Friday, August 22, 2008

Sick

I did not report for work today.

I've been sick for the past three days already. Fever. Colds. Cough. CONSTIPATION. Pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob mag-take ng leave dahil sobrang sakit ng wetpaks ko. Nahihirapan ako tumayo at maglakad, at hindi ako maka-jebs.

This morning I texted my officemate and asked for the procedures in taking a leave. Natatakot kasi akong umabsent kasi baka kung anong isipin ng mga boss ko eh kakasimula ko pa lang sa trabaho. Takot ko lang, baka kapag umabsent ako ngayon eh wala na akong balikang trabaho next week. Ahuhuhu.

Pero sabi ni Bev, tawagan ko na lang sina Bossing at magpaalam. Mabait naman 'yun, sabi n'ya. Pero dito sa Singapore, medyo strict ang pag-avail ng sick leave dahil I really have to go to a clinic or hospital for check-up and get a medical certificate. Hindi tulad sa Pinas na tamarin ka lang gumising ng maaga eh pwede mo nang i-declare as 'sick leave'.

So that's what I just did. Tumawag ako sa Managing Director namin, at pinayagan naman niya ako. He even showed how concerned he was and asked me if I know any hospitals or clinics near my place and if ever, I just have to call him up if I'd be needing any help.

Thank you Lord. Sana naman hindi nila ako pag-isipan ng masama, at may trabaho pang naghihintay sa 'kin next week. Sana din hindi maapektuhan ng pag-absent ko ang Performance Appraisal after my 3-month probationary period.

**********

Para kay Lethalverses at sa ibang nag-request ng update sa trabaho ko. Peeps, this post is for you. *LOLz*

So far, naging maayos at maganda naman ang working life ko dito sa Singapore. I work now as a Resource Management Consultant for this German IT Consulting Firm that specializes in SAP. Kung hindi mo alam ang SAP eh i-google mo na lang, but in a nutshell, it's probably one of the biggest, if not the biggest, business software being used all over the world. Kaya kapag ang company mo ay gumagamit ng SAP ngayon, wow, "in" at "astig" kayo!

As a Consultant, I have both Recruitment and Marketing functions. We usually hire SAP Consultants to be assigned in some of our clients like IBM and Accenture all over the Asia Pacific region. Then as a marketing guy, I'd be formulating strategies to increase both our client and talent database. Exciting ang trabaho, and at the same time, challenging din.

Ayos din ang mga kasama ko sa office. We treat each other as family despite the differences in nationality. Sa team, dalawa kaming Pilipino, isang Indian, at isang German. Sa back office, may mga Pilipino din, kaya minsan hindi din ako nakaka-English dito. Hehehe.

Although I must admit, marami pa din kailangan adjustments na gawin at mga bagay na kailangang matutunan. Aside from the information overload, medyo hindi ko maintindihan ang English ng German boss ko at ng mga European counterparts namin. Hindi ko minsan ma-gets ang mga sinasabi nila, lalo na kapag may mga conference calls kami. But i know I'd get used to it soon.

Sa Monday pala may bowling kami after office. And also, I'll be joining the German Dragon Boat Team, probably by next Saturday. Ininvite ako ng German boss ko at ng ibang kasama ko dito na sumali. Dragon Boat Racing is big here in Singapore. Excited na ko! Kailangan ko na talagang magpagaling.

14 comments:

  1. Exciting nga ang dragon boat racing! galingan mo sa pagsagwan! get well soon para makapag picture ka at ishare mo sa amin ok? Okey!

    Accenture? alam mo bang handle ng accenture ang account namin at simula ng umentra sila sa operations namin e lalong nadagdagan ang stress namin sa work... wala lang shinare ko lang...

    mukhang di ka nagkamali ng pagpili sa bago mong work ah!

    ReplyDelete
  2. get well soon GD.

    astig dragon boat race. kariran na to GD!!! hahaha.

    ReplyDelete
  3. Sushal! Singapore invasion na ito. hay, dami ngang nagkakasakit ngayon. Ako din, umatake na naman yung upper respiratory tract infection ko.

    ReplyDelete
  4. go beef.. este. pagaling ka dude..
    at galingan mo bawat palo sa wetpaks este sa dragon boat...
    para pag-uwi mo sa pinas.. laro sa ilog pasig, laro tayo ng tubig..

    ReplyDelete
  5. hala ka...me sakit ka pala..ngayon lang ako naka blog hop..hindi ka pa rin najejebs???

    pagaling ka men.., katawan natin ang puhunan dito sa abroad (parang josto lang)..hehehe...bawal magkasakit...as much as possible alagaan ang sarili...

    naks naman mas marami ka ng activities dito sa SG ah...hehehe...sama naman minsan...

    ReplyDelete
  6. Naks! Napaka-bigtime naman pala ng iyong trabaho. Baka naman kailangan mo ng assistant. :-)

    ReplyDelete
  7. pagaling ka lexie..

    congrats sa work ulit as sa new family mo dyan :D

    ReplyDelete
  8. oo nga parang ang exciting ang work at lalong mas nakakainggit.

    pagaling po. kaya yan!

    ReplyDelete
  9. naco, ang hirap pa naman ng constipated. sa office namin strict din, di basta-basta maka-sl. dapat meron din med cert. buti na lang may tita akong doctor. hehe.

    ReplyDelete
  10. ang sarap sa pandinig ng job description mo.though technically hindi ko naman siya narinig. he hehe.

    so far mukhang maayos at maganda pa naman ang disposisyon mo diyan. sana magtuloy tuloy at magtagal ka sa trabaho mo. at yung merlion na hinihingi ko wag mo kalimutan.

    and since na mukhang maganda naman ang trabaho mo, gusto ko lang idagdag na size 10 ang paa ko, american size!

    salamat gasdude!

    at oo nga pala, yung dragonboat race, nakakaliit daw ng *toot* yan kaya magisip isip ka muna bago ka sumali.

    he hehe.

    ReplyDelete
  11. get well soon gasul.
    at dahil gagatungan ko ang comment ni kdr, yung dolce & gabbana light blue ko ha. HAHAHA.

    tsk. ang hirap ng constipated no.
    lol... nakarelate. :))

    ReplyDelete
  12. oi, pagaling ka agad parekoy para magawa mo nang maayos work mo. astig ang mag dragon boat race. woot!

    ReplyDelete
  13. hmmm bakit nde mo ko iconsider as SAP consultant????

    ayos, take breathers sa work parekoy...

    ReplyDelete