Sunday, October 26, 2008

Bibili na ba ako ng Barong?


Balak ko sana papuntahin si Mama dito sa Singapore by January next year. Birthday niya kasi nun kaya siyempre gusto ko magkasama kaming magse-celebrate, at mai-share naman sa kanya ang mga blessings na natatanggap at nakukuha ko dito.

Pero ewan ko, mukhang may nagbabadyang okasyon na magaganap. Baka hindi na muna matutuloy ang pagpunta ni Mama dito... dahil baka ako ang mapauwi ng Pilipinas sa January. = D

Nung isang araw lang, nag-message sa ‘kin sa Friendster ang barkada kong si Nino. Pinapauwi ako sa January. Hindi sinabi kung bakit, pero me kutob na kaagad ako.

Ang reply ko, “Ikakasal ka na? Bibili na ba ako ng barong?”

Ang pagkakaalam ko kasi, kakauwi lang ng gelpren nya from Belgium after finishing her scholarship grant. Great timing ito para mag-propose, sa palagay ko. Matagal na din kasi sila ni Grace. Mga 7 to 8 years na din ata silang nagbobolahan mag-gelpren at boypren. So I think there’s no other way but to go to the next level.

Pero bago pa ako umalis ng Pinas, tinatanong ko na itong kaibigang kong ‘to about settling down. Malakas talaga kasi ang kutob ko na sa aming magbabarkada, siya ‘yung malapit nang ikasal (kahit siya ‘yung pinaka-palikero sa ‘min *LOLz*). Pero deny to death ang gago. Wala pa daw, sabi niya.

Ewan ko na lang ngayon. Kakatext lang sa ‘kin ni Nino kaninang umaga. Tatawagan daw niya ako. I was trying to reach him yesterday, kaso hindi sumasagot ang mokong. Mukhang nakikipag-sexy time pa. Hahaha.

Hindi pa confirmed ang aking mga kuru-kuro, but still I’m excited for this friend of mine na high school pa lang kami eh kaibigan ko na (15 years and counting! Woot woot!). At this early on, I'm wishing him good luck sa magiging bagong journey ng buhay niya.

Me with my friend Nino na mukhang magpapasakal magpapakasal na. Sino mas pogi? *LOLz*


**********

Meron pa akong close friend na ikakasal this coming December. Pinapauwi din ako ng Pilipinas.

Waaahhh! Napapag-iwanan na ako ng mga kaibigan ko! Ahuhuhu. =_ C


33 comments:

  1. hindi na dapat tinatanong kung sinong pogi, wahahahahaha!

    talagang kailangan nakalagay sa YM na may bago kang post? ahahahha.

    ReplyDelete
  2. 8 years na sila? huwaw!!! ang tagal! ang galing naman nila. ;)

    ----

    bdw po kuya. natawa ako sa comment mo sa blog ko. kaw ha. pwede ka sa chika minute. hehe.

    bakit naman kaya naisip mo na sa isang blogger ako maiinlab. ang galeng mo! hahaha. joke lang po. naiinlab ako sa pagba-blog. :) pero in fairness...mukhang masaya yun ah... maiinlab sa isang blogger dito... tapos kapag nagkatuluyan... at nauwi sa kasal, mga blogger din ang abay! haha. salamat po s apagdaan. ingat jan sa singapore!

    ReplyDelete
  3. sarap ng may hinintay galing ng belgium ano. hehehe tanong mo na lang baka may kaibigan siya doon at ireto sayo. =P

    ReplyDelete
  4. sinong mas pogi?? syempre un nasa kaliwa!! nyhahaa *joke lng*

    wow ang saya naman! best wishes pow sa frend mo na ikakasal! :D

    ReplyDelete
  5. di ka nag-iisa crazzmate!

    pero feeling ko, malapit ka na din... malapit ka ng tumandang binata. hahahaha!

    joke!

    =)

    ReplyDelete
  6. gusto mo na rin bang sumunod? hahaha

    sabihin mo lang kokontakin ko si madame auring para mapakasalan mo na sya.. lol

    ReplyDelete
  7. sa entri mong to, parang nababasa kong napepressure ka na ring mapagiwanan ng mga kaibigan mo? hahaha

    parang nararamdaman ko na din to ah?
    lols

    bossing, katulad nga ng nasa entry ko, maghintay. baka ndi na rin naman ganun katagal. yikeee!

    best wishes sa kaibigan mo kung magpapakasal man siya at kung uuwi ka dito sa Pinas...


    PASALUBONG NAMIN!!! hahaha

    ReplyDelete
  8. nakupo! mukhang uuwi ka nga ng pinas sa January. Sayang. Mukhang matutuloy kasi ako ng Singapore dahil birthday din ng Ermats ko. Yun ang gift ko sa kanya.

    ReplyDelete
  9. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  10. Magpakasal ka na din..hehehe Seriously, ang galing nila, 8 years...wala lang, ang galing lang =) (nainggit na naman si ati!) hahaha

    ReplyDelete
  11. ikaw ang gwapo papa gasul.

    pasalubong..

    ReplyDelete
  12. ahahahaha...

    halatang sipsip si chie...

    wahihihihi...

    8 years? hindi ako nagagalingan...hehehe,,,

    kung tatagal sila after ng married life nila dun ako bibilib...wahihihihi...

    bitter ocampo ako ba ito???

    kasi ako 5 years magjowa bago nagpasakal para lang mag hiwalay after 1.5 years...

    sensya na bitter lang!

    -lyzius

    ReplyDelete
  13. Gusto ko na rin magpakasal, pero mukhang dadaan pa ako sa butas ng pwet ng langaw bago ko magawa yon.

    ReplyDelete
  14. ahahaha. . .this is weird, kinikilig ako for your friend... ikakasal na nga kaya sya.

    will the long wait soon be over? haha.

    gusto ko na din ikasal! tsetsing! ahahahahah...

    ingat dyan bossgasdude.

    flyfly!

    ReplyDelete
  15. syempre mas guwapo ka!

    pasalubong naman diyan! lol!

    ReplyDelete
  16. @ Princess Cha: Ayan nagcomment na ko sa comment mo! Ahaha! = P

    So sino nga mas pogi sa palagay mo hmmm?

    ReplyDelete
  17. @ Joshmarie: Ahahaha natawa kasi ako sa post mo sabi mo pwede ka na magmahal ulit tapos bigla kang nagbanggit ng mga 'edible' bloggers. = P

    ReplyDelete
  18. @ Insan RJ: Hmmm not a bad idea, huh? Hehe. = D

    ReplyDelete
  19. @ Ferbert: Thanks, but no thanks. Nairegalo ko na s'yo si Madam Auring dati, wala nang balikan. *LOLz*

    ReplyDelete
  20. @ Popoy: Hindi naman sa pressured. Hindi na kasi ako bata. I'm not gettin' any younger! Ahuhu. =_ C

    ReplyDelete
  21. @ R-yo: Kelan ba punta mo dito sa Singapore? Hindi pa naman sigurado ang pag-uwi ko. Hindi ko pa kasi nakausap 'yung kaibigan ko.

    ReplyDelete
  22. @ Mammary: Huwaw! Nag-comment ka sa blog ko! Salamatz! Oo nga, antagal na nila. Pero sana magtagal din sila after the wedding kung matutuloy nga. Hehe.

    ReplyDelete
  23. @ Chroneicon: Aylabyu Chie Chie! Apir! Uhm.

    ReplyDelete
  24. @ Lyzius: May point ka naman. Hindi naman talaga basis 'yung tagal ng courtship. Pero kanya kanya lang din. 'Wag ka na bitter. Hehe. You'll find the right man for you soon.

    ReplyDelete
  25. @ Taps: Nyahaha. Bakit naman? Pucha Pare baka hindi ka na nga makapag-asawa pag ganun. *LOLz*

    ReplyDelete
  26. @ Fly Fly: Nyahaha. At bakit ka naman kinilig? Nagbobolahan lang 'yung mga 'yun kaya tumagal. Joke! Ahaha. = D

    ReplyDelete
  27. @ Coldman: Naks. Mahal na din kita tulad ni Chroneicon. Sige Coldman, anong gusto mong pasalubong? Hahaha. = D

    ReplyDelete
  28. ako din kuya, pasalubong! hehehe. tinawagan ko pa mandin si ninang last week kasi may promo cebu pacific. =)

    ReplyDelete
  29. Hello po...

    just read your entry...

    oh....tagal na nila ha!8 years na...grabe!

    sus!andami dyan mga girls kuya eh...hhehehe..

    pwede po bang xlink tau?

    ReplyDelete
  30. sempre ikaw mas pogi, blog mo yata to, hehe. at ako din, yung lap dance din inaantay ko kapag shower party, ehem!

    ReplyDelete
  31. pakasal kanadin kagwapo eh hehe

    rock on. napadaan lang sa blog mo~

    boni station
    http://bontalampas.blog.friendster.com

    ReplyDelete