Saturday, September 13, 2008

Premonition

Habang sinusulat ko ito, umiiyak ako. Nagdadalamhati.

As of this time, hindi ko pa alam ang totoong nangyari. Nagulantang na lang ako sa aking nabasa sa blog ng aking 'pinsan' at kaibigan.

Nandito pa ako sa office. Wala na akong kasama. Anong oras na? Alas-tres na ng umaga. Wala kasi akong balak umuwi talaga ngayon. Sabi ko sa sarili ko magtratrabaho na lang ako dahil may deadline ako sa Monday. Kailangan kong magsipag dahil padating na sina Bossing from Cebu.

Gumawa na ako ng itinerary for the whole day para organized ang lahat ng magiging activities ko, pero ni isa wala akong nagawa. Naging petiks ako buong araw. Nakatitig lang sa PC Screen ko maghapon.

Nung isang araw lang, ni-customize ko ang blogroll ko. Nainggit kasi ako kay Lyzius. Ngayon naa-update na din kaagad ako kapag may mga bagong posts ang mga peyborit kong bloggers.

Buong araw, nakatitig lang ako sa newly-customized blogroll ko. Nag-aabang ng blog updates. Naghihintay sa bagong balita.

Kanina lang, ka-chat ko si Monica aka Cool Cucumber. Isa ko siyang chick friend na nakilala ko sa Pinoy Exchange. Tinanong niya ako kung busy ako. Mukhang gustong makipagkwentuhan at makipagkulitan.

Ang sagot ko,

"Medyo. Nandito pa ako sa opis. Wala akong balak umuwi. Me deadline kasi ako sa Mon."

Biglang nag-react ng sobra si Monica pagkatapos. Sabi niya, na-bother daw siya sa naging response ko. Naguluhan ako. "Bakit naman kaya? Ano bang sinabi ko?" Binasa ko ulit 'yung ni-type ko sa YM. Hmmm... teka nga, parang iba nga ang dating.

Parang na-emphasize 'yung words na "UMUWI" at "DEAD" sa deadline nung binasa ko. At ang Mon (Monday), bakit parang "MOM"...

Parang lumalabo na yata mga mata ko.

Pero medyo natakot pa din ako. Hindi naman ako masyadong mapamahiin, pero kinabahan pa din. Naisip ko shucks, baka may maaksidente ah. Grrr. Huwag kang negative, Gas Dude! Lumalabo lang ang mata mo dahil sa kaka-petiks at kakatitig sa PC screen.

Lord, 'wag naman po sana.

I tried confirming it with her, but she did not bother to explain. Baka pagtawanan ko lang daw siya.

A few minutes had passed, wala pa din akong nagagawa sa mga plano kong gawin. Pucha naman! Mukhang wasted ang pag-stay ko dito sa office ah, sabi ko sa sarili ko. Nakatitig pa din ako sa PC Screen. Parang may inaabangan. Kitang kita ko ang blog ko, pati ang bago kong blogroll. Kakatuwa.

Click dito, click doon.

F5. Refresh.

Natuwa ako sa nakita. Ayus! Me update si Insan RJ! 1 hour ago lang. Hmmm... ba't hindi ko kaya agad napansin 'to?

Nakita ko din ang title ng post. "All of a Sudden"

Click.


Nanginig na lang ako sa nabasa ko. Kinabahan. Naluha. Ayaw tumigil ng pagpatak.

Agad kong ni-message ang ibang blogger friends sa YM na online pa.

Insan RJ, hindi ko pa alam kung ano ang buong nangyari, pero hangad ko ang kaligtasan ng mag-iina mo. Dasal ako ng dasal kay God ngayon para alagaan sila at gabayan ka sa pag-uwi mo sa Pilipinas. Alam kong mahirap at masakit sa loob para sa'yo bilang asawa at tatay, lalo na't malayo ka sa kanila, pero sana'y tatagan mo pa ang loob mo. May awa ang Diyos. Marami kaming nagdadasal para sa inyo ngayon.

Hanggang ngayon, hindi pa din matigil ang pag-iyak ko...

5 comments:

  1. lex, the bond and friendship that we forged through our network online may seem shallow to other people, but we know better..

    we know that this online community has been our family and will continue to be part of lives. we are there to support, love and care for each other.

    i know how we've all been part of each other's lives and i know how much pain we feel when something like this happens..

    we are all praying for rj's family. we are all hoping for the best. we will let you know if we are able to visit them..

    *virtual hugs to you too*

    ReplyDelete
  2. during these times nagiging helpless ang isang kaibigan .

    let's just hope for the best

    ReplyDelete
  3. god. nakita ko din kanina yung post ni rj. kahit hindi ko siya pinsan nagimbal din ako and all i can do is pray. isa ako sa mga na excite kasama niya, at nalungkot din. pray tayong lahat for him and his family.

    ReplyDelete
  4. nabasa ko to kay maru tapos kay M tapos napunta ako dito. dasal lang ang maiaalay ko kaibigan. hindi sapat pero sana makatulong. hindi ka nag-iisa.

    ReplyDelete
  5. ulit, maraming salamat sa inyo insan. =D

    ReplyDelete