Tuesday, November 18, 2008

No Comment


I’m already feeling the homesickness.

Shyet! Dalawang gabi na kong nagkukulong sa kuwarto ko at umiiyak. Oo na, iyakin na ko eh ka-lalake kong tao. Pero anong magagawa ko? Nami-miss ko na Nanay ko. Nami-miss ko na din mga kaibigan ko.

Lalo pa kong pinaiyak ng post ng isang blogger diyan kagabi. Walang stir! Basahin niyo 'to.

Tapos wala pa kong lablayp ngayon. Shyet talaga ‘pag mamalasin ka nga naman! Lumaban naman ako in all my attempts to make my relationships work, pero pucha wala pa ding nangyari! What went wrong?! What’s not to like?! Mukhang magiging malamig ang Pasko ko ngayon ah.

Tapos ambilis pa maubos ng pera ko. Mas malaki na nga ‘yung kinikita ko dito sa Singapore, pero ba’t ganun? Wala din akong naiipon? I’m always broke.

Tapos may global economic crisis pa. Balita ko hanggang 2011 pa ‘tong recession na ‘to. Nanganganib pa ko.

Buti na lang hindi ako GAGO na tipong tatalon sa kulungan ng mga white tigers para magpakamatay at nang matapos na ang mga problemang dumadating. Matino pa ko. Mahal ko buhay ko. Madami pa akong gustong gawin.

I’ll get through this somehow.

Buti na lang madami akong naka-schedule na inuman sessions in the following weeks. Idadaan ko na lang siguro ‘to sa inom.

Ang hirap maging OFW!


PAHABOL:

Ampucha! Humabol pa 'tong si Ron Turon! Basahin niyo 'tong post niya. Lalo ko tuloy na-miss Nanay ko. =_ C

I have disabled the comments link for this particular post. Wala lang, gusto ko kasi muna mapag-isa... Sensya na...