Wednesday, September 17, 2008

Appreciation


Galante.

Dahil nakuha ko na ang aking first paycheck, naisip kong ilibre sina Lyzius at Insan Miko. Kung naalala niyo, nabanggit ko dito sa blog ko na malaki ang utang na loob ko sa dalawang ‘yan.

Naalala ko nung bago pa lang ako dito sa Singapore at wala pang trabaho, naisipan namin ni Lyzius na magkita sa Novena Church pagkatapos magsimba. Honestly, medyo nahihiya pa ako nun sa kanya sa kadahilanang nung nasa Pinas pa lang ako, meron siyang pabor sa akin na hindi ko nagawa. Meron daw kasing regalo ang isa niyang kaibigan, at dahil nandito na siya sa Singapore nun, ipapadala niya sa ‘kin sana. Kaso dahil sa excess baggage na ako sa dami ng long sleeves at neck ties na dinala ko, hindi ko na nagawang maisama pa. Medyo top-secret ang regalong ito kaya hindi ko puwedeng sabihin dito, pero gusto kong magbigay ng clue for the sake of my very few readers. Pahaba siya at battery-operated. *LOLz*

Nilibre din ako ni Lyzius nun ng dinner at ipinahiram pa sa ‘kin ang spare niyang SIM Card para madali akong ma-contact ng mga prospective employers ko. Nakakabilib lang dahil kung tutuusin, hindi ko naman talaga kilala si Lyzius ng lubusan. Nakadaupang-palad ko lang siya dahil isa din siyang blogger at isang Greenie (tawag ngayon sa mga members ng Greenpinoy Forum) na nag-pasalubong sa amin dati ng Shisha from Dubai.

Malaki din ang utang na loob ko kay Insan Miko dahil siya ang kumukupkop sa akin ngayon. Umalis na nga pala ako sa mala-palasyong condo na tinutuluyan ko dati. Oo nakakamiss ang higanteng swimming pool dun, pero i just feel that it’s really just not worth it. Mahabang kuwento, pero just to give you an idea, hindi naging maganda ang naging samahan namin ng mga kasama ko sa condong ‘yun. Ayoko nang maranasang mapagbintangang kumuha ng nailcutter at mapagdamutan ng mga hanger gamit pansampay sa mga bagong labang damit kaya naisipan ko nang umalis. (Grrr... ayoko nang maalala...)

Ayun, dinala ko ang dalawang ito sa Seoul Garden, isang eat-all-you-can restaurant sa Woodlands. Nabalitaan ko kasi na masarap dito at mura pa ang buffet. Masarap nga, in fairness! Madami ding putahe ang pagpipilian na puwedeng ikaw ang magluto sa harap mo Shabu-Shabu style. Kaya umuwi kaming bondat na bondat, at readying ready nang tumakbo derecho sa kubeta.

Ang munting halagang nagastos ko para sa treat na ito ay barya lamang kumpara sa lahat ng kabutihang naipakita ng dalawang kaibigan kong ito.

Cheers to this newfound friendship!




10 comments:

  1. bat parang pag kayo magkakasama ang landi ng itsura ni lyzius? lol.

    nasasapawan tuloy kalandian mo. nyahaha.

    ReplyDelete
  2. hawig talaga sina Lyzius saka La oro..

    congrats ulit at sumahod ka na.. balita ko mayaman ka na.. haha

    ReplyDelete
  3. alam ko kung bakit hindi mo pinagbigyan ang hiling ni lyzius.hahaha. wahahaa.lols

    huwaw naman, iba na talaga ang mayaman at maganda ang work.

    mahirap talagang makitira sa isang lugar na medyo hindi mo kakilala ugali ng mga kasama mo. mabuti at nakaalis ka na. :)

    ReplyDelete
  4. mahaba at battery-operated? tangeanah! vibrator yan! vibrator! hahahaha!

    halatang matakaw si jing sa pictures. hawak pa lang sa pagkain at pinggan e mukhang di pahuhuli. hehe

    ReplyDelete
  5. mas mayaman ka na pala sa akin!

    libre naman dyan! Lol!

    ReplyDelete
  6. nyahahahahaha...

    bakit parang blog ko ito at mas napansin na naman ang alindog ko? wahahahahahahaha...

    @leyn, nahawa lang ako sa kalandian ni gasul, eh mas magaling daw lumandi ang student kesa sa mentor..

    @Efbee, huhuhuhu...i heychu na! hindi ko kamukha yun...huhuhu

    @Popoy, kung ano man ang alam mo tungkol dun, sarilinin mo na lang...wahahahaha...

    @jeck, hindi vibrator yun, sinong me sabi sayo na vibrator yun??? si vitamin c ang regalong pinadala ko ke gasul...wahahaha...

    ReplyDelete
  7. barbikyu ba yung nakita ko? mukhang masarap sa picture ah.

    ReplyDelete
  8. Cheers to the friendship and success! :)

    ReplyDelete
  9. ang sweet naman nito.... nakakagutom

    ReplyDelete
  10. at talagang naka kurbata ha...ahahhaa...si lyzius bakit kikay ngayun diyan?ahahhaa

    ReplyDelete