Tuesday, October 28, 2008

Red Stiletto

Bago ang lahat, gusto ko muna sanang humingi ng paumanhin at pagpapasensiya sa isang taong masugid na tagabasa ng aking blog. Tawagin na lamang natin siya sa pangalang Doc Nonoy.

Isang professor sa Korea si Doc Nonoy. Nagtrabaho dati sa ASEAN bilang consultant. Expert pagdating sa Human Resources at Labor Relations. Maituturing siyang isang OFW dahil nagpapakahirap din siyang magtrabaho sa isang banyagang bansa parang lamang maitaguyod ang naiwang asawa at mga anak sa Pilipinas.

Hindi blogger si Doc Nonoy, pero sa pakiwari ko, nagbabasa din siya ng mga blogs. Minsan siyang naligaw sa aking bahay sa blogosperyo, at mula noon ay madalas na siyang bumibisita. Noong una ay hindi talaga ako makapaniwala na ang isang tulad niya ay mag-aaksaya ng oras at panahon para lamang basahin ang mga walang kakuwenta-kuwenta kong isinusulat. Minsan ko na ring naka-chat si Doc Nonoy sa Yahoo Messenger.

Noong nakaraang linggo, pumunta si Doc Nonoy dito sa Singapore para sa isang ASEAN HR Summit na ginanap sa Shangri-La Hotel kung saan isa siya sa mga naging speakers. Kinontact niya ako. Gusto daw niya akong makita at makilala ng personal.

Pero ang pagkikitang ito ay hindi nangyari. Nakabalik na ulit si Doc Nonoy sa Korea.

Ayoko na sanang magpaliwanag at magbigay ng maraming detalye (dahil wala naman ako sa presinto), pero tulad ng nasabi ko nung una, gusto kong humingi ng paumanhin at pagpapasensiya kay Doc Nonoy.

Doc Nonoy, malaki ang naging panghihinayang ko dahil hindi tayo nagkita at nagkakilala ng personal kahit saglit lang. Alam ko kasing marami din akong matututunan sa ‘yo dahil pareho tayo ng linya ng tinatahak. Nawa’y mabigyan pa ulit tayo ng isa pang pagkakataon sa hinaharap.

At nawa’y patuloy ka pa ding bumisita sa munti kong bahay dito sa blogosperyo.

Saludo ako sa ‘yo, Doc Nonoy. Mabuhay ka.


**********

On a lighter side naman.

Kaninang umaga habang papunta ako sa opisina namin, nakasabay ko na naman ang isang magandang dilag sa bus na sinasakyan ko sa may Jurong East.

Pangalawang beses ko na siyang nakita kanina. Mukha siyang Malay (Carmen Soo? *LOLz*). Tatawagin ko siya sa pangalang “Red Stiletto” (Kaano-ano kaya niya si "Red Kamison"? *LOLz*)

Kukuhanan ko sana siya ng picture ng patago, kahit man lang ang kanyang red stilettos na sobrang taas ang mga takong (at talaga namang mukhang nakamamatay), pero baka may makakita sa 'kin sa bus. Paghinalaan pa akong manyak at maisumbong akong bigla sa pulis. Wala akong balak makulong sa Changi Prison tulad ni Aling Flor. *LOLz*

Para kay Red Stiletto, crazz na kita simula ngayon kahit mukha kang masungit. Sana naman makasabay kita lagi sa bus, para naman laging maganda ang simula ng araw ko.

23 comments:

  1. nakalabas bang cleavage ni red stiletto? dami kasi sa singapore nyan lalo sa mga trains. hehehe.

    hula ko hindi siguro, kasi magandang mukha ang nakita mo at hindi ang cleavage eh. hahaha!

    ReplyDelete
  2. yuuuun. kaya pala jerjer, dahil kay red stiletto! ahahahahhaha!

    ReplyDelete
  3. @ Insan RJ: Napaghahalata ang pagiging manyak mo. Hindi ko priority ang kita ang cleavage. Pero kung kita man, who am I to resist? Nyahaha. *LOLz*

    ReplyDelete
  4. @ Cha: Ilibre mo na 'ko!!! Hehe. Sana matanggap ka na sa trabaho.

    ReplyDelete
  5. sayang naman at hindi kayo nagkita ni doc nonoy...may nekstaym pa naman..


    naku po. buhay na naman ang LANDITECTOR ni GD.
    hahahaha

    uyyy may inspirasyon. at kamukha ni Carmen Soo? hindi nga?

    ReplyDelete
  6. ihanda ang kontrata. pag wala yun, wala akong babayaran pag nagkataon, nyahahahahaha!

    ReplyDelete
  7. At kaano ano rin kaya sya ni Red Tide? Haha. Nacurious ako dun sa Doc Nonoy. Sana mapadpad din sya sa bahay ko.

    ReplyDelete
  8. kandirit! kandirit!

    huli man daw at magaling..may bukas pa din!

    nakiusyoso lang!

    ReplyDelete
  9. lagot ka di ka nakipagkita.. haha.. di ka naman anonymous blogger tulad ko ah.. haha

    malandi ka! sya din si red mestruation pag sumasapit ang gabi.. haha

    ReplyDelete
  10. nakanaman. mukhang may namumuong pagnanasa ka insan ah. maganda siguro kung magsuot ka rin ng pula pag papasok ka sa trabaho. pwedeng red socks, red tie, red shoes o kahit anong pwedeng red para mapartneran mo si red stiletto. malay mo mapansin ka rin. sabihin mo bagay kayo. hehe

    sana may improvement sa mga darating na post tungkol kay lady in red.

    ReplyDelete
  11. wow nasa SG rin ka pala itong blogger na ito!

    Anyway, ingat ingat sa mga naka red stiletto na yan... baka mala ferbert lang yan na nagpapanggap! wahahahahahaha

    ReplyDelete
  12. hahaha. sige kunan mo ng pic. :) namimiss ko na magstilleteo. yan, may dahilan ka na para maexcite kapag sasakay ng bus. hahanapin mo si miss red stilleto. ;)

    ReplyDelete
  13. ayun at may krasnes/love interest ka na pala jan parekoy. ayeee! i-todo mo na pagstalk mo dun at kunan mo ng pechur tas post mo dito para makita namin.lols

    “Red Stiletto” (Kaano-ano kaya niya si "Red Kamison"? -->haha. magpinsan siguro sila. lols

    ReplyDelete
  14. naku.. naintriga ako kay doc nonoy. Alam mo may isang tao din na hindi blogger na ganun sakin, parating nagbabasa pero hindi ko kilala. wala kasing blog. hay...

    para naman kay red stilettos, crass mo ba? naku, bumalik ka sa pagka-elementray a! xoxo

    ang talas ng tip ng sapatos, parang kapag tinadyakan ka e... para kang sinaksak ng ice pick! madugo! pulang pula kakulay ng sapatos! hehehe

    ReplyDelete
  15. @ Popoy: Hindi naman kamukha ni Carmen Soo. Pareho lang silang mukhang Malay. Hehe. = D

    ReplyDelete
  16. @ Cha: Mahal ang referral fee ko. Ihanda mo na ang sweldo mo. *LOLz*

    ReplyDelete
  17. @ Kirksydney: Baka pinsan. Nyahahaha! = P

    ReplyDelete
  18. @ Pokwang: Salamat sa pagbisita. Ingat sa pagkandirit. Hehe. = D

    ReplyDelete
  19. @ Ferbert: Paraho lang tayo gago! Ahaha! = P

    ReplyDelete
  20. @ Insan Jeck: Baka naman masuwag na kami ng kalabaw kapag nag-pula pa ko. Hahaha. = P

    ReplyDelete
  21. @ Umleo23: Nyahahaha ampucha! Na-imagine si Ferbert na naka-red stiletto! *LOLz*

    ReplyDelete
  22. @ Joshmarie: Hindi ko siya nakita kaninang umaga. *hikbi*

    ReplyDelete
  23. @ Ron Turon: Oo Pards, mukha talagang deadly weapon ang mga takong ng sapatos niya. Pero isipin mo ding ayus na fantasy din 'yung wala siyang suot kundi red stilettos...

    Oops... R-18 muna po ang blog ko. *LOLz*

    ReplyDelete