Monday, October 20, 2008

Steaks and Jump Shots


Hindi ibig sabihin na mukha akong masaya dito eh talagang masaya ako.

Inaamin ko nitong mga nakaraang araw, hindi naging madali para sa akin ang mga balita’t pangyayari. Madami akong naiisip na hindi maganda. Madami akong nagiging agam-agam. Halu-halong emosyon. May takot. May lungkot. May pangamba.

Hindi pala talaga madali ang buhay ng isang OFW.

Pero sa mga ganitong panahon, malaki ang naitutulong talaga ng pagkakaroon ng mga kaibigan. Sila ‘yung nand’yan para aliwin ka at tulungang makalimot sa kahit ano mang problema meron ka. Sila ‘yung pansamantalang pumapawi ng pangungulila sa pamilya kahit papaano. Sila ‘yung laging handang magbigay ng suporta at pagdamay, kahit na wala naman talaga silang alam sa mga nagpapagulo ng isip mo at nagpapabaliw sa ‘yo.

Mabait pa din talaga ang Diyos. Hindi pa din niya ako pinapabayaan. Madami pa din akong biyaya kung tutuusin.

Nakatulong ang pagsimba ko kanina. Makahulugan para sa akin ang naging sermon ng pari. Ano nga ba ang obsesyon ko sa buhay ko?

Nakatulong din ang panlilibre kanina ni Insan Miko sa Jack's Place dahil bertday niya. Woot woot!

Salamat Insan. Sana bertday mo everyday para araw-araw din kaming nakakakain ng steak. Hehehe. = P








18 comments:

  1. nakidaan..nakibasa..naki usyoso!

    iparehab mo na yang mga kasama mo sa pagiging adik sa kakalukso..kinarir na eh!

    cheer up..mas marami pang tao ang mas matindi ang sadness na nararamdaman..isipin mo na lang lagi na sisiw lang yan=)

    ReplyDelete
  2. napakamakabagbag damdamin ng intro dude. muntik na kong maluha. natigil lang nung makita ko mga picture, ahahahaaha. at nakiki-comment na din ako, dati tagabasa lang. improving!

    ReplyDelete
  3. calling the attention of nanay at kyin...

    kumpleto pamilya na ang commenter mo dude...

    bwahahahahaha...

    kung sa tingin mo mabigat na ang pakiramdam mo, isipin mo lang...malapit na tayong maging magsingtimbang...wahahahahahaha...

    siryusli...ang gagawin ko na lang obsesyon ko sa buhay ay bigyang kasiyahan ka sa buhay....

    BWAHAHAHAHAHA...

    tingnan mo na lang ako lagi pag namru-mrublema ka... na mas mahirap maging Josa...

    Dude, at least nayun me JUMP SHOT ka na!

    -lyzius

    ReplyDelete
  4. ang taba talaga ni lyzius ano? haha

    ReplyDelete
  5. ang saya saya niyo naman diyan.

    sabagay, nasa tao naman yun kung paano niya ihahandle ang lungkot. ako, pag di nasa videoke, bahay lang. tv marathon.. :-)

    ReplyDelete
  6. nakupo naman!

    anjan na naman ang panget!

    ReplyDelete
  7. ang saya ng jumpshot. hahaha.

    ayos!

    ReplyDelete
  8. mahilig ka sa talon gas dude.

    man on top ka!

    wehehehehe!

    ReplyDelete
  9. napakaemo ng panimulang talata...

    nagpapanggap lang din akong masaya minsan.. nakasuot ng maskara.. pero sa likod nun lumuluha.. hahaha

    anw hindi ko pa natratry yang jump shot na yan eh kahit usong uso sya.. ang totoo di ko pa natratry kung kaya ko ngang tumalon.. hahaha

    ReplyDelete
  10. kuya, ampunin mo na ko jan para maging masaya ka talaga! hehehe. gusto ko na umalis dito! -eLai-

    ReplyDelete
  11. ang kyut nung pics na tumatalon... ;)

    ReplyDelete
  12. kung ano ma yang bumabagabag sayo, makakayanan mo rin yan. at para akong matino kung magpayo eh no. lols

    cge, tanong na lang ako - di ba kayo napagod sa kaka-talon? lols

    ReplyDelete
  13. insan, wag kang magalala at hindi naman halatang homesick ka eh. hahaha! =D

    ReplyDelete
  14. Ang kukulit nyo sa pic ah, buti hindi kayo namultahan... hehehe

    ReplyDelete
  15. Madami akong nagiging agam-agam. Halu-halong emosyon. May takot. May lungkot. May pangamba.

    lahat naman tayo nagdadaan jan. e ano bang silbi ng kaibigan? pamilya? karelasyon? kalaguyo? matrona? nyahahaha...di ba?

    ReplyDelete
  16. napuna ko lang...magkamukha...

    si lyzius...

    at isang babae...


    teka san dyan si lyzius?

    ahahahhaha

    - Maldito

    ReplyDelete
  17. maldito, kapatid ko yun...ako yung pinakamaganda...

    -lyzius

    ReplyDelete
  18. gusto kong gumawa ng isang jumpshot na malungkot. maiba naman.

    ReplyDelete