Saturday, September 20, 2008

Loner [Edited]

I am really a loner.

Everytime I would tell this to my friends, I'd usually get a loud “O C’MON!” In other words, they’re not buying it. Hindi daw ako pwedeng maging loner kasi they perceive me as someone who’s sociable, gimikero, madaming kaibigan sa kung saan-saang lupalop, at mahilig makipag-eyeball at networking. (Hindi 'yung Forever Living o First Quadrant na networking. *LOLz*)

Yeah, part of it is true. Oo nga, mahilig ako sa social networking. Kung sinu-sino na ang mga nagiging kakilala at kaibigan ko. My circle of friends is not anymore limited to just my former classmates and working colleagues. It all started nung namulat ang aking mga mata sa buhay Internet. Nahilig ako sa pakikipag-chat at pagsali sa mga discussion boards and forums. Lahat na ata ng forums sa Net eh nasalihan ko na: Pinoyexchange, Entrepreneur Philippines, Men’s Health, Pinoy Money Talk, Digital Photographers, Greenpinoy Forums, Hardwarezone, Club Snap. Pati Manila Tonight nasalihan ko na din. Hahaha. And I’ve already met some good people from these forums, which eventually became my close friends.

(Bigla ko tuloy naalala si Voltaire, 'yung kaibigan kong Atenista. Naalala ko kasi nung college kami, sabi niya, "It's not really WHAT you know that matters. It's WHO you know." Hehehe. Wala lang.)

But still, I consider myself a loner. Minsan talaga mas gusto ko pang mapag-isa kesa sa makihalubilo sa ibang tao, like today. Instead of enjoying the start of my weekend, nandito pa ako sa office at wala na akong kasama dito. Like last week, dito na naman ako natulog.

I'm supposed to be in an extreme work mode now, but I’m ending up doing nothing except thinking about what’s been happening to myself and assessing my so-called life.

I’m actually enjoying these alone moments of mine. Well, sometimes.

So what’s on my mind now?

Though I’m quite cool with the idea of me being a career-focused, single, dashing debonair based here in Singapore (naks!), minsan ‘di ko maiwasan pa din ang malungkot at mapag-isip. Andaming “what if’s”.

"Paano kung hindi SIYA umalis ng Pinas? Paano kung hindi na lang AKO pumunta dito sa Singapore? Paano kung si ANO na lang ang pinili ko at hindi si ANO? Mas naging masaya kaya at mas maayos ang buhay ko?" ‘Yung mga ganun ba.

Minsan sa Greenpinoy Forum may nag-start ng thread, asking “What are you: SINGLE by CHANCE or SINGLE by CHOICE? Shet! Puchang tanong ‘yan ang hirap! Napa-isip talaga ako. Ang alam ko kasi hindi naman ako single by choice (teka, hindi nga ba? hmmm...), so does that mean I’m single by chance? WTF?! Anlungkot naman nun! Sige na nga, BOTH na lang. Hehehe.

Naiisip ko na naman ang mga linyang “WHAT WENT WRONG?” at “WHAT’s NOT TO LIKE?” (Calling the Lashing Heroes! Anawangins ulet? *LOLz*)


Masaya naman ako kapag nakapag-iisa ako. I have all the time for myself. Walang ibang iintindihin kundi sarili ko lang. Pero minsan nakakalungkot din... because I have no one but myself.

Haaayyy. If I continue with this habit of wasting precious time thinking about what could and could not have been, it would really drive me mad and crazy. Baka sa Mental Hospital ang tuloy ko nito.

Ok, back to work.

30 comments:

  1. anu bang arte yan ha? sori hindi pala arte, anu bang kalandian yan???

    sa office ka natulog kagabi? anu ka ba??? me bahay ka naman...wahahahaha...

    parang napapadalas ang pagtulog mo sa office ah...

    bakit di mo agad sinabing sa office ka natulog?

    sayang ang pagkakataon..

    sayang talaga...

    ReplyDelete
  2. @ Lyzius: Kung alam mo lang ang mga sumunod na nagyari. Dinala ni Insan Miko ang susi kanina papasok sa trabaho, kaya hindi ako makauwi pa ngayon dahil hindi ko mabubuksan ang pinto. Ahuhuhu.

    ReplyDelete
  3. lumalandi na si lyzius! iba ka gasul! hahaha..


    kelan balik mo? Anawangin ulit!

    (chroneicon, you're not my frieng. huhuhu...)

    =D

    ReplyDelete
  4. @Chroneicon: Matagal nang malandi si Lyzius. At hindi ako ang nilalandi n'yan. *LOLz* Kaya nga naglipat-bahay sa Wordpress. Gusto i-password protect ang mga posts. *LOLz*

    Next year uwi ako. Hopefully by summer para makapag-getaway naman kasama ang mga Greenies. Yebah!

    ReplyDelete
  5. nalala ko tuloy bigla, i was in highschool when i joined manila tonight. and who knows kung anong meron dun? ha haha..

    but anyways, sa tingin ko yung mga ganyang pagiisip ay healthy. at least, kahit paano naipoplot mo ang buhay mo. di yung kuna anong darating yun lang. yun bang sunod sa agos. which is i think walang patutunguhan.

    minsan nga lang, sayang sa oras. but who knows, malay mo isang malupit ang realization ang mangyari sa huli. at mapag-iisip isip mong indi ka pala straight at lalake rin pala gusto mo.

    hay, buti pa sila may lovelife. tsk.

    ReplyDelete
  6. @ KDR: Ay sister! Hahaha apir! Uhm. *LOLz* 'Yan ba ang na-realize mo? Kaya mo ba laging kasama si Leyn dahil sa kanya ka kumukuha ng beauty tips? Nyahaha! *LOLz*

    Ano USER ID mo sa MTC? Hahaha. = P

    ReplyDelete
  7. ingatkayo, hinahanap tlga ni gasul mga posts nyo sa mtc ahaha

    ReplyDelete
  8. minsan masarap talaga mapag-isa. lalo kapag nasa mrt papasok ng opisina, ayoko ng may nakakasabay dahil gusto kong matulog kahit nakatayo. hehehe.

    ReplyDelete
  9. haha. problema ko din yan ngayon. gusto ko din mapag isa.. pero dapat may magandang patutunguhan ang pag iisa ko. lagi nalang akong isip ng isip, wala namag kilos. dami din kasing hadlang sa paligid. tapos onti ang sumosoporta. lahat mga takot. hayz... ow well.
    what went wrong ba kamo? hehe. di mo ba tanggap ang ilang malulungkot na pangyayari sa buhay mo? tanong lang naman. hehe.

    ReplyDelete
  10. wag masyadong mag paka pagod sa work, maloloka ka sige:)

    yeah im here na sa tin, nung 25th ako umuwi... baka next year nako ulit babalik dyan :p

    godbless GD

    ReplyDelete
  11. inuulit ko lang ang tanong ni KDR, anong na edit? yung me mga kulay kulay ba????

    chie, di ako malandi...*sniff... si gasul lang yun... proven facts at principle na yan...

    ilang beses na kami natulog magkakasama pero hanggang ngayon di ko pa pinagsamantalahan ang mga kahinaan nila...

    oi gasul hindi yun ang reason ng paglipat ko sa wordpress! huhuhuhuhu...gasoline dude-ro ka...huhuhuhuhu...

    teka nobela na tong comment ko...

    sign out na ako...

    ReplyDelete
  12. ano url ng manila tonight? wag na pala *google*

    ReplyDelete
  13. ahahha,,,,,cge ako ang mag aasess sayu..lols..

    well...mashoshock ka rin ba pag sinabi ko na pareho tayu? kamusta naman ang mga loner sa mundo?

    you know whats good in being alone? Cos thats the time you can think more about urself and what you want to do with it.

    contemplate ka lang bro...mahahanap mo din ang sagot.

    ako single by choice....ahahahha..chos lang.

    ReplyDelete
  14. minsan ganyan din ako.
    minsan hindi.
    siraulo yata ako hahaha.

    ano yung Manila Tonight na yan, naintriga ako.lols

    ReplyDelete
  15. ha haha. uyyy.. magmamanila tonight na sila. :D

    ReplyDelete
  16. loner ka pa ba ng lagay na yan ha gasul??? minsan naman diba masarap talagang mag isa pero okey pa rin ung may social life .. dapat balance lang... pag napunta ako jan dalawin ko kayo nila lyzius ha?

    ReplyDelete
  17. @ Chroneicon: Ano nga ulit 'yung mga ipinost mo sa Manila Tonight? *LOLz*

    ReplyDelete
  18. @ Insan RJ: Ako din gusto ko matulog sa MRT. Dun ako umuupo sa Priority Seat para makasandal 'yung ulo ko, kahit na para sa mga elderly, disabled at buntis ang mga seats na 'yun. Nyehehe! = D

    ReplyDelete
  19. @ PB: Hindi naman sa hindi ko tanggap. Minsan lang kasi mag-iisip ka kung bakit ba nangyayari 'ung mga malulungkot na eksena ng buhay. Pero na-realize ko na madami ka palang lessons na matututunan sa mga ito. Naks!

    ReplyDelete
  20. @ Myk@ts: Good luck sa bago mong work sa Pinas!

    ReplyDelete
  21. @ KDR & Lyzius: Minor editing lang ginawa ko. Nagdagdag lang ng ibang linya, at nilagyan ng kulay. Hehehe.

    ReplyDelete
  22. @ Kirk: Sali ka na sa MTC! Masaya dyan! *LOLz*

    Ang bad influence ko talaga. Hehehe.

    ReplyDelete
  23. @ Maldito: Loners rule! Pogi pa! Hehehe. = D

    ReplyDelete
  24. @ Popoy: Where have you been all this time??? Register na sa Manila Tonight!

    ReplyDelete
  25. @ KDR: Oy, di mo sinagot tanong ko! Ano User ID mo sa MTC? Pakita ko kay Leyn mga pinupuntahan mong threads dun. *LOLz*

    ReplyDelete
  26. @ Prinsesa: Oo naman, welcome na welcome kang dalawin kami. Ang lagay ba eh... *LOLz*

    ReplyDelete
  27. ampot....malala na ito! ngaun c voltaire naman ang naka-quote!!!!!!!!!!!! )(*^**(! hahahahahahahaha!

    ReplyDelete
  28. senti?

    hmmm ang dalas ka din namin mamiss parekoy, ung pgiisipan namin "...kung kasama natin ngayon si gasul..."

    tara anawangin tayo!


    "ay tot yur may prend! chroneicon, ay tot yur may prend!!"

    "hus da isnorer??!!"

    ReplyDelete
  29. nko, mahirap yan ah, ung mdaming regrets. alam mo na, ung mga "what if", pagnagsimula ka na daw kasi magganun ibig sabihin ang dami mong pinagsisisihan. mahirap maging loner. iba pa rin talaga ung madaming kasama. :)

    ReplyDelete