Tuesday, September 23, 2008

Karma

“WHAT’S WITH SINGAPORE?!?!?!”

‘Yan ang pasigaw kong tanong sa isang kaibigan habang naglalabas ako dati ng hinanakit at sama ng loob. Ito’y pagkatapos akong gaguhin ng X ko na naka-base din dito. Pinindeho kasi ako. Pinagpalit sa iba.

Noong nasa Pinas pa ako, andami kong hindi maintindihan pagkatapos ng mga nangyari. Andami kong naging katanungan. Sobra akong na-depressed. Hindi ako makapaniwala na mapupunta lang sa wala ang lahat. Akala ko kasi there’s such a thing as ‘forever’.

But I’m OK now. I have finally moved on. Kahit hindi na kami nagkausap ng X ko about what happened, I know she’s happier now with her decision. Nakita ko na kasi sila from afar...

Pero hindi talaga tungkol dito ang gusto kong i-kuwento. (Hehe!)

Simula ng makarating ako dito sa Singapore, naging bukas ang mga mata at tenga ko. Nagmamasid. Nakikinig sa mga kuwento kuwento. Parang may hinahanap na sagot.

What’s with Singapore nga ba?

Kagabi, nakarating sa akin na nawala ang passport ng isang kakilala’t kaibigan. Sobra itong nag-panic dahil may balak itong umuwi ng Pinas para magbakasyon sa December at mahabang proseso ang kailangan niyang pagdaanan para lang mapalitan ito.

Hinanap na daw niya sa kung saan-saan. Hindi niya talaga makita. Alam niya daw kung saan ito huling nilagay, pero wala na ang passport doon.

Nagkaroon siya ng hinala kung sino ang posibleng kumuha.

Ang KABIT niya.

(Basta mahabang kuwento... *LOLz*)

Masama man akong nilalang, pero natawa ako ng malaman ko ang kuwentong ito. “Buti nga sa’yo,“ ang nasambit ko sa isipan ko. “Loko loko ka kasi. Kung sinu-sinong naging babae mo dito. Karma ’yan.“ May asawa na kasi at mga anak ito na nasa Pinas.

Masisisi mo ba ako kung ganito ang naging reaction ko? Alam ko kasi ang pakiramdam ng niloko at ginago.

Hindi ako nagmamalinis. Aaminin ko, naging mahina din ako. Marami din akong nakikilalang iba habang nasa isang relasyon. There was a time when I was “going out” with someone habang nandito si Joy sa Singapore. It started out as a friends hang-out. Pero nung napapansin kong lumalalim na ‘yung involvement namin sa isa’t isa, nag-decide akong umiwas na lang sa kanya. Alam kong nasaktan ko din ang damdamin niya, pero kailangan lang talagang gawin na lumayo na.

Ayoko nang nakakasakit ako. At takot din ako sa karma.


**********


These are just some of the things I’ve learned from my break-up experiences:

(1) Hindi pala talagang madali ang long-distance relationships, kahit na ikaw man ‘yung nang-iwan o ikaw ‘yung naiwanan (i have experienced both). It really takes a lot of faith, understanding, patience, and love… BUT;

(2) That doesn’t give you the right to be unfaithful. Kahit na gaano pa ka-bungangera at mahjongera ang GF o asawa mo;

(3) If you really want ‘OUT’ of the relationship, you owe a full explanation to your partner kahit magiging mahirap para sa kanya. Mas masakit kasi kung clueless ka sa mga nangyayari;

(4) Time is the only solution to a broken heart. Tama si Bianca Gonzales, no advice said to you will make you feel better. Don’t get pressured. Dadating din sa point na magiging OK ka na after all the heartaches;


**********

That’s all for now. Sige na, makikipag-break pa kasi ako ng maayos kay Maja Salvador. Then after, susunduin ko pa si Carmen Soo, my love, from Malaysia. Babay! *LOLz*

36 comments:

  1. talagang naka red kamison ang salitang "KABIT"...

    dahil ba napagkit na sa utak mo ang suot na red kamison ni kabit nung nagkita kayo? wahahahaha...

    kanya-kanyang process lang nga siguro ang buhay...kanya kanyang way of solving and resolving issues...

    me mga tinayp akong kasunod pero masyado ng personal...sa YM na lang tayo mag usap...

    remember 24 months tayong magkakasama sa iisang bubong, kakain sa iisang lamesa at uupo sa iisang sofa...

    at yan ay mag uumpisa na ngayong saberdey...

    ReplyDelete
  2. e talagang ang pqrting quote ay galing kay bianca gonzales!!!! hay..heartbreak nga naman..kuin anu-anong nagagawa sa mga nilalang! wag mag-alala..kung kelangan mo ng kausap about heartbreaks..e ako ang da best. hahahaha. maiisip mo na lang...."mas mabuti pa ko"

    ReplyDelete
  3. minsan naniniwala ako na mahalaga rin sa isang relasyon ang kabit.

    yun lang may pamilya na si lalaki dumidilig pa sa ibang lupa. ang tanong lang, sigurado ba siyang kabit niya ang kumuha?

    ReplyDelete
  4. ang "moving on" process after ng break up ang medyo mahirap na stage sa isang relationship lalo na kapag medyo in denial ka pa. it takes sometime bago tuluyang matanggap na talagang tapos na ang lahat. at hindi iyon napipilit kumbaga panahon lang ang makakahilom.

    ayan...naglalakbay ang makulit kong isipan.

    ReplyDelete
  5. huwaw love wisdom he he kelangan ko yan ha ha

    kapag matagal ka bang malalayo sa mahal mo kelangan wala ka ding sex layp?

    ReplyDelete
  6. naloka ako sa break-up plans mo with maja... naalala ko tuloy yung break-up namin ni john lloyd :P

    ReplyDelete
  7. talagang patay na patay ka kay carmen soo ha? sabagay napakasimple kasi nya at yun ang maganda dun :)

    tsk tsk. tsimoso!!! lols :)

    ReplyDelete
  8. i am so guilty dun sa experience #3 mo. i wasn't fair to my ex then (blame it on the maturity). i broke up with him through a letter lang. and up to now, i'm still feeling a little guilt pag inaalala ko. pero we've talked about it already kse good thing, after a couple of years, eh naging friends na ulet kami. :)

    ReplyDelete
  9. sensya na...hindi ako maka-relate sa ganitong topic. hindi pa kasi ako naiinlab.
    am sooooo virgin. ang komontra - inggit lang! lols

    ReplyDelete
  10. you owe a full explanation to your partner kahit magiging mahirap para sa kanya. -->ouch! parang nakatikim ako ng mag-asawang sampal. LOLS.

    sabay tayong pare, punta din ako Dos para makipag-break kay nikki gil. haha

    ReplyDelete
  11. hay. breakup? naranasan ko na yan. at masakit siya.

    minsan ang kabit ang test kung kayo talaga ni bf/gf ang para sa isat isa e.

    ReplyDelete
  12. tsk tsk tsk..

    dude, 'dre, pare, amigo, kaibigan, papi, paps, isa lang linya lang yan and it would explain it all...

    SH*T HAPPENS!

    motto ko yan e...

    ReplyDelete
  13. gasuuuuul!!!!!!

    tado ka, nakaemote na ko sa sinulat mo, sinabayan mo pa ng break up with Maja at #*#!## with Carmen Soo!!

    ReplyDelete
  14. ang saya kaya maging kabit. hehe

    ReplyDelete
  15. ikaw pala dapat ang mga pinagtatanungan pag dating sa usapang kabiguan eh. hehehe.

    damn that maja salvador! sabi ko na nga ba't ginagago lang ako. hahahaha!

    ReplyDelete
  16. Ay, tama ka sa number 3. Sobrang hirap ding gawin niyan. Nakaranas na ako na i had to break someone's heart, someone who has loved me for three solid years. But I felt he had to know exactly what happened.

    ReplyDelete
  17. medyo mabigat ang tema ng entry na to!

    ReplyDelete
  18. @ Lyzius: Excited na din ako sa paglipat natin. Weeeee... = S

    ReplyDelete
  19. @ Claire: Hahaha salamat sa pagbisita. Kumusta naman ang puso mo ngayon?

    ReplyDelete
  20. @ Kirk: Na-confirm ko na. Si Other Woman nga ang kumuha ng passport.

    ReplyDelete
  21. @ Ponchong: Oo nga mahirap mag-move on. Nagiging sentimental kapag nakakarinig ng mga heartbreaking na kanta. I should now. *LOLz*

    ReplyDelete
  22. @ Abou: Ahhh teka, pag-iisipan ko muna. Ang hirap naman ng tanong mo. Nyahaha.

    ReplyDelete
  23. @ Myk2ts: Nyahaha! Natawa ako dun ah. *LOLz*

    ReplyDelete
  24. @ Popoy: Oo head over heels ako sa kanya. Basahin mo latest post ko. Hehe.

    ReplyDelete
  25. @ Antuken: I think a letter is OK. Ang mahalaga naman OK na kayo ngayon as you mentioned.

    ReplyDelete
  26. @ Maru: Oo naman, mukha ka namang virgin eh. *LOLz*

    ReplyDelete
  27. @ Beero: *LOLz* Hindi ba si Nikki Gil ang nakipag-break s'yo? Kasi sila na ni Billy Crawford? Hahaha.

    ReplyDelete
  28. @ Mia: Oo nga it's a test for couples. But to do it intentionally just to test the relationship is, I think, a lame excuse.

    ReplyDelete
  29. @ Ron Turon: Yeah SHIT HAPPENS! Hehehe. = P

    ReplyDelete
  30. @ Lethalverses: Congrats Pre sa dotcom mo! Woot! = P

    ReplyDelete
  31. @ Tapsiboy: Masarap talaga ang bawal. Pero madaming consequences after.

    ReplyDelete
  32. @ Katcarneo: Mahalaga naging open at honest ka sa kanya. Salamat sa pagbisita!

    ReplyDelete
  33. @ Chico: Oo ng. Kahit ako nabigatan. *LOLz*

    ReplyDelete
  34. hahaha. kawawa naman yung kaibigan mo, pero natawa ako. ganun na ata talaga ang karma. :D Lol.

    Ganda ng post mo ah. Ganado.
    Kaso, nag-standing ovation yung mga kilay ko last part. LOL :D

    Sige na nga. Mahal mo na si Carmen. Haha. Si Carmen na walang malay. Haha.

    ReplyDelete
  35. Aw. I totally agree sa post mo... hindi ako makapaniwala n may guy p na magsasabi ng gnyn. hehe.

    nakikibasa lang..

    ReplyDelete