Sunday, November 23, 2008

Crisis de Leche


Baka hindi na muna ako uuwi ng Pilipinas sa January.

Nagsabi na ako sa barkada kong si Nino na huwag na lang muna niya akong isama sa entourage ng wedding niya. Ita-try kong makauwi para maka-attend, pero ayokong mag-commit. Times are just difficult lately.

Hindi ko na kailangang magsuot ng barong. Wala nang pressure para pumayat ng konti at magpa-pogi pang lalo. *LOLz*

Affected din kasi ng global economic crisis ang Singapore. Madaming companies na dito ang nagma-mass retrenchment dahil bagsak ang profits nila and also, they need to save up on costs. Kasama din ang company namin sa nagkaka-problema mainly because, we basically rely on our clients. Kapag may recession sa kanila, damay din kami. Domino effect lang.

Medyo natatakot ako sa situation ngayon kasi ako ‘yung pinaka-bagong hired employee sa company. Baka ‘pag nagkataon eh “last-in, first-out” ang mangyari. Shyet! Paano na ang mga pangarap ko? Huhuhu. =_ C

Kaya tiyaga-tiyaga muna. Pakitang-gilas muna sa mga Bossings. I have to show my real worth to the company. Wala munang uwian.

Baka si Mama na lang ang papuntahin ko dito sa January para naman dito siya makapag-celebrate ng birthday niya sa Singapore. At least magkakasama pa din kami sa importanteng okasyon na ‘yun.

Kaya dun sa mga crush ako kaibigan kong nag-aabang sa pag-uwi ko, pasensiya na sa inyo. Hayaan niyo, baka mas maganda kung sa summer na lang ako makauwi diyan sa Pilipinas. Summer getaway to the max ang gagawin natin. Hehehe. = D

31 comments:

  1. para maiba naman.. ako ang unang kokomento.

    hindi ka uuwi.. magpapakitang gilas ka sa bossing.. hmpf!

    e paano yung mga chix mo? hehehe

    .....

    naranasan kong 3 1/2 taong hindi umuwi ng pinas... malungkot.. pero sa tingin ko hindi ka naman magiging malungkot parekoy.. anjan naman si princessCHA.. joke.

    xoxo-

    o, wag maghahamon ng suntukan!
    hahahaha!!!

    ReplyDelete
  2. morning kuya! malulungkot ang mga cush mo. hindi ka makakauwi. hehe. good luck sa'yo diyan. :)

    ReplyDelete
  3. siguro naubos na yung pambili mo sana ng barong dun sa golf mo nung isang araw? siguro malaki ang tip mo dun sa julalay? aahhaa! biro lang dre. =D

    ReplyDelete
  4. Oo, mag-ipon ka muna dyan, kasi pag umuwi ka siguradong gagastos ka lang. Palakas ka muna dyan sa mga pinuno mo, nang di sila magdalawang isip na ikeep ka.

    ReplyDelete
  5. ang isipin mo na lang muna eh pag umuwi ka gagastos ka..pag hindi magkakapera ka...alin ang pipiliin mo?

    ang sagot ko dyan...hindi mababayaran ang saya..hahahaha lalong pinagulo!!

    sa 25th anniversary ka na lang kamo isali sa listahan ng mga abay o kaya pag di ka pa din makauwi non eh kahit sa golden anni na lang,hihihi!

    ReplyDelete
  6. mahirap nga ang panahon ngayon. nakakatakot maglipat ng trabaho. baka mag-retrench.

    good luck!

    ReplyDelete
  7. that is sooo true,....samething happening here in dubai... damang-damang lahat ang krisis... haysssss..gudlck nalang sa ating lahat...

    ReplyDelete
  8. ganun talaga, mahirap na ang mawalan ng kabuhayan. hehe kaya go go! pa-bibo muna. :-)

    __________

    Mantakin mo nga naman oh, bat ba ngayon ko lang naalala na nasa Singapore ka pala? (siempre kunwari di ko alam)haha Naku ok na ok sa akin ang betamax, haha kapalan na to. hahaha Sikat ba diyan si Jack Neo? dami kong tanong. hehe tsong ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako sa betamax ng homerun hahaha kapal ko talaga. haha sabi ko nga basta yan na ang pelikula, wala nang hiya hiya hahaha

    ReplyDelete
  9. balita ko kaya ndi nagtratrabaho si princesscha kasi kaya mo naman daw syang buhayin.. ewan ko lang ha.. balita ko lang sa kanya! lolz

    ReplyDelete
  10. BOOOO!! :D ayan na ba yung kame-hame??? hahahah.. e isang banat ko lang sayo at kay princesscha.e umiikot na puwit mu.. LOLZ.. mukang guilty! hahahaha...

    XOXO!

    bwala ng pikon at mahahalatang there's something goin' on.. naks! pero seryoso parekoy.. bagay na bagay kayong 2..

    imhappy for u! at happy ako para sa inyong 2...

    ReplyDelete
  11. hahahahaha! takte.. ganun ba? e ano namang magagawa ko? hahahaha... o sha sha.. natatakot ka na kaya hindi ko na iiinsist kahit alam kong meron LOLZ!

    kaw naman.. guilty ka e.. hehe... cge na nga... kung si princesscha nga e hindi nag react ng ganyan! hahahahaha... LOZ LMAO XOXO

    ok.. case closed! lolz

    ReplyDelete
  12. @ Ron Turon: Uulitin ko na naman ang introductory line ko lagi sa mga comments ko sa 'yo: GAGU KA RON TURON! *LOLz*

    Huwag mo na ako intrigahin kay Cha dahil baka mabasa pa ng Jowa niya 'yang mga 'yan eh biglang maniwala. *LOLz*

    ReplyDelete
  13. @ Joshmarie: Salamat. Love is patient. *LOLz*

    ReplyDelete
  14. @ Insan RJ: Aysus wala naman akong ginastos dun sa golf na 'yun. Kahit 'yung nangyaring inuman after eh wala din kahit isang singkong duling. Hehe. = P

    ReplyDelete
  15. @ Gillboard: 'Yun nga din ang iniisip ko. Andami pa naman humihingi ng pasalubong. Haaayyy.

    ReplyDelete
  16. @ Poks: Good idea! Ahahaha! Kinasal na din kaya ako nun? *LOLz*

    ReplyDelete
  17. @ The Scud: Sinabi mo pa. Nakakaawa din 'yung ibang na-retrench na.

    ReplyDelete
  18. @ Yanah: Me retrenchment din sa Dubai? Grabe pala, akala ko hindi affected ang Middle East.

    ReplyDelete
  19. @ Onats: Haha meron naman pala atang mabibili diyang Home Run. Nakabili na 'yung isang reader mo eh. Hehehe. Pero sige, 'pag me nakita din ako bibili ako para mapanood ko din.

    ReplyDelete
  20. kuya, pakipadala na lang kay ninang pasalubong ko! hehehe. -eLai-

    ReplyDelete
  21. naghihirap???

    eh shopping galore ka nga kahapon...

    bwahahaahahahahaha

    -lyzius

    ReplyDelete
  22. kahit naman dito sa pinas, ang daming nalalayoff. natatakot din ako dahil kakaunti ang binibigay na workloads sa amin lately. wag naman sanang mawalan ng trbaho.mahirap maghanap. hays.

    cge. kita kits sa summer!!!

    ReplyDelete
  23. talagang ramdam ng lahat noh? yung company din namin, nagsara ng operations sa Quebec. 410 na tao ang na lay-off. magpapasko pa naman.

    sige, pakitang gilas ka lang dyan crazz. =)

    ReplyDelete
  24. i will commiserate. gusto rin sana naming umuwi next year... pero kulang ang laman ng piggy bank.

    ReplyDelete
  25. Tsk tsk, magliliwaliw pa naman tayo sa Makati. Pero oks lang yan pre, payaman ka pa at syempre papogi. Nyahaha!

    ReplyDelete
  26. tama yan. kailangan magtiis para sa kinabukasan. kaya ako na lang muna ang hahataw sa manila! bwahahahaha!

    ReplyDelete
  27. mas masarap yang balak mo, si mama mo ang papuntahin mo dyan. am sure ikaw ang peborit son nya :D good luck!

    ReplyDelete
  28. ang lungkot naman. . pero susyal si mudir. . sa singapore ang bortdei. . well good luck sayo. . sana hindi ka matanggal. . haha. .

    ReplyDelete
  29. bago man lang sana ako makapasok sa industriya ayos na ang ekonomiya, malamang sa ibang parte ng mundo rin ako mapapadpad.

    ReplyDelete
  30. Oi hwag ka naman sanang madamay dyan sa crisis ng globo ngayun. Gudlauck and more prayers.

    ReplyDelete
  31. Parehas tayo ng sitwasyon pauwi sana ako sa Dec. 27 pero mukhang 50/50 ang chance just this week kase 75% ang naretrench sa Design office namin. Tapos next week naman sa Site Offices kung saan ako naka assign. Nasa Construction Industry kaya affected kme ng recession... haaaayyyss i'l just pray for the positive.

    ReplyDelete