Sunday, November 2, 2008

Gas Dude's Wish List: Birkenstock Gizeh Sandals


Dahil malapit na ang Pasko, sisimulan ko nang ilagay sa blog ko ang aking Christmas Wish List para sa taong 2008. Baka kasi may mabait na kaibigan ang maisipan akong bigyan ng regalo sa Pasko eh hindi ko na sila papahirapan pang mag-isip kung ano talagang gusto ko. *LOLz* 

Wish Item # 1: Birkenstock Gizeh Sandals 

Nung college pa ako, sobrang nauso ang Birkenstock sandals. ‘Yung barkada kong Atenista pucha ilang pares din ata ng Birkenstock meron ‘yun at iba-iba pang kulay. Ang get-up niya araw-araw: cargo pants, oversized shirt, white socks, at Birkenstock sandals. (Uso ata ang get-up na ito sa mga Atenista nun.) Maayos naman siyang magdala at pumorma dahil hindi siya nagmumukhang jologs. Samahan mo ba naman kasi ng Oakley Shades, Tag Heuer watch at brand-new Honda Civic SIR o kaya Mercedes Benz ang japorms mo eh ewan ko na lang kung magmukha ka pang jologs. *LOLz* 

Mabait sa ‘kin ‘tong barkada kong ‘to (kahit na niligawan niya 'yung babaeng gusto ko nung college) kasi binigyan niya ako ng isang pares ng sandals ‘nung minsang naki-sleepover ako sa kanila. Hindi siya Birkenstock eh pero mukhang Birkenstock nakalimutan ko lang ‘yung brand pero hindi naman mukhang cheapips. Siguro nakita niyang naglalaway ako sa tuwing nakikita ko ang sandals collection niya. Ngayon mukhang nauuso na naman ang Birkenstock, pero hindi ‘yung nauso dating design na parang me dalawang belt na nakasalampak sa paa mo. Nag-evolve na din ang itsura nito, and I badly want one! 'Yung tinatawag nilang 'Gizeh' ang trip kong mapasa-paa ko. Tumingin na ako sa isang mall dito sa Singapore, pero pucha ang mahal naman para sa isang pares ng sandals. Sana may mag-regalo na lang sa ‘kin. Hehe. = D 

Sa mga mababait d'yan, pwede na sa 'kin kahit anong kulay ng Birkenstock Gizeh. But preferably either white or black sana kung gusto mo talaga akong pasayahin ngayong Pasko. *wink wink*

 

26 comments:

  1. Mura lang naman yan dyan eh... Ikaw anu regalo mo samin??? hehehe

    ReplyDelete
  2. Sino kayang mabait na nilalang na mag aala Santa Claus ang magbibigay sayo nyan, hehe.

    ReplyDelete
  3. magkano dyan? 45 lang dito yan eh...

    hay naku..mahirap ang ekonomiya ngayon...tama na sau ang local version nyan na tabata,hihihi...

    ReplyDelete
  4. 28 euro lang sya dito kaso mo ang padala dyan sa asya e aabot ng 24 euro. ibig sabihin more than 50 euro agad. pabili ka dun sa boss mong german, hehe. kailangan ko rin ng bagong birks dahil nasira na yung aking 8 year old na sinelas :)

    ReplyDelete
  5. nagmemedyas ka pa rin ba kahit nakasandals ka? lol

    ReplyDelete
  6. tsinelas ang mahal? magbitswok ka na lang GD.hahaha.

    ako ninanais ko ng mgandang paa. yan ang gusto ko hahaha. kasi kpag maganda ang paa, kahit anong suotin dito ay magmumukhang mamahalin lols

    ReplyDelete
  7. ako nlng bigyan mo nyan, hehehe. -eLai-

    ReplyDelete
  8. bakit di ba ako makatagpo ng ganyang ka-generous na kaibigan... well siguro dahil di rin naman ako generous...

    iorder mo na lang sa north pole yan... mukhang taghirap ang mga tao ngayon eh.. cheers-glesy the great...


    http://anakngpiso.wordpress.com/

    ReplyDelete
  9. weeeeeeeeeeeh

    magkano sa peso un chinelas na yun kze d2 sa dubai sa peso nsa 3,800
    un mahal mahal non,,hehehehe

    tabata na lng hahahha

    ReplyDelete
  10. spartan lang solb na ko. hehe

    di ako pwede magsuot niyan. puro patay kuko ko sa paa e. lolz

    ReplyDelete
  11. totoo ba yung presyo na 3800 in peso..ang mahal naman eh ngayon ko lang narinig ang brand na yan "Birkenstock"...

    eh Rambo gusto mo?..

    hihihi

    ReplyDelete
  12. @ Axel: Suklay para sa mala-carpet mong chest hairs. *LOLz*

    ReplyDelete
  13. @ Kirk: Sana nga me magmala-Santa Claus ngayong Pasko. Madami pa kong gustong bilhin.

    ReplyDelete
  14. @ Pokwang: Sige nga! Ibili mo ko! 45 lang naman pala eh! *LOLz*

    ReplyDelete
  15. @ Kengkay: Oo nga mura nga ata ang Birks sa Germany kasi alam ko dyan galing 'yan eh. Hehehe.

    ReplyDelete
  16. @ Ferbert: Takot ko lang kay Jon Cabron. *LOLz*

    ReplyDelete
  17. @ Popoy: Ahahaha. Kung sino man ang magbibigay sa 'kin ng Birks, samahan niyo na din ng pang-pedicure. *LOLz*

    ReplyDelete
  18. @ Insan Elai: Ahahaha sige 'pag yumaman na ko. = P

    ReplyDelete
  19. @ Glesy: Kasama na ko dun sa mga naghihirap na nabanggit mo. Ahuhuhu. Salamat sa pagbisita!

    ReplyDelete
  20. @ Toyz: Oo nga, mga ganyan nga kamahal kapag ni-convert mo sa peso. ANG MAHAL!!!

    ReplyDelete
  21. @ Yods: Kelangan magpa-pedicure muna bago magsuot ng Birks. Ehehehe! = P

    ReplyDelete
  22. @ Muymuy: Ahahaha oo Rambbo! Tsinelas ko 'yan nung bata ako! Masarap maglaro ng tumbang preso 'pag 'yan gamit ko kasi makapal 'yung goma. *LOLz*

    ReplyDelete
  23. Ang kuripot mo talaga kahit kelan... tsk tsk...

    ReplyDelete
  24. bili ka na lang jan gasul. hehe. saka ikaw naman yung mas malaki ang kita. lols. magpapasko na nga pala, makagawa na rin ng wishlist. pero di na siguro kelangan kasi tulad pa rin nung last year. tsk!

    ReplyDelete
  25. merong mura, yung birks na betula, birks sya pero hindi made in germany kaya mura lang.. 2thou yata'

    ReplyDelete
  26. i can't help but react...college days..hahaha..nde ko alam sobrang naglalaway ka pala non? musta na kaya yung "friend" mo? sana mabasa nya blog mo..hehehe - gayLekuLot

    ReplyDelete