Sunday, October 5, 2008

Dinuguan


Bakit ganoon? Bakit ganito?
Andaming tanong, andaming kuwento.
Talaga namang nakasasakit ng ulo
Kaya naman tinotopak na ulit ako.

Mga pangyayaring hindi ko nagugustuhan
Walang magawa kahit umangal man
Kaya’t ang mabuti ko na lamang gawin
Umiwas na lang, at huwag makialam.

Bahala na si Batman sa susunod na kabanata
May mga ibang bagay na mas mahalaga
Kesa makisawsaw sa gawain ng iba
Ano bang pakialam ko?
May tinatawag tayong

“Hustisya”.



**********


Paalala lang po ulit (lalo na sa mga tinatamad mag-scroll down at mag-backread *LOLz*), meron po kaming pa-contest nina Greenpinoy, Lethalverses at Chroneicon. Puwede kayong manalo ng "limpak-limpak" na Gift Certificates at T-Shirts. Para sa mechanics at iba pang detalye, click here.

9 comments:

  1. tama ka diyan, parekoy naparaming kaguluhan na pumapaligid sa ting buhay...pero sabi mo nga meron tayong hustisya plus may batas pa tayo ng karma...kaya hayaan nalang natin silang maglabo-labo. sila rin naman ang matututo sa resulta ng kanilang pinaggagagawa.. ;-)

    --------------------

    tsong salamat nga pala sa comment mo sa blog ko...hehe ewan ko ba tsong, two years ago na yun pero naiisip ko pa rin yung bata...naiisip ko kamusta na kaya si Aljay??? kahit alam ko naman na kapiling na niya ang MAykapal.

    nga pala, wag ka nang magulumihanan tsong sa aba kong propesyon hahaha isa akong segment producer / writer sa isang programa ng serbisyong totoo dito sa Pilipinas. salamat sa pagbisita, nga pala, san kaya ako makakahanap ng tatlong tao na magpapapiktyur sa akin tulad ng piktyur niyong apat. Sayang din yung gift certificate..hehehe pero alam mo tsong kung mananalo man ako, iahnda mo na yung t-shrt, dapat Extra Large hahaha para sakto sa akin hahaha

    Peace!

    ReplyDelete
  2. @ Onats: Huwaw! Hindi lang pala blog posts mo ang mahaba. Pati mga comments mo! *LOLz*

    You've said it all. Kaya dapat hindi na tayo nagpapaapekto sa mga ganung tao. May mas mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin at atensiyon.

    Serbisyong Totoo? Hahaha. Ewan ko ba, nung binasa ko last entry mo, naamoy ko na agad na Kapuso ka. *LOLz*

    Sali na sa pa-contest! Malay mo kayo manalo! Woot! = D

    ReplyDelete
  3. astig ng poem!
    si batman ba ang favorite mo?hehe

    hope to xlinks..

    ReplyDelete
  4. may kaaway ka? akin na address, uupakan ko sya para sayo.. sus nasa kamay ko ang hustisya! bwahahaha..

    ReplyDelete
  5. naghahanap ng hustisya? :)

    part na talaga ng mundo ang kaguluhan. parang cycle yan. never-ending.

    ReplyDelete
  6. @ Lance: Hahaha. Hindi naman masyado. Me kilala akong adik kay Batman. Si Greenpinoy! Hehe. = D

    ReplyDelete
  7. @ FerBert: Huwaw! Knight in shining armor! I'm inlab! *LOLz* Seriously, hayaan mo FB, kapag hindi na ako nakapagpigil, papabugbog ko sa 'yo. Hehehe.

    ReplyDelete
  8. @ Joshmarie: May point ka. Kaya nga minsan sinasabi nilang life is unfair. Andaming kasing injustices sa mundo.

    ReplyDelete
  9. hmmm... ito ba iyong naiisip ko?

    tsk tsk...

    ReplyDelete