Tuesday, November 25, 2008

Ngiti Naman Diyan!



Hindi talaga ako mahilig mag-tag o sumagot sa tag. Pero dahil si Lyzius ang nag-tag sa 'kin eh baka kasi wala akong mautangan 'pag kinailangan ko kaya sasagutin ko na ang tag niya. Hehehe. = P

Ano nga ba ang mga bagay-bagay na nagpapangiti sa katulad kong nabuhay sa isang gasolinahan? Kailangan daw eh at least 10. Hmmm...

Napapangiti ako...

(1) Kapag naliligo ako. Peyborit ko ang maligo, lalo na kapag 'hot shower' at mabango ang shampoo at sabon. 'Yan ang rason kaya matagal ako sa banyo. (Hehe 'yun nga ba? *LOLz*)

(2) Kapag nagpapalaman ako ng Cheez Whiz with Pimiento at Nutella sa tinapay. Shyet! Heaven! Lately ko lang na-diskubre 'yung Nutella kasi wala akong nakikitang Cheez Whiz dito sa Singapore. Masarap! Para kang kumakain ng Ferrero.

(3) Kapag nasasabihan ako ng, "You look better in person." Naks! = P

(4) Kapag nagbi-videoke. Oo, mahilig akong kumanta. First-on-the-list ko sa videokehan ang mga kantang, "Closer You & I", "The Way You Look Tonight", "Let Me Be The One", at "Knocks Me Off My Feet".

(5) Inuman-slash-Yosi-slash-Sharing-slash-Bonding Sessions kasama ang mga malalapit na kaibigan at ka-opisina.

(6) Kapag naggo-grocery ako ng mag-isa. Mahilig akong maglibot sa grocery. Naa-amaze talaga ako sa dami ng nakikita ko sa loob.

(7) Kapag may ka-hug ako ng mahigpit na mahigpit na mahigpit, may it be a friend or a loved one.

(8) Kapag nakikipagkulitan at nakikipag-kilitian ako habang nasa isang malambot na kama with someone I really like or love.

(9) Kapag nakikita ko si Mama na masaya at nakangiti din.

(10) Kapag napapatingin ako sa salamin, sabay sabi ng, "Shyet! Ang pogi mo talaga, Gasoline Dude!" *LOLz*


**********


Ita-tag ko ang mga kakulitan kong bloggers na sina Crazz Goddess, Joshmarie, Dhianz, Onat Donuts, at Gillboard.


27 comments:

  1. huwaw. ang ganda ng smile. kukunin ko ito kahit di mo kinuha ang tag ko sa'yo kuya. nyahaha. tenchu, tenchu sa tag. :)

    ReplyDelete
  2. @ Joshmarie: Meron ka bang TAG sa 'kin? Nyahaha! Baka nakalimutan ko na. *LOLz*

    ReplyDelete
  3. wowowow! tag tag tag!bakit ndi mo ko nita-tag? joke!
    ako din napapa-smile kapag may nagsasabing:
    "ronturon.. ang gwapu mu" lolz
    ********************************

    ReplyDelete
  4. wowowow! tangna! sino sa mapua high? wadapak gas dude!!!!

    malaki ang mapuahigh! maraming batch! baka hindi ako kilala nun!!! hahahaha
    (cross fingers)

    ReplyDelete
  5. @ Ron Turon: Dapat kasama ka, kaso nakita ko me tag ka na atang ganyan. 'Yung Smiley Award ba 'yun?

    ReplyDelete
  6. Tangna!!! napra-praning ako!!! PUTCHA!!! sino yan???? lolz!!!sinong mapuan yan????

    ReplyDelete
  7. bakit kaya ako mababaw? pag may nalglaag lang na dahong tuyo nangingiti na ko...

    iyun nga lang, hindi ako basta basta natutuwa...

    nice post bro

    ReplyDelete
  8. touchy feely ka palang boyps, gasul. huwaw bihira yan sa boylets ah. you're part of a dying breed.

    ayoko nutella. gusto ko siya noon kaso lang isang taon ko na siyang palaman at ipokrito ako kung sasabihin kong hindi ko nami-miss ang argentina liver spread at fenat vater ng lidis chowis. aylabit.

    sosme you look better in person nga ba? aba'y isusulong ko na ang EB para sa susunod na milenyo (kasi milenyo pa yata bago kami makauwi ng pinas). siguro naman sa panahong iyan eh asa pinas ka na rin at may sarili nang imbakan ng langis. woohooo!

    ReplyDelete
  9. sige papatulan ko tong post na ito.. hehehe... kaya lang feeling ko mag-iisip pa ako ng mga bago, kasi karamihan ng sinulat mo, parang ganun din ako..

    ReplyDelete
  10. hahahaha..
    at least naalala mo ung mga simpleng bagay na nakakapagpangiti sayo...
    oo masaya nga yung kilitian portion sa kama..
    at saka medyo mahal yung nutella e thrice na price yata nung cheez whiz! =)

    ReplyDelete
  11. aba, crazz!! at may tag ako.. sige, sige, gagawin ko to. mwah!

    ReplyDelete
  12. Bossing, huwaw naman KANTATERO ka pala GD. at ang lufet ha, KNOCKS ME OFF MY FEET!!! hahaha.

    ayos tong tag na ito, kung nasama ako sa tinag mo sasagutin ko din to kasi madali lang at hindi na kailangan pang magisip. hindi rin kasi ako pala sagot ng tag hehehe. :D

    ReplyDelete
  13. oo kuya meron akong tag sayo. amng cute pa namn nun. haha. :)

    ReplyDelete
  14. ay sus ginuu ganito pala ang tag.. Pers tym ko makatanggap nito, haha ito pala ang tag? haha sige papatulan ko ito. Abangan na lamang natin ang susunod na kabanata. haha

    ayos tong post mo. :-)

    ReplyDelete
  15. gusto ko rin yung nagiikot at nag-go-grocery. :D

    tsaka syempre yung inuman bonding sessions with friends..

    let me be the one?? hmmm... ahahahahaha

    ReplyDelete
  16. cheezwiz? sa lucky plaza po madami. pero msarap din nga nutella. okay din ung 2in1 skippy (peanut butter may kasama nang jelly).

    haaay, miss ko na SG.

    ReplyDelete
  17. you look better in person. un eh, ngiti na yan.. :D hehehe.. as if namang nakita na kita ng personal noh? :)

    ako, nangingiti ako kapag naiisip kong wala akong pasok! hahaha. at saka kapag nasa loob ako ng bookstore.. :D

    ReplyDelete
  18. pareho tau ng gustong palaman sa tinapay. well ano pa nga ba eh magpinsang buo tau, hehehe.-eLai

    ReplyDelete
  19. Okay na sana! eh! Yung huli lang! YUng huli lang ang sumira sa entry na toh! Prawmis!

    ReplyDelete
  20. may halong yabang na yung huling reason. pfft.

    ReplyDelete
  21. "(8) Kapag nakikipagkulitan at nakikipag-kilitian ako habang nasa isang malambot na kama with someone I really like or love."

    sinu ba naman ang ayaw nito?? hahaha =D

    ReplyDelete
  22. masaya ako kapag kinakamot ko itlog ko

    ReplyDelete
  23. mas gwapo ako kapag nakangiti kaya dapat nakasmile lagi ako..

    ReplyDelete
  24. Gusto ko rin magbababad sa warm water.

    Pero iba ang reason kung bakit ako matagal sa banyo. LOL.

    Nagbabasa ako. :D

    ReplyDelete
  25. salamat palah sa smiley award moh... yeah may smiley nah akoh pero tatanggapin koh pa ren yan.. wehe... oh yeah ba't moh pinalitan 'ung picture nang smiley moh... natuwa akoh don sa unang pinost moh... kc kakaibang pics... eniweiz... sige... salamat ha... ingatz kah dude... GODBLESS! -di

    ReplyDelete
  26. oh yeah i had an award for u den ahh... 'ung cute award... pero u probably have it already... eniweiz...yeah.. laterz! =)

    ReplyDelete