Monday, August 4, 2008

Orange Jumpsuit

"Expect the unexpected."

Kakabalik ko lang dito sa pad mula sa interview ko. Packing sheet! Mali ang mga ineexpect ko!

Sabi kasi ni HR Manager, ito ang magiging itinerary ko this afternoon:

(1) Pupunta ako ng Boon Lay MRT Station ng 2PM, at doon may susundo sa akin papuntang Jurong Island.

(2) Sasakay ako ng ferry boat papuntang Jurong Island. 3PM ang schedule ng interview ko with the Manager doon.

Ito 'yung mga actual na nangyari:

(1) Pagdating ko ng Boon Lay MRT Station, may tumawag sa cellphone ko. I thought it was the person na dapat susundo sa 'kin. Sabi niya, pumasok daw ako sa mall malapit sa station at i-meet ko daw siya sa McDonalds. Nakasuot daw siya ng orange jumpsuit.

(2) Pagdating ko ng McDonalds, nakakita ako ng isang puti na naka-orange jumpsuit (hindi ako sure sa nationality n'ya, kahit sa accent hindi ko malaman). Kumaway siya sa'kin at pina-order niya ako. Nalaman ko na lang na siya 'yung mag-iinterview (siya din pala 'yung magiging boss ko, if ever), at ininterview niya ako sa loob ng McCafe katabi ng McDonalds.

OK naman 'yung interview, although I must admit, medyo na-rattle ako. Iba nga kasi 'yung ineexpect ko, akala ko makakapunta na ako ng Jurong Island. Pormang-porma pa naman kasi ako with my blue long sleeves, black slacks, and blue necktie with matching messenger bag, tapos ang nag-interview sa akin, naka orange jumpsuit.

After the interview, I dunno, hindi ko mabasa sa itsura ng interviewer kung gusto niya ako o hindi. Inexplain niya kasi sa'kin na if ever I'd be considered, malaki ang magiging expectations sa'kin. The job would include facilities management, waste management, pollution control, safety procedures, janitorial supervision (Opo, mukhang magiging janitor at basurero ako dito 'pag nagkataon. Ahuhu!), etc. kaya hindi ko alam kung sa tingin n'ya sa porma ko kanina eh nababagay ako sa ganung trabaho. I would know the results daw in a couple of days.

At if ever matanggap pala ako, magsusuot din ako ng orange jumpsuit 6 days a week. Shyet ang saya! Magmumukha akong taga-Bilibid Prison! *LOLZ*


Sana dumami pa ang maging options ko, other than the possibility of wearing this jumpsuit. I have two more interviews with other companies tomorrow. Hopefully mapuno ang week ko and also the coming weeks with more and more interviews para mas masaya, di ba?

16 comments:

  1. mukhang sa oil and gas facilities ka rin pala malilinya parekoy. normal na ang ganyang itsura sa construction sa planta, kaya expect mo nang walang ng porma porma sa trabaho. pera pera na lang. hehehe. =D

    ReplyDelete
  2. ahahaha. natawa naman ako. naiimagine kita. if ever makapasok ka man, picturan mo rin sarili mong naka orange jumpsuit.

    at ayos ha, game na game magpapic ang nag interview.

    ReplyDelete
  3. @RJ: Oo nga eh, mukhang di nga ako makakaporma dito. Sayang ang mga porma clothes ko. Hahaha. = D

    @Leyn: Haha hindi 'yan 'yung interviewer! Ni-google ko lang 'yung pic. Hehe. = D

    ReplyDelete
  4. hmmm... usually pag nasa operations ka, unglamorous talaga ang attire. Nasanay ka kasi siguro kasi na nasa sales kaya japorms palagi. hehehe.

    Operations din kasi ko dati kaya very drastic yung physical change nung nalipat ako ng assignment.

    Teka lang. "facilities management, waste management, pollution control, safety procedures.." Hmmm. Sigurado ka bang planta yan? Baka ginawa lang technical yung job description. Double check mo muna.

    Consider mo muna yung ibang options, wag maging hasty sa pagdidecide. :)

    ReplyDelete
  5. @Wandering Tsinelas: Oo nga Pards, nasanay ako sa Sales dati kaya laging naka long sleeves at tie. Hehe with regards to the position, Supervisor ng mga Janitors ata 'yung magiging role ko, among others. Ganun din naging trabaho ko dati sa gasolinahan sa Pinas.

    ReplyDelete
  6. nalala ko bigla ang ghostbusters.

    naiimagine ko si alex with his CHEST! ha haha!

    ReplyDelete
  7. galeng naman.

    talagang kulay preso ang uniform?
    wala bang neon green?


    :)

    ReplyDelete
  8. @KDR: Pucha, OO NGA! GHOSTBUSTERS! Nyahaha! Kulang na lang 'yung backpack, baril, at pang-trap sa mga ghosts. *LOLZ*

    ReplyDelete
  9. @Myk2ts: Haha magmumukha naman akong Stabilo kapag Neon Green. *LOLZ*

    ReplyDelete
  10. ayos yun. kahit gabi damang dama ang prescence mo.

    :)

    sana makuha mo yung best job!
    tas libre ha?
    :)

    ReplyDelete
  11. pare, magmumukha kang isang malaking early warning device.

    ayos yan,gudluck gudluck!

    ReplyDelete
  12. oi jurong island...balita ko limpak limpak na salapi ang hinahakot ng mga empleyado jan...ehehehe...ayus yan men! libre mo ako ha..hehhe...dumaan ka ba agency? kasi sa mga oil and gas daw kadalasan manpower supply sila...o sha sha balitaan mo na lang ako

    ReplyDelete
  13. huwaw! ang saya ng interview mo.. natawa ako sa orange jumpsiut guy na yun.. asteeg. sana may ganyang interview din dito sa pinas.. tipong papupuntahin ka ng edsa tapos amy pipickup sa iyo papuntang enchanted tapos ang interview gagawin sa space shuttle o sa anchors away! weeeee!!!! good luck gasul! mwah!

    ReplyDelete
  14. hmmm.. mukhang bagay naman sau ang orange jumpsuit e.. akala ko rin ung nasa pic ang interviewer... hahaha

    ReplyDelete
  15. hahaha... ayus sa uniform kulang na lang P sa likod. hahaha

    ReplyDelete
  16. okay naman crazz, bagay siguro syo yang jumpsuit. hehehe!

    mishyou!

    ReplyDelete