Friday, October 3, 2008

Lashing Heroes Reunion Contest


May pa-contest kami!

Kung masugid kang tagasubaybay ng mga blogs namin nina Greenpinoy, Lethalverses at Chroneicon, marahil ay pamilyar na sa inyo ang samahan naming tinatawag na "LASHING HEROES". Nagsimula ito sa unang pagkikita naming apat noong April 2008 sa Roxas Boulevard para mag-inuman at mag-chikahan, at doon na nagsimula ang matalik naming pagkakaibigan.

Ito ang kauna-unahang litrato naming apat. Obvious na obvious naman kung sinong pinaka-pogi sa amin, 'di ba? *LOLz*

Kaya ngayon dahil lumelevel up na ang aming barkadahan eh naisipan naming magpa-contest. Narito ang mechanics:

1. Tingnan mabuti ang litrato sa itaas. GAYAHIN ITO (apat na tao lang) sa pinakamakulit na paraan na alam niyo! Hindi kailangan eksaktong eksakto pero dapat pag nakita 'yung litrato n'yo, ang una naming maiisip ay “Aba! Parang ito yung litrato namin!”

2. Bawal i-Photoshop ang original na litrato. Kaya 'yung mga nagbabalak magpatong ng mukha, sorry na lang kayo. *LOLz*

3. Ipadala ang entry/entries (oo, kahit ilan ang puwedeng isumite!) sa lashingheroes@yahoo.com na may subject na “Reunion Contest”, kasama ang pangalan ng lahat ng nasa litrato.

4. Ang contest na ito ay mula ngayong araw hanggang November 7, 2008. I-aanuns'yo ang nanalo sa November 8, 2008.

5. Ang mananalong litrato ay pipiliin ng mga Lashing Heroes at magkakamit ng Php 1,000 worth of Gift Certificates at 4 na Greenpinoy Shirts (isang T-shirt kada tao sa litrato)!

Para mas maliwanagan pa kayo sa pa-contest na ito, ito ang isang sample entry nina Damdam at Ayz, kasama pa din sina Lethalverses at Chroneicon. Gayang-gaya ng original picture, di ba? Hehehe.


Bilis! Sali na kayo!

Mabuhay ang Pilipinong Lashing!

7 comments:

  1. oi sali tayo...

    apat na tayo sa bahay...

    bwahahaha...

    kuha ni damdam sa pichur ang seryoso posing mo...

    pero si GP naging malnourished ke Ayz...

    ahihihihihi

    ReplyDelete
  2. anong kalokohan meron dito?

    hehe...

    may nakatingin oh... :D

    ReplyDelete
  3. ang ganda at gwapo talaga nung nasa left most part ng pictures! yung nakatayo! ahahahaaha! yung naka orange tapos yung isa naka green..

    lol...

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. cute naman nyo sa pix...

    daming sasali sa kontes nyo, sure ako...

    lola

    ReplyDelete
  6. isama nyo na sa listahan ang mga taga Iraq,, ayusss! patosss payonggg..to..

    ReplyDelete