki ang tiwala ko sa inyo.

I guess life has to go on.

12 comments:

  1. nakakatuwa. parang sarili kong kwento ang binabasa ko sa post na ito. ang kaibahan lang siguro, hindi ko matawagan si mama. wala kasi talaga akong pantawag.

    nakakalungkot maglakad at magikot sa magarang bansa ng Singapore lalo't nag iisa. walang trabaho. kagaya ko.

    pero sa kabila ng lahat, masaya ako sa mga aral na tinuturo nito sa buhay ko. sa pagiging matibay ng relasyon ko kay God.

    isang magandang balita ang hindi mo pagsuko sa blog mo. bukod kay God, sa Mama mo, at sa mga kaibigan mo, andito kaming mga "kaibigan" mo sa blogsphere.

    Godbless.

    ReplyDelete
  2. naluugod akong malaman na hindi mo na rin buburahin tong blog na to..

    naalala ko pa noong unang padpad ko dito. january yun..august na.. kulang kulang 8 buwan na rin akong nagbabasa ng mga entries mo. at dahil sa blog na ito nakilala ko ang blogista sa likod nito na naging kaibigan ko din.

    para sa mas mahabang blogging ek ek! kampay!

    sige magpahinga ka muna kuya.. mag aantay na lang ako ng updates mo..

    ReplyDelete
  3. yes parekoy! life should go on. may it be exciting or harsh, its still life. i am glad for you coz you chose to face these challenges God is giving you.. just dont forget you are not alone. your friends are beside you. it may not be physical pero virtual andami. heheh! prayers lang dude. stay strong.

    ReplyDelete
  4. yey! di sya mag sasara ng blog! weee!

    ReplyDelete
  5. I can only say, Amen!

    At saka, same here. Malungkot din ng todo sa Tokyo. Buti ka pa nga, mansyon ang tinitirhan mo dyan, me kasama kang mga kaibigan, at madaming Pinoy na lumalabas kahit weekdays. Here's one sure thing: some overseas pinoys don't experience those luxuries/blessings. Keep on going!

    ReplyDelete
  6. buti naman. . .

    ganun talaga, find strength in Him.

    tsk, hiatus! wag ganun! hindi masaya ang ganun..*sigh*

    ahahaha! basta kuya gasdude, hindi mahirap maging masaya. ATTITUDE!

    apir!

    flyfly!

    ReplyDelete
  7. napangiti na lang ako ng sobra sa bandang huli nitong post mo =)

    yung promise mo ha... kasama na ko sa package sa susunod. =)

    *hugs and kisses crazz*

    ReplyDelete
  8. GD, kala ko buburahin mo na eh? tama ang ginawa mo na wag ngang burahin tong blog mo. isa ito sa mga pede mong pagkaabalahan. eh sana naman eh makahanap ka na ng trabaho ng may makasama ka na at magawa at makalimutan panandalian yang mga iniisip mo.

    KAYA MO YAN! IKAW PA??!!!

    ReplyDelete
  9. landi mo talaga. cheers! =D

    ReplyDelete
  10. pag binura mo to. suntukan na lang tayo.

    ReplyDelete
  11. what?!?!?! now lang ako napadpad ulit dito... wala namang ganyanan...
    buti na lang talaga at nagbago na ang iyong isip. wag namang idamay ang blog sa kung anumang emotional setbacks.

    sabi nga ni ARHEY, you have lots of virtual friends na nagmamahal sau... pwera pa ciempre sa iba pa!

    basta... keep the faith in Him... be brave sa kung anumang kinakaharap mo ngaun... ok?

    ReplyDelete
  12. i-DELETE mo na ang blog mo!!
    i-DELETE mo na ang blog mo!!
    i-DELETE mo na ang blog mo!!
    i-DELETE mo na ang blog mo!!
    i-DELETE mo na ang blog mo!!
    i-DELETE mo na ang blog mo!!
    i-DELETE mo na ang blog mo!!
    i-DELETE mo na ang blog mo!!
    i-DELETE mo na ang blog mo!!
    i-DELETE mo na ang blog mo!!
    i-DELETE mo na ang blog mo!!


    ...at pag ginawa mo yan, marami kaming malulungkot. ano bang trip ng mga loko-lokong nagdedelete ng blog diyan???

    ReplyDelete