Monday, November 10, 2008

Haberdey Blog


Naaalala mo pa ba nung mga panahong nakakulong ako sa gasolinahan na kinasadlakan ko? I was really wasted back then. Lagi na lang akong malungkot. Lagi akong nag-iisa. Nawalan na ako ng ganang magtrabaho. Nagkukulong na lang ako sa loob ng kuwarto ko. Doon ako naglalabas ng sama ng loob. Doon ako umiiyak ng mag-isa. Halos mabaliw ako sa hirap ng dinanas ko.

Andami ko kasing naging problema dati. Problema sa trabaho. Problema sa pera. Problema sa pag-ibig. Problema sa magulang. Problema sa sarili. Kung anu ano na ang naging sakit ko dahil sa dami ng problemang dumating sa buhay ko. Muntikan na akong sumuko.

Pero mabait talaga ang Diyos. Dumating ka sa buhay ko. Sa tamang oras. Sa tamang panahon.

Nakinig ka sa lahat ng mga kwento ko. Sinamahan mo ako sa mga panahong naghihirap ang kalooban ko. Ikaw din ang nagbukas ng pinto para makatagpo ako ng mga bagong kaibigan. Pati mga dasal ko tinulungan mo akong iparating ng mas mabilis sa Kanya. Tulad ni
Maningning, hindi mo din ako iniwan.

Ngayon masasabi kong mas maganda na ang buhay ko kumpara sa dati. Kahit papaano eh nakakaraos na ako. Nakakangiti na. Nakakatawa. May mga problema pa din pero hindi naman ata talaga mawawala 'yan. Minsan naiiwanan pa din, pero nakakahabol na paunti-unti. Bigo pa din sa pag-ibig, pero mas optimistic na para sa hinaharap.

Masayang kaarawan sa'yo, Blog ko. Happy Anniversary na din para sa ating dalawa. Hindi ko inakala nung una na aabot tayo sa ganito. Pero alam ko na magtatagal pa tayo. Malayu-layo pa ang lalakbayin nating pareho. Patuloy pa din tayong magsasama. Sana hindi ka magsawa sa ka-EMOhan ng nilalang na nasa katauhan ko. Alam kong marami pang darating sa buhay nating dalawa. Kailangan nating paghandaan ang lahat. Sabay nating haharapin ang mga pagsubok ng buhay.

Sa darating na weekend na lang kita ililibre. Wala na kasi akong pera. Pati nga Quantum of Solace hindi ko na nagawang panoorin. Hayaan mo, malapit na din naman ang sweldo ko. Magse-celebrate tayo. Ano bang gusto mong regalo? = D

26 comments:

  1. huffie beerday grilledbeef.blogspot.com =)

    ReplyDelete
  2. napaka heart-warming naman nito. parang love letter lang. haha.

    ReplyDelete
  3. happy burdey sa blog mo!!!

    daming nagcecelebrate ng blog anniv ngayong november ah.. myself included. hehe

    wish you many more blogposts to come!!!

    ReplyDelete
  4. Aaaaw ang sweet 'nyo naman ni bloggie. O di vah? Kung saan-saan ka na napadpad, anjan pa rin ang one and only bff mo, laging naaasahan, ang tanging nakakakilala sa 'yo, ang dear bloggie mo.

    Happy birthday "The Gasoline Dude's Life"! Mwah!

    ReplyDelete
  5. ang regalo para kay blog?

    sariling domain.

    hehehe...

    it's time?

    ReplyDelete
  6. hapi burtdey bloggie,o db parang aso lang!

    ako ba tinatanong mo kong anong gustong regalo..ah tama na sa akin ang eenroll mo ako sa photography,hihihi!

    ReplyDelete
  7. sana tatagal pa ang pagsasama ninyo ni blog. :-)

    ReplyDelete
  8. anong kadramahan ito? hahaha!

    try mo i-makeover si blog. gawin mo namang masaya ang kulay, nangingitim na kasi.

    ReplyDelete
  9. dude, sasandali ka palang diyan sa SG eh nagbago na itsura mo. pagupit ka na haba na ng buhok mo. hahahaha!

    happy birthday sa grilledbeef kuya! nyahaha!

    ReplyDelete
  10. hava berdie bloggie
    hava berdie bloggie
    hava berdie hava berdie
    hava berdie bloggie...

    one more time...

    hava berdie bloggie
    hava berdie bloggie
    hava berdie hava berdie
    hava berdie bloggie...

    nyahahaha..

    wow! me celebration sa saberdey, tamang tama off ko...

    -lyzius

    ReplyDelete
  11. ayoz dito ah... paGreet nga.. Happy Beerday LOL

    ReplyDelete
  12. haberdey! :)
    meni mor haberdey to cum! -eLai-

    ReplyDelete
  13. muli, binabati ko ng maligayang kaarawan at manigong bagong taon ang iyong blog.syempre, bagong taon simula na naman ng isa pang at maraming taon pa sanang pagsusulat.

    dito ko na patunayan na sa itsura mo bossing na mukhang tigasin at hindi kakikitaan ng kahinaan (base sa mga kuha mong litrato), dito ko napagtanto sa pamamagitan ng pagbabasa ng blog mo, na emotional ka rin pa lang tao.

    malayong malayo sa naiiisip ko dahil nga sa astigin mong dating. malayong malayo.

    pero, salamin ito kung sino ka. at kung ano ka bilang tao. kami ay patuloy na susuporta at magbabasa ng mga susunod mo pang lathalain.

    muli, maligayang kaarawan sa iyong blog :)

    P.S.

    prang ikaw yung may bday.lols

    ReplyDelete
  14. pabati din ako.. :)

    napadaan lang ako.. igrigrit na din kita..hehe!.. kahit late.. hapi bertdey sa grilledbeef.blogspot.com...

    ReplyDelete
  15. parang kelan lang binalak mong magsara. tignan mo nga naman tumagal pa ng isang taon ang gasolinablog mo..

    happy bday gasoline dude (teh blog not the blogger)

    ReplyDelete
  16. sige magkokoment akoh at nde akoh mag-eexpect nang comment back sau... hehe... 'la lang nabasa koh lang kc post moh kay ronz...

    birthday moh? sori ha... nde koh nabasa post moh yet... sige basa muna akoh... ahhh.. sendali... birthday nang blog moh?... nabasa koh lang 'ung isang koment sau... hehe... sige happy birthday sa blog moh =)

    may your blog have more birthdayz to come.... hehe...

    tc! GODBLESS! -di

    ReplyDelete
  17. ayan nagbasa na akoh....

    awww... touched akoh sa post moh... mejo nakaka-relate... parang ang lungkot lungkot nang mundo koh non bago koh makita tong blogsphere na to... syempre mga probz na nagpakalunod akoh... hwag nang banggitin kung ano-ano 'un...hehe... pero thank God i found diz place through joshmarie... dahil sa blogspot den na to God made me realize na nde lang akoh ang may problema... nakakarelate akoh sa maraming tao ditoh.. at kahit blogsphere lang 'to parang ang dme mong naging kaibigan...minsan naman kc kelangan lang nang makikinig sa mga probz kahit 'lang sagot... yeah... at sa blogspot nde lang puro problema.. dmeng nakakatuwang mga post... napapangiti tayoh... pinapatawa tayo... nagpapa-realize saten na simple lang ang buhay...

    nice post! =)

    and again... happy birthday sa blog moh =)

    ingatz nd GODBLESS! -di

    ReplyDelete
  18. Haberdey Blog!
    takte alam ko to kasi nung naghalukay ako sa archives mo nakita ko yung date ng unang post mo! hahahaha

    haberdey ulit sa blog mo! at maligayang blogging sayo parekoy!

    ReplyDelete
  19. happi berthday sa blog mo!!!

    ReplyDelete
  20. hafi berfdey sa grilledbeef. at di ko din inaasahan na kakaririn mo tong blog mo tulad ng pangangarir ko sa blog ko. we just dont know what's in store for us. cheers.

    ReplyDelete
  21. dapat may bago! podcast or vlogging!


    keep it up! =)

    ReplyDelete
  22. nasanay din ako sa pagiging chika minute mo kuya. :) teka paganti naman jan. bagay kayo ni dhianz. hahaha.

    hapi beer and burpdey ulet sa bloggie mo. :) sana makapagcelberate din ako ng bertdey ng blog ko. pag nasasawa na kase ako dinidelete ko na eh. haha.

    ReplyDelete
  23. kahit 1 taon na blog mo.

    chismoso ka pa rin!!! LOL.

    ReplyDelete
  24. Salamat sa lahat ng nagbasa at bumati. Sana nga talaga eh hindi ako magsawa at tumagal pa kami ni Bloggie. *LOLz*

    @ Taps: Domain? Hmmm... pag-isipan ko... Hehehe.

    @ Popoy: EMO talaga ako. Basahin mo pa 'yung mga nauna kong posts.

    @ Dhianz: Ang haba ng comment mo. Dalawa pa. *LOLz* Pero salamat. Therapy ko din talaga ang blog ko. Laki ng naitulong sa 'kin.

    @ Coldman: Gagawin ko 'yang mga 'yan pero mauna ka muna. Hahaha. = P

    @ Joshmarie: Hehe gumaganti ka ah! *LOLz*

    @ Leyn: Hahaha! Hindi ako chismoso! Nakikibalita lang. *LOLz*

    ReplyDelete
  25. wooow hablogdey gasul!!!

    hmmm ang galing galing mo na lalo sumulat huh...

    keep it up pards! idol talaga kita!


    ...at sabit naman ako sa selebresyon na yan.

    ReplyDelete
  26. oh nose. naku, may anniversary pala ang blog. pano na yung sa akin masyadong komplikado :S

    ReplyDelete