Friday, September 5, 2008

Big Boss

Dumating si Big Boss from Germany.

Siya ang Founder and CEO ng company ko ngayon dito sa Singapore. Sinabihan na ako ng mga kasama ko sa opisina na paghandaan ko ang pagdating niya dahil siguradong i-interviewin ako at kung anu-ano ang itatanong sa 'kin. Ganun din daw ang ginawa sa kanila noong bago pa sila.

Ang balita ko, tumira siya ng matagal sa Pilipinas. Kung saan-saan lupalop nakakarating kaya kinukuwentuhan ako ng mga officemates kong Pinoy na kapag tinatanong daw sila ni Big Boss ng mga kung anu-anong isla sa Pilipinas eh wala silang maisagot at mai-share.

Ayun, we all had lunch at this Japanese Restaurant na hindi ko maalala ang pangalan. (OFF-TOPIC: Badtrip! Paborito ko kasi sa lahat ang Japanese cuisine. Malaki ang disappointment ko sa resto na ito kasi wala sila ng paborito kong Asupara Maki, at ang California Maki nila, iba ang itsura! Hindi pa ganun kasarap! Pati 'yung Tempura na kinain ko hindi din ako nasiyahan. Hindi din maganda ang service! Kaya siguro nakalimutan ko ang pangalan ng resto. Hehe.) Pumuwesto sa harap ko si Big Boss, at tama sila, kung anu-ano nga ang mga pinagtatanong sa 'kin. Kung saan sa Pilipinas ako galing, saan ako nagtrabaho, saan ako nakatira dito sa Singapore, kung alam ko daw ba itong island na ito sa Mindanao, island na ito sa Cebu, kung kumakain daw ba ako ng balot, etc. etc. Nagkukuwento din siya tungkol sa bansa natin. Tumira daw siya sa Pinas for two years, from Palawan to Zamboanga at kung saan saan pa.

What I like about our Big Boss is that he's so passionate about our country. I was seeing sparkle in his eyes habang nagkukuwento eh hindi ko naman nakikita 'yun habang nagkukuwento siya about his home country Germany. Kesyo boring daw at depressing at sa haba daw ng gabi sa Germany (Just imagine, 4PM daw dun eh madilim na hanggang 9AM na umaga madilim pa rin!), it will make you crazy in the head. Kaya nga lagi daw siyang umiikot sa Asia, lalo na kapag summertime.

Bigla tuloy akong nahiya sa sarili ko. Ako na Pilipino eh madami pa akong hindi napupuntahan na isla sa Pilipinas. And also, I don't share that same intensity about our country as his. Lagi ko na lang nakikita ang mga masasamang bagay sa bansa natin, na kesyo traffic dito o mababa ang sweldo. (Pero totoo naman ah. Hehe.)

I guess it's always greener on the other side of the fence.

Ayun si Big Boss at the farthest part of the table, kaharap ko. Medyo blurred ang kuha niya. And this pic was taken by my Indian boss using his i-Phone 3G. (Wala lang. Nabanggit ko lang. Astig sa phone eh. Hehe.)

**********

Habang sinusulat ko ang post na ito, saglit kong tinext si Bev na officemate ko.

GAS DUDE:

Bev, ano nga ba ulit 'yung pangalan ng resto na kinainan natin kanina? Hehe.


Ito ang sagot niya.

BEV:

Hisho or Hishi ba 'yun?


Nyahaha. Hindi din niya maalala. Siguro hindi din siya nasarapan. *LOLz*

12 comments:

  1. wow, youre luck to have a nice boss.. bihira yan.. so enjoy and love your job..

    maraming ganyan na foreigner. I met this british nung nasa ship ako papuntang iloilo.. sobrang love daw nya pnas. warm daw ang pinoy(and etc...) YEY!

    kahit dito sa pinas hindi lahat ng japanese resto masarap ang food.. it took me sometime to find my real ramen.. unfortunately, sarado na yung resto.. now, hunting ulit ako for my ramen.. ahahaha.. sige pataba ka jan!

    ReplyDelete
  2. wow!!

    wow lang.. hehehe

    tama ka.. its always greener on the other side of the fence.. kelan kaya naten matutunang to really appreciate what we have noh?!

    just wondering out loud :S

    ReplyDelete
  3. wow naiinggit naman ako!

    parang sarap buhay ka lang jan ah!
    pabowling bowling pa dinner dinner na lang ah!

    buti pa sya di nya nakikita ung panget sa bansa natin sana maginng ganun rin tayo!

    PROUD TO BE PINOY!!!

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. galing naman ng boss mo no? puro puri nya bansa natin. sana hindi nya malaman na me bakbakan sa mindanao kahit ramadan.

    ReplyDelete
  6. my aussie boss didn't really have high regards of our country when he started in our company. his stint was supposed to be a one year thing lang. at ngayon 2 years na sya dito. he loves the philippines too.

    he's a little stubborn at times pero he sorta thinks of me as his little girl too, kaya okei lang na matigas ulo nya. hehe.

    ako naman di mashado mahilig sa japanese food. but i sooo love ebi tempura. hehe.

    ReplyDelete
  7. wow!

    wala lang, halos lahat ng nagcomment puro wow ang starting eh..nakikiuso lang..ahihihi...

    ganun naman daw talaga dude, hindi natin lagi naapreciate kung anong meron tayo, nature na ng tao yan...

    tingnan mo boss nila, hindi rin maappreciate yung meron sila sa bansa nila, samantalang andaming pinoy na nagkakandarapa pumunta ng germany...

    hamo dude, ngayong kikita na tayo ng dolyares (parang andami noh), mapupuntahan na natin ang iba ibang lugar sa pinas, at kakanta tayo:

    "halika, byahe tayo, kasama ang pamilya, sa ganda ng pilipinas, ang galing ng....Pilipino"

    sakay na!

    ReplyDelete
  8. KUya Gasolina,

    Huwaaawww, galing naman ng boss sprakenhayt mo. Mas marami pa alam sa Pinas keysa sa atin.

    Tanungin mo nga siya ano pinakamasarap na beer sa Germany.
    (Sagot: Bavarian beer. Huwag
    mong sabihin na Budweiser, galit
    sila dito).

    Tanungin mo rin kung saang bayan ipinangak si Pope Benedict (sagot: Marktl am inn, Bavaria)

    Saka tungkol sa blog: ambisyon ko pa gumawa, di ko pa alam.
    Sana maturuan mo ako ha.
    Paano nga ba umpisa?
    Ano babasahin ko?

    NONOY Jumong sa Korea

    ReplyDelete
  9. Kuya Gas,

    Tanong mo rin si Bos Sprakenhayt kung nakapunta siya sa lugar kung saan nag aral si Rizal sa Germany (sagot: University of Heidelberg, nag aral ng opthalmology kaya na operahan niya mata ng nanay niya may katarata).

    Nihon no ryori daisuki desu ka? Mahilig ka pala sashimi sushi sukiyaki gyoza soba udong norimaki ....

    The best Japanese restaurant ay sa Nikko Dusit Benkay yata yun... saka yung sa greenbelt harap ng New World hotel kalimutan ko pangalan... totooong japanese cook doon.

    NONOY

    ReplyDelete
  10. hoy insan!

    wag na wag kang matutulog! alisto ka sa kainuman mo! nyahahaha! =D

    ReplyDelete
  11. ganyan naman yata lahat ng mga foreigner na nagpupunta dito... manghang-mangha sa pilipinas. Pati yata sa traffic eh manghang-mangha sila....

    "Oh my God, this traffic is great! There's no other traffic like this in my whole life! You know what, there's no traffic in my country! I like this, this is the greatest traffic ever!"

    Parang ganyan.... naku.

    Tapos nakakainis, andaming korean sa pinas... sa school palang kahit saan ako tumingin puros singkit.

    Grabe, talagang gabi kung gabi ah. Anong oras naman kaya sumusikat araw sa kanina o SINISIKATAN PA BA SILA NG ARAW?

    ReplyDelete
  12. huwaw naman. ang sosyal. rubbing elbows with the big bosses of the company ha? sabihin mo isama ka sa Germany. lols

    ReplyDelete