Saturday, November 8, 2008

Nailcutter: A Fairy Tale



Isang tagpo sa MRT.

Pumasok si Lalake sa loob ng tren. Nakakita ng upuan. Umupo. Na-bore sa pagkakaupo. Tiningnan ang mga kuko. Nakitang mahahaba ang mga ito. Binuksan ang bag. Hinalungkat ang mga gamit sa loob. Nakakita ng nailcutter. Kinuha ang nailcutter mula sa bag. Nagsimulang mag-gupit ng kuko sa loob ng tren.


Napansin ni Lola si Lalake. Nakita niyang nagu-gupit ito ng kuko. Biglang nainggit. Tiningnan din ang sariling mga kuko. Nakitang mahahaba din ito. Binuksan ang sariling bag. Hinalungkat din ang mga gamit sa loob. Nakakita ng sariling nailcutter. Inilabas ang nailcutter mula sa bag. Nagsimula ding mag-gupit ng kuko si Lola.


Nagsabay si Lalake at si Lola sa pagu-gupit ng kuko sa loob ng tren. Magkatabi pa sila sa upuan. Pareho pa silang nagkalat. Kawawang mga kuko. Kawawang mga tagalinis ng tren. Wala silang kamalay-malay.


And from then on, they both lived happily ever after.

The End.

LOL!


54 comments:

  1. waaahhh!fairytale nga. hahaha. makasakay ng ng mrt para maglive happily ever after din ako. hehe.

    ReplyDelete
  2. isan libot isang clap-clap para dito :p next time dapat may kontrabida para mas masaya ang fairy tale!!

    ----->at nangi alam ba ng kwento ng may kwento? hehehehe

    ReplyDelete
  3. haha. ito na ang ipapalit ko sa paborito kong peyriteyl.

    may part 2 pa ba to? baka yung part 2 e sabay na silang gupit ng kuko sa paa. lolz

    ReplyDelete
  4. napakagandang kwento. may moral lesson.

    at eto ay: magdala palagi ng nailcutter. :D

    ReplyDelete
  5. ang kontrabida ay ikaw. dahil nipapakialamanan mo sila at ibinrodkast mo ang kanilang pinaggagawa. hahahaha!

    sobrang nakakatawa ito. buti hindi ka nahuli. hahaha! talagang nagtabi pa sila. =D

    ReplyDelete
  6. haha. iba ka talaga! chika minute ka na naman kuya. :) wala naman akong sinabing boyplen ah. :)sumakay din kasi ako ng mrt tapos nagdala ako ng nail cutter at ayun, we lived happily ever after din. *winks*

    ReplyDelete
  7. dyos ko,

    na insecure pa si lola.

    lol.

    ReplyDelete
  8. If i know kasama ka din sa kanila....aminin mo....threesome ang nangyari!ahaa

    ReplyDelete
  9. take note:

    nakuha mo pang picture-an.

    ReplyDelete
  10. Mga Friends, nung una talaga nainis ako kay Lalake ampucha naman kasi sa MRT pa nag-gupit ng kuko hindi na lang hinintay makauwi at dun na lang sa kanila nagkalat. Pero nung makita ko si Lola na nakisunod na din nyahaha natawa na lang ako. *LOLz*

    ReplyDelete
  11. @ Joshmarie: Dala ka din ng nailcutter. *LOLz*

    ReplyDelete
  12. @ Madjik: Ako nga daw ang kontrabida, sabi ni Insan RJ. Hahaha. = D

    ReplyDelete
  13. @ Yods: Pwede. Sa Part 3, footspa naman. Tapos massage. Tapos facial. *LOLz*

    ReplyDelete
  14. @ Vanny: Natawa ako sa comment mo. Ang sarcastic eh. *LOLz*

    ReplyDelete
  15. @ RJ: Me technique na ko para makakuha ng pictures ng hindi halata. *LOLz*

    ReplyDelete
  16. @ Joshmarie: Haha nagtanong lang ako. Ang keso mo kasi. = D

    ReplyDelete
  17. @ Leyn: Oo nga. Mukhang sarap na sarap pa siya sa pag-gupit ng kuko niya. *LOLz*

    ReplyDelete
  18. @ KDR: Aba siyempre! Blog entry din 'yun! Haha. = D

    ReplyDelete
  19. LOL nice post, they should be enrolled in a subj called URBANIDAD 101

    ReplyDelete
  20. hehehe picture storybook...

    aliw ang mga pasahero ng MRT dyan sa Singapore..

    hahaha

    ReplyDelete
  21. hmmm may naisip akong pwedeng gawing bagong trip hehehe...

    not really cutting nails kasi ayoko naman ng trip na nagkakalat pero...

    *abangan!*

    ReplyDelete
  22. hahaha... napaka fairy tale in the modern city of the philippines... heheheh napadaan lang wag akong isama sa wawalisin mo...

    ReplyDelete
  23. hahaha

    astig ka talaga, natawa ako sa fairy tale mo. haha mas astig pa to sa three little bears haha

    ReplyDelete
  24. hangna parekoy! tawa ako ng tawa! habang tina-type ko ko to natatawa pa rin ako a! ampf! hahahahahaha

    san mo nakuha yang pic na yan? hahahahaha.. ok sa olryt a! fairy tale nga! hahahahaha

    ReplyDelete
  25. @ JM: Hayaan mo 'pag nakita ko ulit sila tatanungin ko kung nakuha nila 'yang subject na 'yan nung college. *LOLz*

    ReplyDelete
  26. @ Gillboard: Oo nga. Pati ako naaliw. Hehe. = D

    ReplyDelete
  27. @ Lethalverses: Sige abangan ko. Haha. = P

    ReplyDelete
  28. @ MB: Salamat sa pagdaan. True story 'yan. = D

    ReplyDelete
  29. @ Onats: Haha salamat sa pagbasa. Pero di hamak na mas magaling ka. *LOLz*

    ReplyDelete
  30. @ Ron: Ako talaga kumuha niyan sa loob ng MRT. At totoong nag-nailcutter silang sabay. = P

    ReplyDelete
  31. hahahaha! takte.. kagila-gilalas!
    langya, pagpasok ko bukas sa opis at nasa MRT ako, kukuha din ako ng picture! hahahaha

    ReplyDelete
  32. napaka-uplifting ng story na to, walang sinabi si red riding hood! lol!

    ReplyDelete
  33. LOL Laftrip! Talagang self-manicure ang ginawa nung dalawa. Haha. Buti hindi ka nila nakitang pinipichuran sila... :p

    ReplyDelete
  34. ahahaaha!!! ang kulit ng kwento. kakatakot kang makasakay sa anumang pampublikong sasakyan... baka sa susunod ako naman ang mahuli ng iyong camera. *grin*

    ReplyDelete
  35. ahahaha. shet tatalunin nito ang epiko ko waaaahhhh. hahahaha.


    HAPI ANNIVERSARY sa blog mo GD!

    ReplyDelete
  36. napagsabihan na ba ang Disney tungkol sa napaka gandang kwento na ito? ha ha

    ReplyDelete
  37. di ba bawal magkalat sa singapore? sana sinumbong mo ng mabitay sila together. :-) naging tragic ang ending ng fairy tale! bwehehehe

    ReplyDelete
  38. hay, marami talagang drama sa MRT, lrt, at kung ano ano pang tren pero iba tong sa yo, captured talaga. pero kadiri naman yang mag gupit ng kuko at baka tumalsik pa yan sa ibang tao, nyeee

    ReplyDelete
  39. @ Ron: Ayus 'yan! 'Wag ka lang papahuli. = P

    ReplyDelete
  40. @ Coldman: Abot dito sa Singapore ang sarcasm mo, Parekoy. *LOLz*

    ReplyDelete
  41. @ Marco Paolo: Salamat sa pagdaan. = D

    ReplyDelete
  42. @ Kevin: Buti nga 'di ako nahuli. Baka nakakulong na ako ngayon. Hehehe.

    ReplyDelete
  43. @ Blackhart: Hahahaha hayaan mo hindi kita pipicturan 'pag nakasabay kita. Madali akong kausap. Ang lagay eh... *LOLz*

    ReplyDelete
  44. @ Popoy: Alam mo lagi akong natatawa sa comments mo! *LOLz* Hayaan mo, ikaw pa din ang master writer ng mga epiko. Hahaha. = D

    ReplyDelete
  45. @ Abou: Nyahaha! Isa ka pa! *LOLz* Hmmm... ibenta ko kaya kay Walt Disney ang kuwentong 'to? = P

    ReplyDelete
  46. @ Abak: Hindi ko na ginawa baka madamay pa ko. *LOLz*

    ReplyDelete
  47. @ Kengkay: Oo nga. Unhygienic kasi eh. Ang mga tao talaga dito iba ang mga trip. = D

    ReplyDelete
  48. tutmaryotep. naka-inggiterong kapitbahay mode pala ang lola. haha

    masarap manood ng mga taong ang ginagawa sa publiko eh yung mag-ayos ng brip o panty na kinakain na ng gutom na pwet, mangulangot, and yes, pati na itong pag-nail cutter. at least pinapakita nila sa madla na may good grooming pa silang nalalaman. lolz.

    ReplyDelete
  49. Hahaha taenang yan. At home na at home sa MRT ah. Sabay pa talaga sila. Haha.

    ReplyDelete
  50. ay! tama bang mag nail cutter sa loob ng MRT?!...

    sobrag natawa ako dito! grabe cla ha... ano yan, contest?pabilisan cguro mtpos mag nailcutter..hehhehehe

    ReplyDelete
  51. nakakatawa naman to! hanep! hahaha

    ReplyDelete