Saturday, October 4, 2008

Oktoberfest Experience in Singapore

Nainggit ako ng sobra.

Nabalitaan ko kasi na nagkaroon daw ng Oktoberfest for Bloggers na ginanap sa Mall of Asia sa Pilipinas kamakailan lang. Dinaluhan ito ng ilang kaibigang at kakilalang bloggers, at sabi nila, sobrang saya daw nito at madaming dumalo.

Kung nasa Pilipinas pa ako, nakapunta din siguro ako dito dahil ito 'yung mga tipo ng events na hinding-hindi ko pinalalagpas.

Dahil sa inggit, naghanap na lang din ako ng Oktoberfest dito sa Singapore para naman hindi ako masyadong malungkot. And boy, I got sooo lucky! My German boss got an extra ticket for Oktoberfest at The Swiss Club, which is actually our company's treat for one of our clients. Hindi talaga ako kasama sa original plan na pupunta dahil hindi naman ako 'yung nagha-handle ng account. Pero dahil nagkaroon ng emergency ang isa kong boss at kailangan niyang lumipad patungong India, I luckily got his slot! Woot woot! Oktoberfest here in Singapore was a blast! And I got wasted big time! Buti nga at nakauwi pa ako ng maayos that particular Thursday night, at nagawa ko pang ihatid ang isang colleague sa kanila dahil mas hindi niya kinaya ang tama ng German wheat beer na ininom namin, ang ERDINGER Weissbier. = D

Overflowing booze + Great Food + Hot Chicks + Lots'a Singing + Lots'a Clapping + Choo Choo Train = Great Life! Happiness! Fun!





23 comments:

  1. ang ganda naman nung beer... tapos umaapaw ang food... at syempre ang sarap nung hot chicks...

    amf.. nalasing yata ako sa kwento mo.. nagkabali-baligtad na...

    nakikidapo sa blog mo... hehe

    ReplyDelete
  2. parang ang saya nga diyan ah!

    ReplyDelete
  3. insan, sigurado ka bang sa kwarto mo ikaw naderecho kagabi nung lasing ka kamo? hek hek hek. hi jing! =D

    ReplyDelete
  4. @RJ, hindi sya sa kwarto nya dumiretso nung gabi, kundi sa sahig sa salas namin...

    wahaha...

    gasul, bakit hindi mo nilagay ang resulta ng oktoberfest mo???? nyahahaha...yung kwento ng bag, ng susi, at ang walang humpay na paglilitanya mo ng:

    "Shet! Ayaw ko ng nararamdaman ko!"

    Wahahahaha....

    -lyzius-

    ReplyDelete
  5. hindi pa nasasayaran ng german wheat beer tong lalamunan ko ha ha puro na lang gold eagle ha ha ha

    ReplyDelete
  6. RAWRRRRRRR!!

    chinky eyed chicks! shet! im in love!

    magaganda din naman yung mga san miguel beer girs nung bloggers oktoberfest.. tawag nga nila sakin NICE LEGS kala ko nga nung una Eggs yun eh.. Legs pala kase nakasuot ako ng statement shirt patungkol sa legs..

    mas masaya ang libreng oktoberfest!weeee

    ReplyDelete
  7. natawa naman ako sa comment ni lyzius.. ahahha :D

    ahahhaa.. si alex, naka pormal! e kami dito, pabarubalan ng hitsura, si rens nga galing pang school. hahaha


    nalasing o naglasing?? *sipol* *tingin sa taas* ahihih

    ReplyDelete
  8. naks naman... dito tapos na ang oktuberfest pero di ako nakadalo para sa mga bloggers.

    ReplyDelete
  9. whoah nasa Singapore ka pala...sosyal naman tsong ng beer niyo, German wheat beer...dito kasi MAtador lang oks na hahahaha

    ingats sa singapore!

    ---------------

    salamat pala sa comment mo, oo nga hanggang ngayon natatawa pa rin ako sa casket na gagawing cabinet hahaha

    ReplyDelete
  10. huwaw, may bago ka ng quotable quote???

    nde na "what's not to like", naging "ayaw ko ng nararamdaman ko!!!"

    wahahahaha...

    ReplyDelete
  11. @ Vhonne: Nyahaha! Dapat ata beer 'yung umaapaw. *LOLz* Salamat sa pagbisita.

    ReplyDelete
  12. @ Antuken: Masaya talaga! Kelan ka na punta dito?

    ReplyDelete
  13. @ Insan RJ: Kahit lasing ako hindi ko pag-iinteresan si Lyzius! HINDE! Hehehe. Peace tayo Jing! *LOLz*

    ReplyDelete
  14. @ Lyzius: Sheeessshhh 'wag ka maingay! Andaldal mo! >= C

    ReplyDelete
  15. @ Rommel: Oo nga masarap ang beer! Hehehe. = D

    ReplyDelete
  16. @ Abou: Gold Eagle??? Meron pa ba nun??? Nyahahaha!!! *LOLz*

    ReplyDelete
  17. @ FerBert: May point ka dyan! Hindi libre 'yung Oktoberfest na pinuntahan ko dito. Medyo me kamahalan at 65 SGD pero OK lang, hindi naman ako ang nagbayad. Hehehe. = D

    ReplyDelete
  18. @ Ayz: Nang-iintriga ka na naman! Ikaw kaya intrigahin ko. Hahaha! Mishu! Mwah! = *

    ReplyDelete
  19. @ Mhar: Kung nandyan lang talaga ako, nakadalo siguro ako. Balita ko kakaiba pa 'yung beer na sinerve. Iba ang labeling, made exclusively for Oktoberfest.

    ReplyDelete
  20. @ Onats: Parekoy, langya ka pinaalala mo pa sa 'kin ang mahal kong GranMa. Wala kasing GranMa dito. Ayan nasesenti na naman ako! Ahuhuhu.

    ReplyDelete
  21. @ Lethalverses: Nyahahaha! Kaya ko sinabi 'yang linyang 'yan kasi hindi ko maisuka 'yung ininom at kinain ko kahit sundutin ko lalamunan ko. Ansama kasi ng amats ko talaga nun. Haha nag-explain daw ba talaga? *LOLz*

    Hoy, hindi mo nipo-promote pa-contest naten! Hmpf!

    ReplyDelete
  22. tsk! inggit naman ako sa hawak mong dambuhalang beer mug. lols. talaga palang bumabaha din ng beer jan. da best! woot!

    ReplyDelete