Sunday, August 17, 2008

New Beginning

I will be starting with my new work tomorrow.

Sobrang excited na ko! Hindi ko akalain na sa huli, magiging OFW din pala ako tulad ng namayapa kong ama. Woot woot!

Nakuha ko na din ang working pass ko sa Ministry of Manpower (MOM) kahapon. Isa itong laminated card na magpapatunay na hindi na lamang ako isang turista dito sa Singapore. Nabawasan na din ng malaking kaba sa dibdib ko. Alam ko kasi na dahil may trabaho na ako, hindi ko na kailangang bumalik ng Pilipinas sa lalong madaling panahon. Hindi naman sa wala na akong balak bumalik, pero at least hindi ako naging bigo sa aking hangarin. Simula na talaga ito ng aking pagbabagong buhay.

Last Wednesday, nag-sign na ako ng contract with Company B. Ito 'yung German IT Consulting Firm na nabanggit ko dati. Opo, hindi ko tinanggap ang Orange Jumpsuit. Hehehe. Medyo nanghihinayang pa din pero alam ko sa sarili ko na naging tama ang desisyon ko.

Pagkatapos ng contract signing ay ipinakilala na ako ng aking mga bossing sa buong team. Ayus! May mga Pilipino! In fairness, mukha silang magagaling at competitive. Merong isa na medyo lamang ata ng dalawang paligo sa 'kin. (Threat ito! Joke lang.) Sa tingin ko naman ay mababait sila dahil all-smiles sila nang ipinakilala kami sa isa't isa (at mukha namang hindi mga plastik. *LOLz*). Sambit pa nga ng isang Pinoy na nakilala ko, "Hey, nice to meet you. On Monday, we'll teach the others how to speak Tagalog..." Oh sure, no problem with me Kabayan. Sana makasundo ko kayong lahat.

Wala pa pala akong isusuot bukas. Makapag-plantsa nga muna ng pinaka-malufet kong long sleeves, tie, corporate jacket at slacks. At malagyan na din ng Kiwi ang aking black shoes. Makaka-porma na ko! *LOLz*

Excited na talaga ako! Wish me luck!

17 comments:

  1. Welcome to the expat world. Ayos! Me sasadyain na ko pag napadalaw sa Singapore. He he. Feeling imbitado daw ba ako...

    ReplyDelete
  2. ayos! musta ang persday mo? me persday high ba?

    ayan me manlilibre na ng gimik sa sahod...wahahahaha...

    ReplyDelete
  3. naku, panibagong chapter ito sa buhay mo pare. alam ko namang kaya mo yan at ang mga tatahakin mong mga daan sa darating na panahon

    ReplyDelete
  4. syempre abangan ang susunod na post?

    ang persday high ni GD bilang oweffdabalyu!!! :)

    ReplyDelete
  5. MAGKANO SWELDO?

    hindi mo naman sinabi...

    isa pa, sinabi mo nga yung company, hindi mo naman sinabi ang role mo diyan. he hehe!

    at so far kumusta ang english skills? :D

    best of luck tatang. ang mga buto at kasu kasuan ah, ingatan! :D

    ReplyDelete
  6. congrats tatang!

    sayang naman, hindi ka mag oorange jumpsuit! cute pa naman nun. hahaha.

    ReplyDelete
  7. gasul, congrats!
    manlilibre ka ba? pag nagpunta ako jan pasok mo rin ako sa company nyo. hahaha

    ReplyDelete
  8. congratulations!!! *palakpakan*
    pengeng pera! hahahaha! :D


    enjoy ka sana sa bago mong work! :D

    ReplyDelete
  9. gud lak sa bago mong work parekoy! woot! talagang reding-redi ka na ah. i'm sure masaya erpat mo ngaun kasi sinudan mo yapak nya. the legacy lives on. hehe

    ReplyDelete
  10. weee!! GOD bless po para sa iyong trabaho!... ;)

    ReplyDelete
  11. goodluck bro... maging maligaya ka at maabot sana ang mga pangarap... ingat sa chicks sa SG... marami sa kanila me buhok sa kilikili at hindi inaahit... :):)

    ReplyDelete
  12. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  13. update naman diyan!!!

    how's work???!!?!

    ReplyDelete