Tuesday, November 4, 2008

Diary ni Ella: A Book Review





Dear Ellababes,

Nabasa ko na book mo!


Ayun, nagpabili ako kay Lyzius nung umuwi siya ng Pilipinas nung isang linggo. Pinagbilin ko talaga na huwag na huwag kakalimutan, kasama ng Chiz Whiz Pimiento at Choc Nut na pinabili ko din. Sayang nga lang walang autograph at free picture mo. Tsk tsk.

Dinala ko kanina ‘yung libro papunta sa office. Binabasa ko siya habang nakasakay sa bus at sa MRT. Pero napansin ko lang na medyo agaw-atensiyon ‘yung libro mo, Ella. May mga napapatingin na Intsik at Indiano. Kulay fenk kasi ang kulay ng pabalat at may litrato ng seksing manikang naka two-piece bikini. Baka tuloy inisip nila na ding-bads ako dahil akala nila nagbabasa ako ng libro tungkol kay Barbie. *LOLz*

One thing’s for sure about your book: it’s very readable. Hindi kailangan ng matinding concentration para maintindihan ang bawat pagsasalaysay. Kahit habang jumejebs o nagkakamot ng betlogs eh puwede siyang basahin.

It’s very entertaining as well. Pinipigil ko ang tawa ko habang nasa bus at MRT ako kanina. Nakakahiya naman kasi kapag humagalpak ako sa tawa bigla habang nagbabasa (tapos naka long sleeves at neck tie pa mandin ako). Baka isipin nilang nababaliw na ko eh mahirap nang masira ang 'corporate image'. *LOLz* Akala ko naman ‘yung patikim mo dati na pinost mo sa blog mo (“Yunihong”) eh ‘yun na ‘yung pinaka-nakakatawa. But there’s definitely much, much more in your book.

I think it’s also movie-material. O kaya pwedeng gawing teleserye. Kapag nangyari ‘yun Ellababes, sinong artista ang gusto mong mag-portray sa ‘yo? Huwaw sisikat ka na lalo kapag nagkataon!

Most importantly, it's full of substance. Madami din akong natutunan sa libro mo. Hindi lang ‘yung tungkol sa iba’t ibang klase ng masahe (hindi pala talaga ginagamitan ng lotion or oil ang shiatsu... *LOLz*), pero nabuksan din ang mga mata ko sa ilang bagay. Isa na dun ‘yung hindi dapat tayo nagiging judgmental sa ibang tao. Each of us has his or her own stories to tell, trials to encounter, problems to solve, and decisions to make. Judging someone based only on one aspect is complete stupidity. We all deserve some respect.

I’ve had encounters with some ‘Number 88s' in my life before. Ngayon mas naiintindihan ko na sila. Hehehe. = D

Good luck with your book, Ellababes. Sana mas madami pang bumili at nang maging bestseller na.


Cheers,

The Gasoline Dude


PAHABOL:

May ginagamit ata ngayong ‘bago’ ang mga masahista (not the usual oil, powder or lotion). Na-experience ko ito dati sa isa sa mga trips ko sa Cebu. It’s this colorless gel na kapag ipinahid sa katawan mo eh me cooling effect. Kakaiba talaga ang sensation na mararamdaman mo (lalo na ‘pag katawan sa katawan na ang eksena. Nyahaha!). Nung tinanong ko si ‘Doreen’ (hindi ata tunay na pangalan), nabibili daw nila ‘yun sa mga Korean stores. Hmmm... familiar ka ba dun? Wala lang, nagtatanong lang. Hehe. = P


13 comments:

  1. huwaw!!!

    sige nga, bibili na ako ng book na yan. san ba mabibili yan?

    hmmmm para kong naiimagine na nanginginig pa ang balikat mo kakatawa sa MRT bwahahahahaha..

    ReplyDelete
  2. okey Bossing GD san nga ba mabibili yan? naintriga ako sa mga kwento. at mukhang maganda nga ang storya.

    meron ba nyan sa power books?

    ReplyDelete
  3. pahiram pagkatapos, ahahhahaha!

    nakakaloko talaga ang picture no? bakit sa picture mukha kang kagalang-galang, nyahahahhahaha!

    ReplyDelete
  4. hi ella,

    nabasa ko na rin...bago ko pa ibigay ke gasul..bwahahaha..

    sa buong byahe naman ng pinas to singapura ko binasa...

    natapos ko naman bago kami magkita ng nagpabili (na wala pang bayad, bwahahahaha)...

    marami rin akong natutunan..lalo na dun sa mga stroke sa "especial" massage...

    bwahahahahaha...

    punta na lang ako tanjong pagar pagkakakitaan ko na rin ang mga tips mo...

    tama si gasul, hindi dapat husgahan ang isang nilalang sa isang aspeto lang ng buhay.

    teka, hindi mo pala blog to, pero alam ko naman mababasa mo rin ito...

    gasul, bakit me mga emote emote na pichuran pa habang hawak ang book? asan pala isang kamay mo while reading it????bwahahahaha


    -lyzius

    ReplyDelete
  5. Oh so sa Pilipinas lang ba itong Librong ito... Bibili ako pag uwi ko this December...



    Hmmm madame rin palang blooger na pinoy dito sa SG... hmmm siguro nga masyado pa akong bago... bwahahaha

    ReplyDelete
  6. hmmm mukang interesting ang book na yan ha, ksi yung cover pang juding tapos binabasa ng macho't guapo at cute na boylet(bola mode hihihihi pa-add po ha)...hehehe

    ReplyDelete
  7. kuya mukang na-aliw ka mashado sa pagbabasa.. i can tell it by the facial expression sa pic mo, habang hawak ang libro. hehe.

    just dropped by! gotta run... tc!

    ReplyDelete
  8. parang gusto ko na rin bumili ng book na yan. hmm.

    @GD: sigurado ka bang colorless lotion ang ipinahid sa yo? bwahahahaha! meron kasing lubes na colorless din. Nakwento lang sa kin...*nu ni nu* weehehe.

    ReplyDelete
  9. Kahit habang jumejebs o nagkakamot ng betlogs eh puwede siyang basahin.-->hmm...makabili nga rin ng libro kasi madalas ko ring kamutin ang betlogs ko. lols

    ReplyDelete
  10. My dearest sweetheart (na sikret)

    The best, the greatest, the neatest, the mostest review ever.

    Dude, baka mahalata nilang may lihim tayong pagkakaunawaan ah hehehe!

    Teka hindi nga pala ako dapat natatawa (gutay-gutay ang puso ko remember?)

    Pero hindi ko mapigil ang sarili ko na maloka sa kaligayahan. Na-touch ako. In Tagalog, nahipuan mo ako, sweetie.

    Thank you so much, love. I'm glad you and Lyzius enjoyed the book. That's all that matters to me.

    Hugs and kisses to a very sweet friend.

    Rllababes

    P.S.

    You're so cute sa poses mo. I therefore conclude bagay kayo ng barbie doll sa cover nyahaha! Mwah again!

    ReplyDelete
  11. sana may abutin pa ako paguwi ko sa pinas sa 2010 :) ibang klase talaga ang talento ni ellabebe

    ReplyDelete
  12. at talagang kinarir si ella.. :p

    ReplyDelete
  13. Ang ganda ng cover nung libro! Nakakaengganyong basahin. Mukhang mapapabili ako ngayon nito ah, kung may pambili!

    Napansin ko yung gel na pamahid bossing. Baka Vicks lang yun? Di kaya?

    ReplyDelete