Wednesday, October 22, 2008

Maningning


Kanina habang wala akong magawa sa office at nagpepetiks lang, binisita ko ang Friendster ko at tiningnan ang mga pictures na nandun. Ahuhuhu. Isang litrato ang tumambad sa 'kin. Muntik na akong maluha. Nakita ko ang picture ng true love ko. Bigla ko tuloy siyang na-miss.

Na-miss ko si Maningning.

Halos dalawang taon din ang pinagsamahan namin ni Maningning. It was not really love at first sight when we were introduced. Iba kasi 'yung gusto ko. Hindi siya 'yung inaasahan kong ipapakilala sa 'kin. Hindi siya 'yung bata, maganda, seksi at fashionista na ineexpect ko. I was thinkin' that time, "Hindi siya puwedeng maging trophy girlfriend!" Life is really unfair, pero wala akong nagawa. Kahit hindi ko siya gusto nun, I had no other choice. I was obliged to take her as she was. In other words, she's stuck with me. And I, with her.

Naalala ko pa nung una kaming mag-date, tangina muntikan na kaming maaksidente! Akala ko katapusan na namin! Nasa Skyway kami nun, at muntik ko nang maihampas si Maningning dahil sa init ng ulo ko at kawalan sa mood. Napagalitan kasi ako ng Boss ko at pinagmumura ako sa cellphone habang nagda-drive. Kaya ayun dahil sa halu-halong emosyon na ang naramdaman ko, pati si Maningning naidamay ko. Muntik ko pang mailagay sa kapahamakan ang buhay naming dalawa.

But she still stood by me. Despite my mood swings and my bad attitude towards her, hindi niya ako iniwanan. Aaminin ko, I even physically abused and hurted her. Naalala ko nung nasa Batangas kami, naihampas ko naman siya sa gate ng resort na pinuntahan namin. Sugatan at duguan siya. Kaawa-awa talaga ang itsura nung tinitingnan ko. But still despite all the pain that I'd caused her, tinanggap pa rin niya ako ng buong-buo at kung sino talaga ako. Pinagtiisan niya ang lahat. Minahal niya talaga ako kahit masama ang naging ugali ko.

Kaya natutunan ko na ding mahalin si Maningning. Hindi lang mahal. Mahal na mahal.

Madami din kaming naging memorable moments ni Maningning. Lagi kaming magkasama kahit saan man ako magpunta. Kahit sa trabaho ko isinasama ko siya. Kapag naman may problema ako at kailangan kong iiyak, sa kanya ko sinasabi. Sa kanya ko inilalabas ang lahat ng sama ng loob ko. Dinala ko na din si Maningning sa Enchanted Kingdom at sa kung saan-saan pa. Madaming beses na kaming nag-date. Pinapakain ko siya lagi. Pinapaliguan pa. Naipakilala ko na din siya sa magulang ko at sa mga barkada ko. We had an almost 'imperfectly perfect' relationship back then.

But I guess some good things never last.

Sumuko kasi ako. Hindi ko kinaya ang sitwasyon. Dahil sa kahinaan ko, kinailangan kong iwan si Maningning at ipaubaya sa iba. Mas pinili kong umalis at mangibang-bansa.

Maningning, kung nasaan ka man, gusto kong malaman mo na sobrang minahal kita. Lagi ka pa ding nasa puso ko kahit magkalayo tayo. Sana nasa mabuti kang kalagayan kahit wala na ako sa tabi mo. Kung sino man ang nagmamay-ari ng puso mo ngayon, sana inaalagaan ka niya at minamahal nang higit pa sa ginawa ko. Hinding hindi kita makakalimutan, tandaan mo 'yan.

At isa pa, kahit na hindi pala brand-new Honda City 2006 Edition ang ibinigay sa akin nun, wala na akong pakialam. I'd learned to appreciate you for all your worth. You will always be my baby. My one true love.

Heto nga pala ang picture ni Maningning ko:

40 comments:

  1. naihampas mo o nabangga mo?? magkaiba yun. ahahah

    ReplyDelete
  2. Angganda naman ni maningning mo kabayan!

    ReplyDelete
  3. @ Ayz: Pareho lang 'yun sa aking pakiwari. Depende sa gamit ng salita. Hayaan mo maghahanap ako ng alternatibo kapag may naisip.

    Baka makita mo si Maningning 'pag nadaan ka sa Petron SLEX malapit naman kayo dun. Pakisabi naman miss ko na siya. Hehe.

    ReplyDelete
  4. @ Sam Juan: Aysows! Pareho kami ni Maningning. We look better in person. *LOLz*

    ReplyDelete
  5. hahaha alam kong kotse agad si maningning nung nasa 2nd paragraph na ako.. bili ka ng bago pag uwi.. yung kakambal ni maningning sa soap ni kristine hermosa.. si marikit.. marikit ba o mayumi.. basta alam ko hindi mahalay pangalan nun.. haha

    ReplyDelete
  6. maningning pala ha.

    kapangalan ng isang isla sa amin. tagal bago ko naalala kasi parang pamilyar sa akin ang pangalan na maningning.

    yon lang.

    ReplyDelete
  7. may duda akong iba na ang SINASAKYAN mo ngayon o may ibang SUMASAKAY na sau ngayon. hehehe

    anyhoo, hapi JOYRIDING!

    ReplyDelete
  8. ako wala akong balak i give up ang first true lab boyps ko. kahit luma na sya. kahit marami pa syang katuald. di ko sya ipagpapalit. saksi sya sa lahat ng mga kalokohan ko. at di nya ako pinabayaan kahit minsan. hindi nya ako pinahiya kahit kanino. nariyan sya pag kailangan ko sya. kahit minsan may pagkukulang ako sa kanya. andyan lang sya, mataimtim na nag hihintay sa akin na pansinin ko sya.
    kahit ilang boyps pa ang itukso sa akin ng tatay ko di ko sya kayang ipagpalit. mag dagdag ng boyps pwede pa.. pero ang iwan sya. di ko kakayanin.. lol.
    i love my college car soooooo much(well hs car na rin sya pala)

    ReplyDelete
  9. kala ko aso o pusa o ibon si maningning...

    -lyzius

    ReplyDelete
  10. HAHAHAHA!!! (kala ko kung anu na, ayus tong bog mo a)

    ReplyDelete
  11. ang lakas pala ni gasdude. bossing, taam si ayz magkaiba nga ang naihampas at naibangga.hahaha. kung naihampas mo, aba, superman ikaw ba yan?lols

    ndi pa ako nagkakotse sa tanagn buhay ko. ndi rin ako marunong magdrive. bike lang hahaha. (pero nagkasasakyan na din kami dati nung may kaya pa). for sure mapapalitan mo na yan ngayong mganda naman ang trabaho mo.

    ReplyDelete
  12. ang corny. pfft. sa sobrang curious ko kung sino si maningning, binasa ko agad yung dulo at nakita ang picture. nyehehehe.

    sabi na nga ba e. ikaw? nanghahampas ng babae sa gate? sus, insan. ikaw pa. babaero ka lang at malandi pero hindi mo magagawang manakit ng babae. alam mo namang lab na lab natin sila e, di ba? tingnan mo si insang RJ, mahal na mahal si carol nya. yan tayo.

    =))

    ReplyDelete
  13. sabi ko na nga ba, pareho talaga tayo ng mga tipo. mahilig ka talaga sa mga chubby.

    ReplyDelete
  14. ang ganda nga ni maningning...talaga namang kahit malaki, marikit pa rin hahaha

    ReplyDelete
  15. i knew it! sosyal namang sasakyan to, me friendster! don't tell me nag comment pa! he he

    ReplyDelete
  16. isa palang tsikot si maningning...

    maningning nga siya... hehe. ;)

    ReplyDelete
  17. sweet naman ni maningning.. may kambal ba yan dude?

    ReplyDelete
  18. @ Ferbert: Nyahaha! Nanonood ka pala dati ng Prinsesa ng Banyera. *LOLz*

    ReplyDelete
  19. @ Ponchong: Saang isla 'yan at nang mapuntahan? Hehehe.

    ReplyDelete
  20. @ Dam: Buti ka pa. Ako napunta lang sa 'ken si Maningning 'nung nagtatrabaho na ko.

    ReplyDelete
  21. @ Lyzius: Isa siyang... "DIYOSAHHH"

    *LOLz*

    ReplyDelete
  22. @ Popoy: Ayoko kasing gamitin 'yung salitang "naibangga" kasi mawawala 'yung suspense sa huli.

    Teka bakit ba ako nag-eexplain??? Ahahaha. BLOG KO 'TO!!! Hehehe. = P

    ReplyDelete
  23. @ Insan Jeck: Gagu! Hindi ako babaero! 'Wag mo 'kong itulad kay... (kilala mo na 'yun kung sino 'yun) Hehehe. = P

    ReplyDelete
  24. @ Insan RJ: Naunahan mo lang akong makilala si Bachoinkchoink. Nyahahaha! Joke lang Insan! = D

    ReplyDelete
  25. @ Onats: Ay sinabi mo. Marikit talaga 'yan. = D

    ReplyDelete
  26. @ R-yo: Nyahahahaha! Pucha natawa ako sa comment mo! *LOLz*

    ReplyDelete
  27. @ Joshmarie: Maningning. Walang kasing ningning.

    Nyahaha! Greenies! Bigla kong naalala 'yung "Ning Ning! Gas Dude!" *LOLz*

    ReplyDelete
  28. @ MTE: Hahaha! Ngayong naitanong mo ehehehe... MERON! Kaso nasa NLEX. *LOLz*

    ReplyDelete
  29. na mi miss ko din ang car ko...

    indi dahil wla na siya...

    yun ay dahil wala nman talaga akong car..

    kaya nakakamiss ang mag dream on..ahahahhaaa

    ilang babae a ba ang sinama mo dyan sa loob ah??hehhehe

    - Maldito

    ReplyDelete
  30. handa na akong magcomment na ang sama mo pala..nananakit ng babae...ehehhh

    ReplyDelete
  31. ayos... kala ko kung sino na si maning ning. hehehe!

    namiss ko din tuloy si moja ko.

    ReplyDelete
  32. Haha, akala ko totoo na. Yung kotse ko din pinangalanan ko. PAG ASA naman name nya kais sya lage ang pag asa ko kapag malelate na ko sa work. Bagay kaya si Manining st si Pag asa? Nyahaha!

    ReplyDelete
  33. You almost got me here bro!!! akala ko tlga may Maningning ka na di mo pinapakilala samin, aheheh!!!

    ReplyDelete
  34. HAY..buti naman ayos c maningning khit ginawa mo xang punching bag.. glossy pa rin..

    ReplyDelete
  35. wow.astig si manignning, makintab nga.haha

    ReplyDelete
  36. Siguro nalaspag na si Maningning dahil ikaw ba naman ang gumamit sa kanya eh... lolz...

    ReplyDelete
  37. haha! sabi ko na otohm0t0h eh! :p

    ReplyDelete
  38. haist! akala ko naman girlfriend mo yung msningning..kc naman pangalan ng babae kuya..hehehe..

    naloka ako sau kuya!heheh

    ReplyDelete