Sunday, September 28, 2008

Formula One in Singapore

Parang hindi ako umalis ng Pilipinas.

Simula kasi ng dumating ako dito sa Singapore, it’s either nagkikita kami ng mga kaibigan at kakilala kong dito na naka-based (na hindi ko din nakikita masyado sa Pinas noon), o kaya pumupunta naman ang iba dito mula Manila (dahil na din sa mga murang promo ng Cebu Pacific at Tiger Airways) at nagpapalibre nakikipag-meet sa ‘kin.

Kailan lang, pumunta dito ang isang kaibigang nakilala ko from Entrepreneur Forums Philippines, si Grace. Wala siyang magawa sa buhay niya kaya naisipan n’yang magbakasyon dito kasama ang isa pang kaibigan. (Nyahaha! Joke joke lang Grace!)


At kanina naman, nagkita kami nina Maricel at Patrick. Mag-asawa ang dalawang ito. Ang galing kasi kababata ko si Maricel sa Novaliches
at high school classmate ko naman si Patrick sa UST. Naging magkaklase sila nung college, naging mag-syota, nagpakasal, at ngayon ay may apat-na-taong tabachingching na.




Sino naman kaya ang susunod sa mga 'to? May mga kaibigan na din kasi akong nag-express ng plans of going here, at lagot daw ako kapag hindi ako nanlibre nakipagkita sa kanila. (Threat ito?! *LOLz*)


Kaya hindi din ako masyadong naho-homesick eh. Kayo, kelan niyo ako dadalawin?


**********


Kakatapos lang ng Formula 1 Grand Prix dito sa Singapore kanina. At talo ang Team Ferrari.


13th Placer lang si Felipe Massa. 15th naman si Kimi Räikkönen.


Si Fernando Alonso ng Team Renault ang nanalo. Hindi ko siya masyadong kilala.


Wala naman talaga akong balak manood kanina ng F1 Race na ito. Ang mahal sobra ng ticket! This is the first-ever F1 NIGHT race, kaya sobrang hyped up ang event na ito. Sa TV ko na lang sana papanoorin eh kaso nag-imbita sina Maricel at Patrick na manood from their hotel window kaya nakapanood din ako kahit kaunti. Naka-check in kasi ang dalawa sa Carlton Hotel at ang swerte nila sa accommodation dahil kita nga mula sa bintana ng kuwarto nila kahit malayo 'yung racetrack na dinadaanan ng mga naghaharutan este humaharurot na mga race cars. Rinig mo din ng malakas ang bawat Vroom Vroom ng mga Ferrari at Toyota. Ganun pala ang tunog nun! Astig! It was music to my ears.


Ito lang ang view namin from the window of Carlton Hotel. Pero astig! Kita pa din!


Swerte din ako kasi nakapanood ako ng race from afar kahit hindi ako gumastos ng pambili ng ticket. It’s great to have rich-enough-to-afford-Carlton good friends like them. *LOLz*

27 comments:

  1. ano verrrrrrrrrrr!

    alangya talga blog mow! :D

    ReplyDelete
  2. kelan kami dadalaw???

    kung kelan ka magpapadala ng pandalaw - damdam

    at kapag may pera ka ng sagutin ang lahat ng pwede nameng gastusin dyan :P -ayz

    ReplyDelete
  3. bakit parang kapag makikipag eyeball ka eh meron kang kumot sa leeg looks...ahahaha...

    yan din ang japorms mo nung magkita tayo dito...

    at talagang nag tandem si dam at ayz sa pag comment....

    ReplyDelete
  4. biglang nawala sa isip ko yung icocomment ko.. hahaha

    mag ipon ka ng pera paghandaan mo pagdalaw ko sayo dyan..

    ReplyDelete
  5. jan kaya neks magEB ang greenies? wala lang.hahaha. ang luho.lols

    ReplyDelete
  6. kasama ba sa formula ang F4? F1 F2..? sori po, just asking...

    ReplyDelete
  7. @lyzius.. magkakasama kasi kami nila LV, CI at damdam kaninang umaga.. e gamit ko lappie ni dam, kakatamad mag log in kasi maglologout pa ko.

    kaya anonymous mode nalang, tapos iisa na ung comment namen. :D

    at talgang nagexplain ako di ba?! :P

    ReplyDelete
  8. sa pagkakaalala ko, sa iyo ko unang nakita ang balabal na yan. nang hanggang sa tumagal ay nagsisunuran na ang iba at kasalukuyan ay bawat paglingon ko puro mga kabataang pilipinong EMO ang may suot suot niyan ngayon. talagang hinintay kang umalis ng pinas dahil baka raw isipin mo ay ginaya ka nila. yan ay pananaw ko lang naman.

    at diyan ka naman maghahasik ng lagim ngayon. gusto ko lang sabihin na ang macho mo pala. yummy!

    putangina. ha haha!

    oh well, kita kits na lang next year. wag ka mag-alala di ako pupunta diyan, nararamdaman ko kasing uuwi ka dito. ha haha!

    at magmayaman daw ba? wohoo! ang sosyal niyo ni lyzius ah.

    ReplyDelete
  9. napansin ko nga nagpaliwanag si Ayz,,, ayaw nya magpadilim...

    at KDR, tama ka talaga sa iyong mga kuro-kuro at mga bulay-bulay...

    gasul, me tag pala ako sayo!


    -lyzius-

    ReplyDelete
  10. ganun talaga!!! swerte mo nga kasi ikaw laging may nakikitang klasmeyt or kakilala!!!

    bawas homsik yan! hehehehe

    tama di ba?

    ReplyDelete
  11. mahusay talaga si fernando alonso. idol ko yan!

    pag nagpunta ko dyan libre mo ko hahaha.

    ReplyDelete
  12. Sayang hindi nanalo ang Team Ferrari...

    ReplyDelete
  13. yan ang ayoko sa F1, ang ingay. di ba sumali si lewis hamilton ng mclaren?

    balabal king ka din pala.

    ReplyDelete
  14. @ J Bo: Bakit mo naman nasabing 'alangya'? Hmpf! = P

    ReplyDelete
  15. @ Damdam & Ayz: Nyahaha! Wala akong mapapadalang pandalaw. Utang muna kayo dyan. *LOLz*

    ReplyDelete
  16. @ Lyzius: Haha oo nga! Nakuha ko ang ganyang 'look' sa isang kaibigan sa photography. Para daw hindi mangitim ang leeg at batok sa sikat ng araw. Hehehe.

    ReplyDelete
  17. @ Ferbert: Isipin mo ang iko-comment mo! ISIPIN MO! *LOLz*

    ReplyDelete
  18. @ Popoy: Pag-ipunan niyo na! Ngayon pa lang! Hehehe. = P

    ReplyDelete
  19. @ Rommel: Kahit corny, natawa ako sa joke mo. Salamat sa pagbisita! Hehe.

    ReplyDelete
  20. @ Ayz: Sa presinto ka magpaliwanag! *LOLz*

    ReplyDelete
  21. @ KDR: Hahaha! Parang sinabi mong lahat ng nagsusuot ng scarf eh EMO! Hmmm... well EMO din nga si Ferbert... si Insan Jeck... si Damdam... *LOLz*

    ReplyDelete
  22. @ Lyzius: Mag-iisip pa ko ng ipapangalan sa mga magiging anak ko teka lang! Hahaha. = P

    ReplyDelete
  23. @ Ron Turon: Oo nga, bawas homesick. Bawas pera din. *LOLz*

    ReplyDelete
  24. @ Pedro: Hindi ko kilala dati si Alonso. Kilala mo pala siya. Close kayo? *LOLz*

    ReplyDelete
  25. @ Axel: Some say that their loss actually makes the sport more exciting.

    ReplyDelete
  26. @ Ponchong: Nyahaha! Natawa ako sa 'Balabal King'! *LOLz*

    Ayaw mo nung ingay? Sa simula exciting kasi eh at nakakatuwa pero siguro nga habang tumatagal eh nakakabingi na.

    Kasama si Hamilton sa race. I think he finished second.

    ReplyDelete
  27. abner mercado, statue?

    tissue!

    ReplyDelete