Monday, October 6, 2008

Usapang Yosi


Alam niyo ba kung magkano ang isang kahang yosi dito sa Singapore?

10–13 Singapore Dollars. Depende sa brand. Base sa palitan ngayong araw na ito, ito’y tumataginting na 324-421 Philippine Pesos lang naman kada isang kaha! ISANG KAHA ‘yun ha, hindi isang ream.

Mapapamura ka sa mahal, 'di ba? *LOLz*

Kanina bumaba ako sa building namin para bumili ng yosi kasi naubusan na ako ng supply. Nakakita ako ng bago. Ang Dunhill Ultimate. Kulay white ang pakete. Pure na pure ang dating. Pinakuha ko ang tindera ng isang kaha. Sinuri ko ang kaibahan sa ibang yosi. Huwaw! 1MG Tar, 0.1 MG Nicotine per cigarette ang Dunhill Ultimate. Kung ano ang ibig sabihin nun eh hindi ko alam. *LOLz*



Hindi naman talaga ako nagyoyosi dati. Nagsimula lang ako 3-4 years ago dahil na din sa impluwensiya ng ibang kaibigan. Dati isinusumpa ko pa ang amoy ng usok ng sigarilyo. Hindi kasi ako makahinga kapag nakakalanghap ako nito. Turn-off din sa ‘kin dati ang mga babaeng nagyoyosi.

Pero ngayon iba na. Nagyoyosi na din ako.

Hindi naman ako addicted sa sigarilyo. That I’m still proud to say. Umaabot ata sa akin ng 3-4 weeks ang isang kaha dati. Mas malakas pa akong manigarilyo ngayon kung kelan mas mahal ito dito kesa sa Pinas. Maniwala man kayo o hindi pero nakaka-tatlong stick lang ako ngayon sa isang araw. Minsan nga isa o dalawa lang.

I’m more of a social smoker. Dito kasi sa opisina meron ding tambayan ang mga empleyado kapag yosi break. Siyempre bilang pinakabago sa grupo, kailangan kong makisama at nakiki-yosi break na din ako kahit madami pang trabaho. Ito din kasi ‘yung konting oras na ginugugol namin para makapag-relax, makapag-kuwentuhan at chikahan, at makasagap ng latest chismis. Bonding time na ding maituturing ito with my colleagues.

Pero kung iisipin ko ulit, shyet na malagket! Ang mura mura lang ng yosi sa Pinas! Puwede ka pang bumili ng tingi lang. Limang piso ang tatlong stick ng Winston sa tindahan ni Aling Upeng.

Pfffttt. Lumalabas na naman ang pagkakuripot ko.

Anyways, may nadiskubre akong alternatibo. Meron palang electric-powered cigarettes na nabibili daw sa Hong Kong. Vapor lang ang usok, at walang kasamang tar & nicotine na nakaka-cancer. Hindi pa mabaho sa kamay at bibig.


Malapit na ang Pasko. Mahahalikan talaga kita kapag ito ang iniregalo mo sa ‘kin. Hehehe.

24 comments:

  1. ayus yan...kapag niregaluhan ka nung kung sino man yan, aba eh pa-puff na rin...para wala ako makuhang cancer...ako na lang indi nagyoyosi dito sa bahay....

    kelangan magpraktis na rin ako...

    -lyzius

    ReplyDelete
  2. hahaha... Tama lang yan para sa mga gustong mag-quit ng smoking... Kasi sa sobrang mahal nya, no choice ka kundi magbawas hanggang sa maitigil mo na...

    Sobrang naglalaway na ko nung nagpunta ako dyan, dahil walang mga tingi gaya dito sa pinas... hehehe...

    ReplyDelete
  3. pasalubong naman ng ganyan papa! dali na! ahihi!!!

    ReplyDelete
  4. for some reason na amaze ako sa NicStick Kit na yan.

    I don't smoke pero I'm happy for you, smokers na meron na ganto,

    Dahil na kyuryus ako, eto nakita ko:

    http://news.softpedia.com/news/NicStic-Kit-a-battery-powered-smokeless-cigarette-49591.shtml

    ReplyDelete
  5. dapat ganyan din kamahal ang yosi kahit sa pilipinas para mabawasan ang mga nagyoyosi.

    siguro dadami din ang holdapan at nakawan.

    ReplyDelete
  6. isulong ang pagtaas ng TAX para sa ALAK at sigarilyo!!!! (ah sa sigarilyo lang pala)

    mahal yan kasi mataas ang tax na pinapataw. ano bang tawag sa tax na yun?lols. basta yun na yun. ayoko ng yosi. kawawa naman ako kapag kasama ko ang mga greenies na malakas magyosi.huhuhu. sekand smoker ba ang tawag dun?

    ReplyDelete
  7. nakupo! di pala ako pwede diyan. nagyoyosi lang kasi ako pag me mahihingan. he he. ayoko bumili ng sarili ko dahil di ko naman nauubos ang isang pakete. social smoker lang din ako: nadevelop sa law school. :-)

    kaya nga dapat na talagang taasan ang tax ng yosi sa pinas. sigurado namang di pa rin aatras ang mga nagbibisyo. sobrang mura sa atin. dito, mga P130.oo isang pakete.

    ReplyDelete
  8. ang mahal ng yosi. allowance ko na ng isang buwan yun ah, hahaha.

    ok sana yung electric powered yosi kaso nga lang naisip ko, pwede mang maki-puff sa gaget na yan eh hindi naman pwede yung style ng mga pinoy na "pre 50 nga tayo!"

    hallleeeer?!?!?!?!

    HAHAHAHAHA!

    ReplyDelete
  9. dito sa trabaho kong tumataginting ang stress, pressure at kawalan ng tulog...lahat na ata sila nagyoyosi na, ako nalang ata ang hindi hahaha

    alak lang talaga ang bisyo ko. haha

    ReplyDelete
  10. ayos to crazz ah!! makahanap nga neto. para makakiss ako syo! hahahahaha!!!!

    dito din mahal ang yosi pero stressed lang talaga kaya parte na ng pang araw araw na buhay ang yosi.

    ReplyDelete
  11. kung anjan ka pa sa singapore next year, around april or may...dadalhan kita ng sangkatutak na yosi...

    haha.

    ReplyDelete
  12. Sanafagan... sa halagang yan eh makakabili na siguro ako ng kalahating ream...

    Kaya pala malaking pasasalamat ng pinsan ko nung dinalhan namin siya ng 3 packs...

    God Bless da peylepeyns!!!

    ReplyDelete
  13. Ei dude,

    May alok akong raket sa 'yo. Would you consider writing for a new dyaryo? I liked your style sa mga kwentong abroad, I recommended you to my ed-in-chief.

    Please check your email dear, for the details. Naks, pag sa jaryo, columnist daw ang title, hindi na blogger hehe.

    ellababes

    ReplyDelete
  14. asus kamahal ng ayosi jan. naalala ko pinupulot ko nalang yung pinag-upusan ng iba para makahitit. lolz :)

    ReplyDelete
  15. naku naman! matagal ko nang itinigil ang paninigarilyo at ngaun eh patikim-tikim na lang. pero parang ok nga yang dunhill na yan. magdala ka naman parekoy pag-uwi mo.lols.

    ReplyDelete
  16. at naging mr. anonymous pa ko sa last comment.

    ReplyDelete
  17. alam ko yang dunhill na yan...
    i used to buy din nyan kaso hindi ganyan kamahal coz sa mideast e 6 riyals lang yan. around 70-75 pesos. laki ng pinagkaiba no? hehe

    hindi naman ultimate yan dati,
    dunhill 1mg dati yung packaging nyan alam ko yan yung pinakamalakas ng dunhill at kung titignan mo yung filter nyan e tadtad ng butas! hahahaha

    nakakahilo kasi tlga. hehe

    ReplyDelete
  18. naghanap ako ng dunhill kanina..wala akong makita...hu hu hu...

    kaya eto nalang tagtyatyaga sa mild seven..

    ang mahal mahal naman diyan!!!balik ka na dito sa pinas...yosi tayu..ahahah

    -maldito

    ReplyDelete
  19. aba. nakaka sosyal pala ang pagbili ng yosi dyan kasi mahal!

    dapat lahat ng adik sa yosi dito sa pinas ipadala lahat dyan!

    ReplyDelete
  20. gusto ko din nun! sana may magregalo din sa akin nun.

    gusto ko yun para hindi ko na kailangang mag-quit sa yosi. ehehe

    ReplyDelete
  21. ayos...

    ayos na invention un a!




    wow ang mahal naman jan.


    d ako smoker e... oP nGa ako pag nagsosmoke na silang lahat e

    ReplyDelete
  22. naks naman, ayos na ayos nga yan ngayong darating na pasko. hehehe

    ReplyDelete
  23. Napayosi ako sa kwento mo ah. Parang gusto ko tuloy maghanap ng Dunhill Ultimate.

    Bakit kaya wala pa niyan dito no?

    Yaan mo boss GD, kapag nagbakasyon ka dito, ikaw ang reregaluhan ko ng yosi. Isiksik mo sa lahat ng singit ng bag mo para makapagdala ka diyan.

    -M

    ReplyDelete