Thursday, November 13, 2008

Return of the Comeback


Pini-pimples na naman ako.

Ewan ko ba pero parang bumalik na naman ako sa pagbibinata at nagka-outbreak ulit ako. Nagsimula ‘to nung isang linggo, at hindi lang sa mukha tumutubo. Meron din sa ulo, pati sa likod at batok ko. Hindi ko alam kung anong nag-trigger, pero pucha, nakaka-badtrip lang. Akala ko kasi tapos na ako sa phase na ‘to.

Naisip ko, hindi kaya sa weather? Para kasing mas humid dito sa Singapore kesa sa Pinas. Mas mainit. Mas malagkit ang pakiramdam. Pero bakit lately lang nagsimula? Hindi kaya sa pagkain? O kaya sa stress sa trabaho? O kaya sa pagpupuyat ko lagi?

O baka naman in-lab na ako ulit? Hehehe. = D

Parang multo lang ng nakaraan. Binabalikan ka. Nanggugulat. Nananakot. Nanggugulo sa nananahimik mong buhay. ‘Yung tipong “Akala mo lang wala... pero meron, meron, MERON...” *LOLz*

Pahamak talaga 'yang mga multong 'yan. Mamatay na sana silang lahat.

24 comments:

  1. Nutella......
    stress....
    puyat....
    at
    walang sawang nutella.....

    belat for you!

    ReplyDelete
  2. aysus. nagbibinata ulit?

    ngayon ko lang nalaman na pwede palang makapagpa-tigyawat ang multo. sino ba kasi ang hinayupak na multong yan? hehe!

    ReplyDelete
  3. @ Damdam: Hahaha shyet baka nga sa Nutella! Grrr... = P

    ReplyDelete
  4. @ WT: Wala naman akong sinabing tao 'yan ah. *LOLz*

    ReplyDelete
  5. uuuuuuyyyyy...
    ayiiii.

    inlab! :D

    ReplyDelete
  6. Dahilan kung bakit nagkakaoutbreak ng pimples:

    a. mani (nutella)
    b. stress (sa trabaho?)
    c. chocolate (nutella ulit kinda)
    d. in lababo
    e. all of the above

    ReplyDelete
  7. kuya, call ate ev.. she has a cure for that! kita mo naman, tried and tested ko un! hehe. -eLai-

    ReplyDelete
  8. ano lang yan..

    uhmmmm.. kulang sa ano..





























    sex

    lol biro lang

    ReplyDelete
  9. nutella???

    bakit parang wala nyan sa ref?

    bakit ikaw lang ang me nutella?

    malamang nga, kasi ikaw lang me pimples sa bahay...

    share ang nutella para share ang pimples...

    nyahahahaha

    -lyzius

    ReplyDelete
  10. @ Karmi: Sana nga. Idol ko kayo ni Komski eh. *LOLz*

    ReplyDelete
  11. @ Gillboard: Baka nga all of the above. Hahaha. = D

    ReplyDelete
  12. @ Elai: Nyahaha. Mukhang hindi eepek sa 'kin 'yung binebenta niya. Baka lalo akong magka pimple breakout 'pag gumamit ng ibang produkto. Simpleng Ivory lang kasi gamit ko lagi at astringent.

    ReplyDelete
  13. @ Ferbert: Mukha nga. Hahaha. Hayaan mo maghahanap ako dito. *LOLz*

    ReplyDelete
  14. @ Lyzius: Sorry ka at ubos na ang Nutella. Naishare ko na kina Insan Miko at Jay nung nasa Pinas ka pa. Hehehe. Bilis bili ka mamaya!

    ReplyDelete
  15. bossing, gawa yan ng stress at ng pagpupuyat.

    baka mamantika na din ang mukha mo.

    wala akong maipapayo dyan. tigyawatin din kasi ako.

    tea tree oil daw magandang pangtanggal, try mo.

    ReplyDelete
  16. bwaha haha! astringent! daig mo pa nanay ko ah.

    ReplyDelete
  17. mamatay na nga sana ang mga multo na yan. hehe. naku baka umiibig ka kaya ka nagkakapimples. hehe.

    ReplyDelete
  18. apir tayo..ako din may 4 sa mukha..pero alam ko ang reason..magkakaron na kasi ako...baka ikaw din magkakaron na,hihihi...

    ReplyDelete
  19. tigyawatin sana lahat ng tigyawat.
    para maranasan ang sadlak at hirap na kinakaharap.

    ReplyDelete
  20. mukhang umiibig ka na naman tsong ah. hindi kaya? hehehe =D

    ReplyDelete
  21. di ba 22 years old ka pa lang? uso pa rin ang pimples pag ganun ang edad. bwahahah!

    ReplyDelete
  22. uy. binata na.. :D
    pero, ang weird.. pimples sa ulo? aww. sakit nman nun. =(

    ReplyDelete
  23. wahaha. . pareho keo ng ermats co kung kelan tumanda nagkatigyawat. . sa bi nya kulam daw un. . bakapinakulam ka nung multo. . lol. .

    nakiepal lang. .

    ReplyDelete