Friday, November 7, 2008

Butas Dila


Tongue piercing.

Isa ito sa mga proyektong binabalak kong gawin by next year. Wala lang, gusto ko lang. Naiinggit kasi ako sa kaibigan kong si Kurt. Para kasing ang cool ng dating. At oo, inggitero ako. *LOLz*

Masakit daw sa una. Butasan ba naman kasi ang dila mo. Hindi ka daw makakakain ng maayos sa simula. Yes! Papayat na din ako! *LOLz*

Saka ayun sa aking research, iba daw ang sensation na naibibigay mo kapag nakikipag-French kissing ka (and other so-called 'activities') while you have a stud in your tongue. ‘Yun ‘yun eh! Haha. Rawr.

Sana lang eh ‘wag malaman ng Nanay ko ang tungkol sa binabalak ko. Alam kong magagalit ‘yun.

Ano? Sama ka? (Hindi sa French kissing ha. *LOLz*)

26 comments:

  1. susumbong kita kay tita! bwahahaha!

    ako, gsuto kong magpa-tattoo. yung gaya kay GP sa likod ng back nya. lols

    ReplyDelete
  2. susumbong kita!!! hehehe. -eLai-

    ReplyDelete
  3. gusto mo yan kuya? wag na lang. hehe. nakialam!

    --
    kaw ah lagi mo akong iniintriga sa pag-ibig. hehe. yaan mo pag nagkalakas ako ng loob magpopost ako ng katangahan sa pag-ibig. hehe. :)

    ReplyDelete
  4. gusto ko sana sa nipples magpabutas. ano naman kaya ang sensation na maibibigay nun pag dun ako nagpabutas? lolz

    ReplyDelete
  5. butt cheeks piercing uso ngayon!

    takot ako sa matutulis na bagay, kaya pass ako sa ganyang trip.

    hehehe

    ReplyDelete
  6. weh meron akong tounge piercing at yung latest ko sa nose...

    ahihihihi...

    me lip ring pa ako nung araw (kalbo days of my life), pero it seems nagsara na ata...pero yung sa tounge alam ko meron pa...

    regarding sa sensation ng mga activities...ahhh,,, wala pa akong jowa nung nagpaganun ako eh...

    try ko nga minsan kung trulalu...

    -lyzius

    ReplyDelete
  7. pageksperimentuhan mo muna kaya yung dila ng baka habang kumakain ka ng lugaw.

    lagyan mo ng hikaw yun lenggua tapos laruin mo ng dila mo tignan mo kung masarap nga.

    bwahahaha!

    ReplyDelete
  8. wala akong piercing sa kahit anong parte ng katawan..

    naaalala ko kasi ang sabi ni mama"kung magpapahikaw ka, kalimutan mo ng nanay mo ko!"

    huwaw! sabihan ka ba naman ng ganun e hindi ka manganga di ba?
    hehehehehe

    *****

    inggitero ka pala ha! ayos! pareho na tayo! hahahahaha

    ReplyDelete
  9. @ Insan Jeck: Gusto ko din magpa-tattoo. Pero maliit lang. Baka hindi ko kayanin ang sakit eh. = P

    ReplyDelete
  10. @ Insan Elai: Wala kang pasalubong. Hmpf. = P

    ReplyDelete
  11. @ Joshmarie: Gusto ko talaga. Pero di ko alam pa kung kakayanin ko. Mukhang masakit kasi eh.

    ReplyDelete
  12. @ Yods: Ayoko sa nipples! Baka me biglang mang-trip sa 'ken biglang hilahin 'yung hikaw. Ouch!

    ReplyDelete
  13. @ Taps: Butt cheeks? Pucha ngayon ko lang narinig 'yun ah. Pa'no 'yun?

    ReplyDelete
  14. @ Lyzius: Wrong timing ang tongue pierce mo. Walang kuwenta. Ahahaha. = P

    ReplyDelete
  15. @ Insan RJ: Ampucha! 'Pag tinopak ako sige gagawin ko 'yan. *LOLz*

    ReplyDelete
  16. @ Ron Turon: Lagot talaga ako sa Nanay ko kapag nalaman niyang magpapabutas ako ng dila. Bakit? Inggitero ka din? *LOLz*

    ReplyDelete
  17. gusto ko din nyan dati...kaso yun nga lang masakit daw at di makakain..pero may tats ako,tatlo! hihihi..kinaya ang tats ang butas hindi!

    ReplyDelete
  18. pustahan...singko tamang piso...hindi matutuloy yung plano mo next year...peace out nyahaha

    ReplyDelete
  19. matagal ko nang gustong magpabutas ulit sa tenga. ewan, simula pa last year, un na ung gusto kong gawin. hehe. hanggang walang nangyayari. :P alam ko kasing papatayin ako ng tatay ko kapag ginawa ko un..

    umm, sana lang di nababasa ng nanay mo ito blog mo kuya :)

    ReplyDelete
  20. Saan ka naman magpapa butas ng dila? sa Pilipinas? saan doon? gusto ko rin kasi eh. Please reply!

    ReplyDelete
  21. naku, ingat sa ganyang piercing, siguraduhing ok ang hygiene dun sa pupuntahan mo kasi minsan kapag sablay e baka hindi ka na makapag drinking at eating man lang!

    ReplyDelete
  22. hindi ko alam na me ganung kwneto si epi quizon at ruffa mae. hehe. :) salamat sa pagbabasa ng mahaba kong post kuya. mwah!

    ReplyDelete
  23. Eeeeww, wala ka ng makaka french kissing nyan... hehehe...

    ReplyDelete
  24. 3days ka lang naman hindi makakakain ng maayos. after nun, kain marino ka lit. hahaha...

    i had my tongue pierced 4years ago and i had to say ok siya. hindi ko nalunok ung pakaw like what happened to my other friends pero nung natanggal siya tinamad akong palitan kahit may pamalit. ngayon wala na.. nagsara na ata pero steady tong tongue piercing.. hahah..

    hindi masakit, walang anesthesia at dun ako sa galleria nagpalagay. sikat ung taong un na nagpipierce. anyway, mura lang yan.. wala pang1k.. sa recto wala pa ata isang daan.. gudlak..

    oongapala.. kung ayaw mo mahalata na meron ka niyan, bumili ka nung transparent ang pakaw, hindi halata..hehehe... mahal nga lang..

    ReplyDelete
  25. Toungue piercing. I thought of having one before. Gaya mo, inggitera din ako.. dun sa aming kapitbahay. Libre pa, ako lang ang bibili ng hikaw dahil siya ang magbubutas. Kaya lang, baka bigla akong mapalayas ni ama sa aming tahanan... isama pa si ina. Kaya, di na lang din. Gudlak sa plano mo.

    ReplyDelete
  26. di naman masyadong kita pag sa dila. sa ilong na lang pas mas astig at nakaw pansin! he he. ako nga pala yung nakalagay na abak sa taas. di naka log-out sa gmail. hehehe

    ReplyDelete