Wednesday, October 29, 2008

Ginseng Updates

It's confirmed.

Magkasamang tumawag kagabi ang mga ka-berks kong sina Jose at Nino. Nagkita ang dalawa para pag-usapan ang exciting na balita. Latter is definitely getting married on January 17 next year, at kasama daw kami ni Jose sa entourage. Ang gagu lang, sabi sa 'kin ring bearer daw ang role ko. Ahahaha 'langya! *LOLz*

So I'm already thinking of booking a flight for January kahit hindi pa ako nagpapaalam sa opisina. May promo kasi ngayon ang Jetstar Asia, at sayang naman kung papalagpasin. Promo is only up to November 3. (Parang kailangan ko pala si Money-ger ngayon ah...)

Ngayon pa lang excited na ko. I'd be coming home sa Pinas to celebrate two wonderful occasions: my Mom's birthday on the 14th, and of course, the said wedding of this friend of ours.

Sana nga lang payagan akong mag-leave ng boss ko for one week.

Kung payagan man ako, sana lang din may balikan pa akong trabaho dito sa Singapore. Hindi ko rin kasi masabi ang kahihinatnan ng ekonomiya ngayon. Apektado din ang Singapore sa recession. Ito 'yung dati kong nabanggit sa previous post ko na ikinakatakot ko lately: ang possible retrenchment na maganap dahil sa hinayupak na recession na 'yan.

At kailangan ko na palang seryosohin ang pagbabawas ng taba simula ngayon. Kailangan magkasya pa sa 'kin 'yung luma kong barong (oo, wala na akong balak bumili pa ng bago). Kailangan looking-WOW, feeling-WOW ako sa wedding. Hehehe. = P

Ampucha! Nakalimutan ko palang tanungin kung may Bachelor's Party. Waaahhh! Lap dance! Lap dance! *LOLz*


**********


Kaka-chat lang namin ni Doc Nonoy sa YM. Sayang daw at meron siyang mga pasalubong para sa 'kin galing Korea. Dahil hindi natuloy ang pagkikita namin, napunta ang lahat ng 'yun sa kaibigan niyang dito din sa Singapore naka-based. Tsk tsk napaka-swerte namang kaibigan!

Sayang talaga. Hindi ko man lang na-enjoy ang kimchi, beef jerky, at pake-paketeng ginseng na pampaganda daw ng... PER-FOR-MANCE! Ahuhuhu. =_ C


22 comments:

  1. at saan mo naman gagamitin ang pampaganda ng performance insan? baka pag tinira mo yan eh magmuka kang si latrell ng white chicks na nakainom ng sandamukal na ecstasy. pareho ba ng effects yon? hahaha! =D

    ReplyDelete
  2. pasalubong! hehehe. -eLai-

    ReplyDelete
  3. naku kung katulad din ng singapore ang UK..aynuk di ako mag-aalangan na umuwi ng weekly.. hay kainggit ka nmn khit isang linggo lng sa pinas aus na ..lapit lng ksi..unlike kmi rito dapt buwan pra sulit sa pamasahe =)

    ReplyDelete
  4. ay confirmed!!! hahaha. welkam bak, advance hehehe.

    kausapin mo ang mga kaibigan mo na hintayin ka makauwi bago magbachelor party :)

    may kakilala akong stripper, sikat nga yun eh.

    si Dita.
    aka...


































    Madam Auring :)

    ReplyDelete
  5. disturbed ako sa itsura ng ginseng...

    anyway, sure ka na sa jan? welcome back!

    ReplyDelete
  6. gusto ko rin ng ginseng!

    ReplyDelete
  7. natawa ako sa ring bearer.

    pwede rin ba kita kuning ring bearer. hahaha. :) ang laki mong ring bearer kuya.

    ReplyDelete
  8. Uy usapang kasal, pass ako dyan. Pero naiimagine ko na ikaw ang ring bearer. At sino naman kaya ang flower girl mo? Haha.

    ReplyDelete
  9. haha nakakatawa yung looking WOW feeling WOW haha

    masaganang pagbabalik sa PINAS!

    ReplyDelete
  10. hahaha natawa ako sa feeling WOW looking WOW...

    masaganang pagbabalik sa PINAS!

    ReplyDelete
  11. @ Insan RJ: Mga barkada ko lang din dati ang nag-introduce sa 'kin sa Ginseng. Effective? Hmmm... secret! *LOLz*

    ReplyDelete
  12. @ Insan Elai: Ahaha. Anong gusto mo? = D

    ReplyDelete
  13. @ Joan: Balita ko nag-iisnow diyan ngayon ah.

    ReplyDelete
  14. @ Popoy: Sorry na lang, nairegalo ko na kay FerBert si Madam Auring. Wala nang balikan. Sa 'yo na lang kung gusto mo. *LOLz*

    ReplyDelete
  15. @ Leyn: Mukhang nagdadalawang isip ako ulit. Pero naka-OO na ko sa mga kaibigan ko.

    ReplyDelete
  16. @ Coldman: Meron akong nakita dati sa Pinas na shampoo na may ginseng sa loob. Weird lang tingnan, baka tumigas bigla buhok ko. Nyahahaha! = D

    ReplyDelete
  17. @ JoshMarie: Sinong groom mo? Yiheee. = P

    ReplyDelete
  18. @ Kirksydney: Wala pa nga, Parekoy. Me mairereto ka? Ikaw mukhang madami kang chicks sa blog mo eh. Ahahaha. = D

    ReplyDelete
  19. @ Onats: Oo, parang Juday lang. *LOLz*

    ReplyDelete
  20. siya ikakasal, ikaw kelan?

    gandang tanong.

    ReplyDelete
  21. yey yey yey! my bubong (pasalubong) ako! yey! hehehe. kahit ano kuya.. pero kung tight ang budget mo, kahit isang katutak na dark chocolates lang, msaya na ko. hehehe. lam na ba ni ninang na uuwi ka? - eLai-

    ReplyDelete
  22. ano naman ang gagawin ng Ginseng sa shampoo??? *hmmm.... isa pang Hmmmm....

    ReplyDelete