Friday, November 14, 2008

Meow Meow Bang Bang


Nabalitaan niyo ba?

Isang Malaysian ang tumalon sa kulungan ng mga white tigers sa Singapore Zoo nung isang Huwebes. Ayun, patay. Pinag-piyestahan ng tatlong masasayang white tigers. Busog tuloy sila nung araw na 'yun. *LOLz*

Manong, hindi ko alam kung anong pumasok sa utak mo nun. May problema po ba kayo? Sinabihan niyo kasi 'yung isang kasamahan niyo ng, "Goodbye, I won't be seeing you again." bago niyo ginawa ang pagtalon na 'yan. Ibig sabihin, binalak niyo talaga at hindi isang aksidente ang nangyari.

Wala naman kasing problema, kahit gaano kalaki, ang hindi nahahanapan ng solusyon. Hindi sagot ang pagpapatiwakal. Kasalanan pa 'yan kung maituturing kasi hindi naman talaga sa'yo ang buhay mo. Pinahiram lang sa'yo 'yan.

Pero marahil nasiraan ka na din ng bait. Wala kasing matinong tao ang kikitil ng sariling buhay. Pero naiinis pa din ako. Kawawa lang kasi 'yung naiwan mong pamilya. Hindi mo ba sila naisip nun?

Diyos na po ang bahala sa kaluluwa niyo, Manong.


**********

Naalala ko lang dati, meron akong kaibigan na nag-drama. Sabi niya, "Sana mamatay na lang ako kasi wala namang nagmamahal sa 'kin..." Ampucha! Nagalit talaga ako sa kanya nung sinabi niya 'yun. Galit kasi ako sa mga nagsasabi ng gusto na nilang mamatay. Kahit pabiro lang, umuusok ang tenga ko kapag nakakarinig ng ganun. At hindi lang isang kaibigan ang naringgan ko ng ganyan. Madami sila.

Pumunta ka ng hospital. Andaming taong may malubhang sakit ang patuloy na lumalaban para pahabain pa ang buhay nila.

Pumunta ka sa harapan ng simbahan. Andaming pulubing namamalimos para lang may pantawid gutom sila at ang pamilya nila.

Pumunta ka sa Smokey Mountain. Andaming bata ang nagkakalkal ng basura at naghahanap ng maibebentang bote at bakal para lang may maipambili ng gamot ng naghihingalo nilang ina.

Tapos ikaw, hindi ka lang sinagot ng nililigawan mo eh gusto mo nang mamatay??? Anong tawag sa 'yo? Eh di isa kang malaking GAGO!


22 comments:

  1. tama malaking kagaguhan ang pagpapatiwakal. pero naawa ako duon kay manong, nakakakilabot namang paraan ng pagkamatay yun....pinagpiyestahan ng mga tigers? waahhh!

    tama ka dun kahit gaano pa kalaki ang problema, masosolusyunan yan.

    ReplyDelete
  2. mas okey na yung nagpakain sa mga tigre kaysa dun sa mga tumatalon sa billboard sa atin. at least, napakinabangan sila ng zoo. nakatipid sila ng ilang pirasong manok noong araw na yon.

    eh kung tatalon ka sa billboard, papahirapan pa nila yun mga taga-linis magwalis walis ng mga iniwan mong mga utak at lamanloob sa kalsada. tsk. storbo pa sa trapik.

    ReplyDelete
  3. graveh naman 'un... kawawa naman... pero i like wat u said.. true pinahiram lang ang buhay naten and we don't have any right at all para kitilin itoh... lalim non ahh kitilin? lol... and true dmeng tao na lumalaban para magkaroon pah nang dagdag nah oras sa mundong itoh... minsan koh na ren inisip yan... 'ung point na sobrang down akoh...pero sa isip lang nde koh magawa kc nauunahan akoh nang drama sa yutakz koh... iisipin koh yeah 'un nga patay na akoh tapos iiyak pamilya koh.. ililibing akoh tapos ano nah? 'la nah... 'la na akoh sa mundo... parang ganon lang bah ang buhay koh? syempre nde ka naman nilah iiyakan habang buhay.. life goes on.. patuloy pa ren silang haharap sa magandang buhay na biyaya ni Lord... while akoh 'la nah.. lolz.. hhaayyy... kaya nga we should be thankful tlgah sa everyday na magigising tayo sa umaga... itz God's blessing tlgah... but then we also don't know when's gonna be our last kaya we gotta spend our time here on earth wisely... naks nagsalita eh noh... sige 'un lang... pagkatapos nang mahabang koment 'un lang... lol.. hanggang sa muli... GODBLESS! -di

    ReplyDelete
  4. yung classmate ko ng elementary nagsabi sa akin na magpapakamatay daw sya after class.

    di ko pinansin.

    kinabukasan, bangkay ang putangina.

    ReplyDelete
  5. naiintindihan ko na ang mga taong nagpapakamatay eh di kayang harapin ang mga problema nila sa mundo.

    pero i don't think na yun lang yung tanging paraan na maiiwasan nila yung mga problema.

    sa pilipinas ba, may mga helpline para sa mga ganitong sitwasyon?

    ReplyDelete
  6. ano kaya itsura mo kapag nag-uusok ang tenga

    ReplyDelete
  7. Nung una naisip ko ang cute ng pagkamatay niya, kaw na kainin ng mga white tigers. Ang susyal diba? Pero napalalaki niyang gago!
    Nakakaloko lang yung mga nagpapakamatay tapos sasaihan ka na walag nagmamahal sa kanila, kung ako yung kaibigang sinabihan niya, maiinsulto ako. kaibigan niya ako eh, eh di mahal ko siya bilang kaibigan. tsktsk.

    ReplyDelete
  8. may first hand experience ako jan tungkol sa mga taong nagpakamatay.. take note... NAGPAKAMATAY... ibig sabihin.. dedshit na.. hay...

    alam mo bang ang primary reason nila sa ganyan e hindi yung kakulangan sa primary needs ng tao?

    walang nagpapakamatay kasi gutom, walang bahay, o walang damit.. ganun.. kadalasan puro secondary needs like love etc... ganun... psychological lahat.. tsk tsk

    hindi ko lubusang maisip kung bakit nila gagawin.. or ginawa yun. hindi talaga. nakakalungkot.

    ReplyDelete
  9. wahaha! aray! tumagos tagos sa akin toh ah! wag ka magalit sa mga gusto magpatiwakal. maawa ka sa kanila at ibili sila nung electrict duck. . lol

    ang tanga naman nung manong! mano bang lumaklak na lang ng asido para may naiuwi pang bangkay sa pamilya nya. .

    ReplyDelete
  10. a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 1 2 3 4 5 7 8 9 0

    ayokong magcomment ng matino.. baka kase pagalitan mo rin ako.. haha

    ReplyDelete
  11. korek!!! kalokohan talaga yun mga engot na nagsasabing papakamatay na sila dahil lang nabasted o dahil nawalan ng tinta ang ballpen nya o dahil wala syang internet sa bahay (as in ganun kababaw na rason!) samantalang andaming taong nakikipaglaban kay Kamatayan! hmf!

    dapat always look at the brighter side. imposibleng walang brighter side ang bawat situation :D

    ReplyDelete
  12. Gusto ko nang mamatay kuya gAsdude!!


    - Maldito

    ReplyDelete
  13. korek ka dyan! me pasyente kaming tanga nbinaril asawa niya nakailag. tapos binaril sarili niya nang shotgun. ang problema hindi ang utak ang tinamaaan kung hindi ang mukha (sa baba kasi niya tinutok) yun nawala ang mukha niya. pero take note buhay sya ha. kaya yun forever syang me "remembrance" sa ginawa niyang kagagohan. sa kulungan pa ang punta niya if ever makalabas siya nang hospital. magpakamatay na lang hindi pa sinigurado :)

    ReplyDelete
  14. crazz, ramdam ko yung inis mo dito, ah! kaso talagang ganyan. iba iba ang pag-deal ng tao sa mga stress nila sa buhay. may mga ibang sadyang mahihina at hindi kinakaya. pagdasal na lang natin sila.

    dito din dami nagpapakamatay. lalo na ngayon, taglamig. mas mataas rate ng suicide kapag winter season. daming depressed. pero, sabi nga nila, hindi naman tayo bibigyan ni papa God ng problemang alam niyang hindi natin kakayanin.

    take care, crazz! miss you.

    ReplyDelete
  15. nyaiikee bakit sa kulungan ng tigre pa siya nakipagkita kay san pedro? joskow kung ako'y aabot sa ganyang desperasyon hindi ko rin nanaising magiging masakit at tortuous ang pagpapatiwakal ko.

    siguro i'll go in the way of those jihad warriors kuno who rammed into the twin towers and the pentagon. ehhe (pero sisiguraduhin kong private plane at ako lang ang sakay. at sisiguraduhin ko ring sa bundok na walang madadamay ako babangga. at lalong sisiguraduhin kong marunong muna akong magpalipad ng eroplano.)

    ReplyDelete
  16. una sa lahat... si ice plant ay di ko kilala. hehe.

    ----
    malaking kagaguhan namantalaga kapag inisp mo namagpakamaty. ang ganda kaya ng buhay kahit puno ng problema. no problem is too big for God. i believe na kaya ibinigay ang problema sa atin kasi alam ni lord na kaya natin yun. madalas yung mga nagpapatiwakal wala na sa katinuan kaya nila naiisp ang ganun. wawa naman yung nilapa ng tiger. ang tungaks niya. haha.

    ReplyDelete
  17. nabalitaan mo ba? isang pinoy ang umakyat ng billboard nang mawalan ng pwesto sa palengke. naghahanap lang pala ng media exposure ang ungas. tsk! pero mas GAGO pa rin yung taga-singapore. that's how foolish people can get. lols

    ReplyDelete
  18. ang saklap naman ng ginawang mgpapakamatay nung tadong un.. dina lang nagpasagasa.. at least meron ilalagay na katawan nya sa kabaong, ndi ung ganun buto na lng matitira skanya.. lolz!

    link kita ha?! :)

    ReplyDelete
  19. minsan tsong ang sakit mabasted talaga hehehe. pero no to pagpapakamatay..

    (padaan lang! tnx)

    ReplyDelete
  20. these losers... you can only pray kumonti ang maging tulad nila.

    naiinis ako sa mga ganyan. sarap-sarap mabuhay... mga hunghang!!!

    ReplyDelete
  21. napadaan. nice posts here.

    anyway, i happen to have acquaintaces na nagpakamatay na. and all of them are males. though di ko sila masyadong kakilala, hindi ko alam ang buong istorya, naisip ko masyadong nangibabaw ang problema nila. may mga defense and coping mechanisms ang mga normal na tao under pressure.. kaya wala talaga sila sa sarili nilang isip pag ganyan na..

    true that life is not ours to take. it's a gift that we should cherish.

    cheers!

    ReplyDelete
  22. "Tapos ikaw, hindi ka lang sinagot ng nililigawan mo eh gusto mo nang mamatay??? Anong tawag sa 'yo? Eh di isa kang malaking GAGO!"

    hahaha! hindi ako palamura, pero sa pagkakataong gnyan.. mapapamura ka talaga..
    pumatay na lang sya ng mga ipis o daga at least buhay pa rin yun at hindi kanya.

    masyado!

    ReplyDelete