Friday, October 31, 2008

Goodbye Formula1, Hello MotoGP


Ampucha! Isang mainit-init na balita ang aking nasagap ngayun-ngayon lang!

Kung matatandaan niyo, dito ginanap sa Singapore ang first-ever night race ng Formula 1 Grand Prix nung nakaraang buwan lang. Dinagsa ito ng maraming manonood, lokal man o turista. Pero ano itong nabalitaan ko? Hindi pa pala dito nagtatapos ang makapigil-hiningang karerahan.

Dahil balita ko, dito din daw gaganapin ang MotoGP Championships sa 2011. Ayus! = D

Ano ba itong MotoGP? (Greenpinoy? Pfffttt corny.) Equivalent ito ng F1, pero sa halip na mga kotse eh mga motorsiklo naman ang magpapasiklaban. It will be an 18-leg motorcycling championship, and a round is being planned to be staged here in Singapore.

Siyempre, hindi mawawala sa mga lalaban dito ang Marlboro-Ducati Team (MotoGP's equivalent to F1's Team Ferrari pagdating sa kasikatan). Isama pa niyo dito ang mga teams ng sikat na mga motorcycle manufacturers, tulad ng Honda, Suzuki, Yamaha, at Kawasaki.


Nakaka-excite, ngayon pa lang! Woot woot! = D

Sana nga lang eh nandito pa ako sa Singapore sa 2011, at hindi pa napauwi ng Pilipinas dahil sa global economic crisis. This time, gusto kong mapanood ang karerang ito ng malapitan.

7 comments:

  1. Gusto ko yung F1 racing. pangarap ko makapanood nun dati kasi naman dakilang frustrated race car driver ako. hehe. :)

    ReplyDelete
  2. teka...parang naligaw ang link ng blog ko sa blog roll mo. hehe. medyo madalas ako dito pero hindi pa kita nailalagay sa listahan ng mga paborito kong destinasyon. :)

    ReplyDelete
  3. kaya ngayon pa lang, umpisahan mo na ang pagiipon para makabili ka ng seats at popcorn. hehehe.

    ReplyDelete
  4. @ Joshmarie: Siguraduhin mo lang na marunong ka na mag-drive. *LOLz*

    ReplyDelete
  5. @ Insan RJ: Bibili ako ng sampung tickets. 'Yung iba ibebenta ko sa e-Bay. Hehehe. = P

    ReplyDelete
  6. naku, fan ka rin pala ng fast cars! si kengkoy ko used to be a car racer until tinigil nya kasi ang gastos daw, hehe- napanood mo ba yung F1 dyan? ang galing ano? next year daw manood kami ng ferrari race dito sa alemanya, excited na ako kahit parang sasakit ulo ko yata sa ingay, hehe

    ReplyDelete
  7. motocross.. paborito ko yan laruin sa arcade!!!

    i miss time zone...

    sarap siguro mag singapore?! hay!

    ReplyDelete