Sunday, October 12, 2008

Opportunity Knocks But Once

Nagulantang ako isang umaga dahil sa isang balita.

Hindi ko pa puwedeng sabihin dito in full details, pero na-excite ako sobra. Hindi ko kasi akalain sa buong buhay ko na may darating na ganitong oportunidad.

Alam kong marami sa mga kaibigan at kakilala ko ang naghahangad nito. Sabi nga ng isa, pangarap daw niya ito dati pa. Kaya nga nakakagulat. I've never really perceived myself as someone with the same level of skills and talent as theirs. It all started as a therapy, para lang maka-cope up ako sa hardships at depression na dinaranas ko dati. Inisip ko dapat sa kanila ito, hindi sa akin. Hindi ito false humility, pero wala lang, alam ko lang talaga na hindi ako ganun kagaling at kalufet pagdating dito.

Pero tinanong ako ng isang kaibigan.

“Ayaw mo?”

“Ah eh hmmm... eh kasi...”

“Ayaw mo ba?”

“Hmmm... gusto.”

“Ayun naman pala eh. Opportunity knocks but once.”


Pinaalala na naman sa akin ang laging isinasaksak ng boss ko dati sa utak ko. “Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan.”

OK fine.

Oo na, tatanggapin ko na. Sana lang talaga kayanin ko, with God’s help of course.
Kaya baka hindi na ako makapag-blog masyado dahil magiging sobrang busy na ako ngayon.

13 comments:

  1. you're good at what you do, crazz. actually, you're better than good. i;m so happy for you. at kahit na inggit na inggit ako eh gusto pa rin kita i-wish ng malaking malaking good luck!

    i believe in you. i believe in the things that you can do. i also believe that you are destined for greatness -- because for someone as special as you are, you deserve nothing less.

    take care, my S.O. =)

    ReplyDelete
  2. o sige.

    congrats!

    at wag mong kalimutang sabihin sa akin pag meron na dahil kukuha talaga ako ng kopya. ha haha!

    goodluck!

    dagdagan mo na yung size 10 ko. hmmm... pwede na sa akin yung keychain ng merlion. :D

    ReplyDelete
  3. Whatever it is, I know u deserve it! Good people, deserve to have the good things in life!

    ReplyDelete
  4. oo nga dapat sabihin mo kung anong araw sya lalabas para paabangin ko na rin kapatid ko..at ipamamalita nya ng bonggang bongga sa upisina nila na...

    kasama sa bahay ng kapatid ko ang taong ito!

    naks!

    ReplyDelete
  5. ahahaha. nauntog ka na din GD.

    sabi ko na hindi mo mahihindian si Carmen Soo. yehey!!!

    Goodluck

    ReplyDelete
  6. congrats insan! masaya ako sa mga nagiging achievements mo. you deserve it, you deserve to be happy.

    balitaan mo na lang ako kung kailan lalabas. pag kailangan mo ng tulong sa editing, dito lang ako. hehehe.

    ad majorem dei gloriam! w00t!

    ReplyDelete
  7. congrats papa! proud ang lashing heroes at greenies sa panibagong chapter ng buhay mong ito. wag mo lang kalilimutan iyong rubber shoes na pasalubong ko ah? kelan ba para maabangan ko to?

    ReplyDelete
  8. nyay...o cge...congrats na...yahoo!!gets ko na..lols.

    congrats insan..


    lols@ jeck.

    ReplyDelete
  9. uuuy! magiging kolumnista na siya. galing naman.

    please do update us on the details. at least, ngayon pa lang me captive readers ka na. (he he, parang ang galing ko manghula no?)

    ReplyDelete
  10. Kelan nga ba to bossing? Makapagpareserba nga ng kopya nito, kahit saan pa to lumabas, haha.

    Congrats boss GD! Galingan mo pa lalo! Mabuheeeey ang Pinoy! Ahihi!

    -M

    ReplyDelete
  11. sus ka! kaya mo yan parekoy! magtiwala ka lang sa sarili mo. whatever that is, gud lak na lang sayo. hehe

    ReplyDelete
  12. Mabuhay, galing galing!

    Ganyang talaga ang buhay, lalo na kung pinagpala ka ng Poong Maykapal. Deo Gratias.

    Congratulations for the opportunity. Grab it by the horns,
    grab it by dude! Saka ibalibag
    ng husto ... Tsaka tumbahin ...
    Saka enjoy.

    (Bakit kaya Poon na Maykapal ang tawag natin sa Panginoon? Dahil makapal ang kanyang biyayang binibigay sa mga pinagpala, tulad mo, tulad natin, tulad ninyo...)

    Annyong haseyo!

    Matutuloy lakad ko sa Oct 22 sa ASEAN HR Summit sa Shangrila Singapore. Libre ako mga 6 pm na.
    Pwede na maglakwatsa. Kahit isang beer lang. Do you like kimchi? Ginseng tea?

    Paano naman kita makokontak?

    Baka pwede mo ko email: nonoygeron@yahoo.com

    Mura ba mga laptop sa Singapore?
    Yung pwede may Chinese Korean Japanese characters na keyboard?


    NONOY sa Seoul Korea
    +82 10 3667 1829 di ko segurado
    kung pwede magroaming ito sa
    Singapore pero try ko

    ReplyDelete