Thursday, September 11, 2008

First Paycheck

I just got my first paycheck. Woot woot!

Siet! Hindi ko alam ang gagawin ko. Haha. I’m confused! Pero kailangan kong magpigil. Tandaan mo Gas Dude, kaya ka pumunta ng Singapore eh para makapag-ipon.

Our Administrative Manager gave me my first-ever salary in checque. Wala pa kasi akong bank account dito sa Singapore na pwedeng gamitin for payroll. Wala kasi akong pang-initial deposit na SGD500. Medyo mataas, hindi tulad sa Pinas na sa halagang 500 pesos ata eh makakapag-open ka na ng bank account. Saka dito pala, ang empleyado ang nag-oopen na bank account nila for payroll purposes, hindi ang company. (Naisip ko, pampered pa pala ang mga Pilipinong manggagawa sa aspetong ito.) Pati ang pagdededuct na tax, empleyado na ang bahala kaya every month, nakukuha mo ng buo ang sweldo mo.

Ngayong may sweldo na ako, kailangan kong isipin mabuti kung paano ko ito ia-allocate at iba-budget. Siet! ‘Yung mga importante muna, saka na ang pagpapasarap.

1.
Bayad sa bagong bahay. Ahuhu, dito pa lang ata ubos na ang buong sweldo ko dahil 2 months advance, 2 months deposit ang ibabayad namin (Lyzius, pwedeng tumawad? *LOLz*). I’ll be transferring to a new home starting October, kasama si Insan Miko at blogger friend na si Lyzius. Kailangan pala makakuha na ng mga seksi’t magagandang boarders sa lalong madaling panahon para naman masulit ang ibabayad sa bahay. Ipa-duplicate na ang mga susi! Ang bathtub kailangang i-scrub ng mabuti! *LOLz*

2. Padalang pera para kay Mama. Syempre naman, kailangang mabahaginan ng biyaya ang pinaka-importanteng babae sa buhay ko, si Mama. Kailangan ko din pala siyang tawagan para ma-remind ko na magpa-book na siya ng appointment sa THE SPA para magpa-full body massage, seaweed facial, goat’s milk bath, foot and hand spa, manicure, pedicure… *LOLz*

3. Pambayad Pambawas utang sa credit cards. ‘Nuff said. Ahuhu.

4. Lunch / Dinner / Inuman Treat for my Team. Balak ko silang ilibre next week, though I’m still not sure kung saan. Pero nagpaparinig ‘yung isa kong kasama dito na mang-chicks na lang kami. Hahaha pucha bad influence! = P

5. Treat kay Insan Miko at Lyzius. Siet, kailangan pa ba ‘to??? Hahaha. Pero seriously, malaki ang utang na loob ko sa dalawang ito. Sila lang kasi ‘yung nakakasama ko dito sa oras ng kalungkutan at pag-iisa. (Naks!) Kung wala siguro sila, matagal na akong nabaliw.

Sana lang may matira pa akong pera (pero sa dami nito, mukhang kukulangin pa). Gusto ko din kasi bumili ng:

1. Bagong lente for my DSLR.

2. New black leather shoes.

3. External Hard Drive for my laptop.

4. Gym membership.

5. New rubber shoes (for gym)

Waaahhh! Kailangan ko talagang magpigil! Grrr…

25 comments:

  1. wuhuuu!! pwde bang makibahagi? lolx. ;)

    sweet naman sa mama. magpapa-spa pa! ^^__^^

    ganyan din ako. laging sinasabihan sarili ko na magpigil. too bad masyado akong pasaway. haha. ^_^

    dropping by.. ;)

    ReplyDelete
  2. CONGRATS!!!!!!!!!!!!! TULOY TULOY NA YAN!!! :)

    ReplyDelete
  3. Ikaw pala dapat magpa-burger e! LOL

    ReplyDelete
  4. ano kayang gagawin ko sa unang sweldo ko, siguro pupunta ako sa isang eat all you can restaurant.

    ReplyDelete
  5. huwaw first pay cheque. WOOOOAH!!!!

    spend your money wisely :)

    ReplyDelete
  6. Isa-isahin ko ang comment:

    1. Bayad sa bahay..si money-ger kausapin natin jan..wahahahaha... mag advertise na rin tayo ng wanted boarder, please bring your biodata sa pinoysg forums...

    4. Manchichiks kayo? wag na sa tanjong pagar... na-raid yun nung isang gabi, mainit init pa sa mga pulis..wahahahaha...

    5. Ito ang pinakaaabangan ko..wahahaha.. na touch naman daw ako dun sa sinabi mo parang hindi halata...bwahahaha... saan naman ito??? saan? pero wag muna ngayon pare at hindi ako makagulapay... baog na naman ako this month kaya me dalaw...syet! ahahahaha...kelangan talaga ipangalandakan dito para lang mapatunayan ni jeck na josa nga ako ng katigangan...ahuhuhuhu...

    ReplyDelete
  7. wow naman, bumubunga na ang iyong mga pinaghirapan. iba talaga basta mabait ha ha pinagpapala ha ha

    ReplyDelete
  8. Kuya gasul,

    Tama ka, pamper mo ng pamper mama mo habang malakas buhay na buhay.
    Aprub ako dyan.

    You are the best son in the world... palakpak palakpak palakpak na tumatagaktak .... !!!

    (Kasi po kamamatay lang tatay ko kaya uuwi ako bukas Sabado na libing sa probinsya pa. Ubos pera ko ....

    What I wanna say: kausapin lagi mga magulang habang malakas pa.
    Ako last month huling dalaw ko di ko nakausap ng matagal tatay ko.
    Kaya heto sisi ako ... dapat pala
    noon pa daldal usap ng usap ...

    Buhay pa nanay ko kaya lang 88 years old na... halos di na ako kilala ... di ko na makakausap ...

    Para sa lahat: pamper pasyal regalo bigay todo kausapin nyo na ng matagal magulang nyo .... ! upang di magsisi sa huli.... !!!!
    habang malakas pa sila ... at ma appreciate ginagawa ninyo ...


    NONOY sa Korea

    ReplyDelete
  9. wooow im proud of you parekoy!!!

    your sacrifices are starting to bear fruit.

    and, pramis, parang nagsink in bigla ulet na, OO NGA NO, MALAYO NA NGA PALA SI GASUL SA LASHINGHEROES..


    bilis ng araw, parang kahapon lang ang inuman sa roxas, music malvar at anawangin...

    ReplyDelete
  10. @ Vanny: Haha dati pasaway din ako sa paghawak ng pera. Ayun nagkabaon baon tuloy sa utang. Ahuhu. Salamat sa pagbisita.

    ReplyDelete
  11. @ Greenpinoy: Hehe sana nga Parekoy. Kailangan ko ng pambili ng lente para kasinggaling mo na din ako sa photography. Nyak asa! *LOLz*

    ReplyDelete
  12. @ Pam: Haha aba aba nag-comment sa blog ko! Naks! Sige burger lang pala eh. Hehe. Mauna muna si GP at LV. Haha.

    ReplyDelete
  13. @ Kirk: Gusto ko din gawin 'yan Parekoy. Kaso tataba na naman ako. Ay mataba pa din pala ako. Ahuhuhu.

    ReplyDelete
  14. @ Lyzius: Paano mo nalaman na ni-raid, aber? Kasama ka ba sa na-raid? Nyahaha. = P

    ReplyDelete
  15. @ Abou: Nyahaha! Maniniwala na sana ako sa mga sinabi mo kaso merong "Ha Ha Ha". *LOLz*

    ReplyDelete
  16. @ Nonoy: Condolence ha. Uuwi ka pala sa Pinas. Wala na din akong Tatay kaya kailangang alagaang mabuti ang natititra kong magulang. Naging mahirap nga din ang pag-alis ko sa Pinas dahil sa kanya. Pero para naman sa kanya lahat 'to.

    ReplyDelete
  17. @ Lethalverses: Parekoy siet, bigla na naman nanariwa sa aking isipan ang mga kahapong nagdaan ng tayo'y magkakasama nina Jason at Chroneicon, kasama ang lumalaking pamilya ng Greenpinoy. Haaayyy...

    ReplyDelete
  18. alex!!
    wowowow! congrats! samantalang ako naghihintay pa din ng akinse.
    madaming ikikill bills e

    ReplyDelete
  19. uy gasul pacheese burger ka! oo saka na muna ang pasarap konting tiis muna saka ka na mangchicks pag marami ka nang pera!

    ReplyDelete
  20. huwaw! kaka-eksayt talaga makatanggap ng first paycheck. finally, nagbunga na rin paghihirap mo sa work. at gaya ng sabi nila, paburger ka naman! hehe.

    ReplyDelete
  21. pre ayaw kong mahirapan kang mag-isip paano gastusin yan>>>
    suggestion ko.. lang.. ipunin mo n lang swerte yan... after 10 years di ka na mahirapan mag-isip... wala ng value yan... yon lang..
    sana maintindigan mo...

    ReplyDelete
  22. mag ipon ka ng mag ipon dahil balang araw alam ko makakabili ka rin ng sarili mong gasolinahan. :D

    keep up the good work.

    ReplyDelete