Monday, December 29, 2008

2008 Year-ender Report


Dahil patapos na ang taong 2008, na-inspire din akong gumawa ng isang Year-ender Report tulad ng kay Pareng Gillboard at ng iba pang bloggers. Naging napaka-makulay din kasi ng taong ito para sa isang katulad kong namuhay sa gasolinahan, at gusto ko sanang muling sariwain ang nakaraan. Halika’t samahan mo akong balikan ang mga ito.


2008 is a year of crucial escape.


Ito ang taon kung kailan gumawa ako ng isang malaking desisyon na umalis na sa trabahong akala ko nung una ay magbibigay sa ‘kin ng kasiyahan at kaginhawaan. Masaklap kasi dito, kabaligtaran ang lahat ng mga nangyari. Aminado naman akong naging mahina ako at duwag sa mga naging laban ko, pero ma-prinsipyo kasi akong tao at hindi ko hahayaan na masasakripisyo ang mga pinaniniwalaan kong tama dahil lamang sa kapangyarihang aking tinamasa at tatamasahin pa. Kaya’t napagdesisyunan kong tumakas na lamang, hindi bilang isang talunan, ngunit bilang isang taong gustong mamuhay ng may kapanatagan ng loob at pagpapahalaga pa din sa ibang tao.


2008 is a year of heartaches and heartbreaks.

Ito ang taon kung kailan nakaranas ako ng MGA matitinding sakit at paghihinagpis dahil sa naging kapalaran ko sa pag-ibig. Nagkadurug-durog at nagkalasug-lasog ang puso kong bigo. Kaya nga siguro madalas akong mag-EMO sa blog eh dahil na din dito. Ito rin ang rason kung bakit minsan ko nang nabulabog ang isang isla sa Zambales, pati na din ang mga bakasyunista nito, dahil sa paghagulhol bunga ng kabiguan.

I had two consecutive failed relationships this year. One is due to the unfaithfulness of the other party, and the other one, problems in communication and misunderstanding of sorts. Hindi naging madali para sa akin ang dalawang break-ups na ‘to dahil I had really loved and cared for the both persons involved, and valued the relationships I had with them. Pero hindi talaga nag-work eh. Sabi nga ni Martin Nievera, “Puso’y lumaban man, walang magagawa...” Kapag problemang pag-ibig pa naman ang pinag-uusapan, apektado na ang lahat pati ibang aspeto ng buhay mo.


2008 is a year of new friendships.

Ito ang taon kung kailan nakakilala ako ng mga taong hindi ko inakalang magiging matatalik kong mga kaibigan. Ito ‘yung mga bloggers na nagsimula ang pakikipagkulitan sa Internet, at nang magkita-kita na ng personal ay parang mga adik lang na hindi na nagawang magsawa sa mga pagmumukha ng isa’t isa. Masyado lang siguro kaming naaliw sa aming nabuong samahan at masasabi kong habambuhay ko na silang pahahalagahan. Nagsimula ito nang minsang maimbitahan ako ng isa sa mga haligi sa blogosperyo na mag-photo op sa Intramuros, at dun na nagsimula ang aming kuwento.

Marami din akong nakilalang bagong kaibigan outside the blogosphere. Mga nakasama ko sa photography club ko sa Pinas. Mga naka-chikahan ko sa mga forums at discussion boards sa Internet na na-meet ko na din sa personal. Mga taong naka-date ko, but it’s either I don’t see myself getting involved with them romantically, they don’t see themselves getting involved with me romantically, right love (?) at the wrong place and at the wrong time, or OK na sana kasi merong chemistry, pero naging panakip-butas lang pala ako dahil hindi pa siya nakakaget-over sa ex niya (Oo, merong ganito. At nagkabalikan na sila ulit. *LOLz*). But the good thing here is, I still remain friends with them. We still get in touch up to now.


2008 is a year of opportunities, sacrifices and decision making.

Ito ang taon kung kailan nagdesisyon akong magtrabaho sa ibang bansa. Hindi ko akalain nung una na dadating ang panahong lilisanin ko ang bansang aking kinalakihan. Meron din kasi akong dugong nasyonalismo kahit papaano at gugustuhin ko pa dating mamalagi na lamang sa Pilipinas. Kahit mahirap ang buhay, basta’t hindi nalalayo sa minamahal na pamilya at mga kaibigan.

Pero ang planong umalis at pumunta ng Singapore ay nagsimulang mabuo dahil na din sa pag-ibig. Binalak kong sumunod sa taong minahal ko ng lubusan na nakabase dito para naman magkasama na kaming muli at ituloy ang dalawang taong pagmamahalan. Ngunit naging huli na ang lahat. Hindi na niya ako nagawang mahintay pa. Nalaman kong meron na siyang kinakasamang iba.

Naging mahirap ang desisyong ituloy pa ang pag-alis ko hindi lamang dahil nandito din sa bansang ito ang taong nagtarak ng punyal sa aking puso. Madami din kasi akong isinakripisyo. Naiwan ko si Mama na mag-isa sa Pilipinas. Naiwan ko ang isang relasyong kakasimula pa lamang, at dahil sa hirap ng sitwasyon ay hindi na rin nagawang tagalan. Naiwan ko ang mga kaibigang kasa-kasama ko, mapa-araw man o mapa-bagyo. Marami ding responsibilidad ang naiwan ko sa Pilipinas.

Pero kinailangan ko talagang gumawa ng malaking sakripisyo. Para sa ikauunlad ko bilang tao. Para sa mga minamahal ko sa buhay. Para sa mamahalin ko pagdating ng panahon.


**********


In a nutshell, this year has been a much better year as compared to 2007. Better in a sense that I am proud of myself with all the accomplishments and life-changing decisions I’ve made. Though this year has been filled with mind-blowing and heart-breaking moments (not all worth mentioning in my blog. *LOLz*), I am quite happy with how I handled myself despite all the challenges and difficult situations I’d encountered and experienced. I have learned a lot of lessons, and definitely become a much stronger person.

Now I can say that I’m ready to face the year 2009, and start it with a loud BANG! Subukan lang akong banggain ng mga negative forces na 'yan. Hinding-hindi ko na sila uurungan. Hehehe. = P


19 comments:

  1. kuya ang pagpasok ng bagong taon ay bigyang kulay mo hehe...

    bilib ako sayo dahil kahit na ang daming dumaan na pag subok sayo anjan ka pa rin hindi sumuko at patuloy na lumalaban..

    nabasa ko ang yung pag kabigo dumadaan talaga sa buhay yun ...
    :b

    gud luck sa darating pa na mga pag subok at xempre sa mga bleesing na matatamo mo...

    gudluck sa career at love life ...

    :b

    ReplyDelete
  2. Isa ngang HIGH FIVE jan gasul at huwaw naman for you.
    honestly, ur really an inspiration to us. yung mga pinagdadaanan mo. halos pareho tayo (except mapayat lang ako ha) dahil gusto ko din may mangyari sa buhay ko. pero hindi ko pa nga lang nararamdaman kung kelan ito mangyayari.

    ur a changed man now. maraming nagbago sayo sa taong 2008 at sana eh dumami pa ang mga opportunity at umunlad ka pa lalo bilang tao at bilang kaibigan na rin sa amin.

    lablayp makakapaghintay yan. hinihintay ka lang ni carmen soo. ang bagal mo kasi. hehehe.

    isa lang ang hinihiling ko sayo gasul...

    sana next year isusulat mo na sa year end report mo for 2009 eh kasama na dun ang pagpayat mo. hahaha. sana!!! lols pis gasul hapi new year!


    Popoy I

    ReplyDelete
  3. kanina ka pa pinagttripan ni popoy o! hahaha.

    good luck sating lahat sa 2009! pasayahin mo pa kami! hehehe.

    ReplyDelete
  4. isang pagbati ang ipinaaabot ko sa iyong "year-ender report". ako rin ay inspiradong magsulat ng aking "year-ender blog post" pero may panahon naman ako para isagad ito hanggang sa a-31.

    hangad ko ang mas mabuting taon para sa ating lahat sa darating na 2009! buti ka pa. "better" ang 2008 mo. ako yata kabaligtaran ng naging kapalaran mo. hehehe

    ReplyDelete
  5. naks! year ender.. usong uso sa ganitong panahon....

    sad naman pala love story mo ng pagpunta sa singapore pero ok lang at alam ko namang nahanap mo kay prin________________ yung totoong pagibig! lolz!

    maligayang pasko at manigong bagong taon 'lex!

    world peace!

    ReplyDelete
  6. WOW happy new Year!!!

    Hehe

    halos lahat may mga year end report...

    ako rin kaya?!

    Hahahah

    ReplyDelete
  7. ang 2008 eh sablay na taon para sa akin, pero itong mga huling araw... gumaganda naman...

    rak en rol!

    ReplyDelete
  8. welcome 2009!!! ayos lang yan, charge mo lahat sa experience... ganon lang naman... everything happens for a reason... :)

    ReplyDelete
  9. uy, salamat sa special mention!!!

    napakakulay pala ng taong 2008 para sa'yo. Hanga ako sa tapang mo, di ko ata kaya magpunta sa ibang bansa para makipagsapalaran, pero kinaya mo.

    Kampay tayo para sa mas makulay na 2009!!!

    ReplyDelete
  10. nakakatuwa dahil naging maganda ang taong ito para sa iyo. ang mga heart aches mo naman ay ang mga magpapalakas sa iyo.. so sa susunod na taon, gud luck and more blessings to come!

    ReplyDelete
  11. ngapala yung picture sa post mo na to... parang similar sa mama dun sa bay sa Wellington. ala lang...

    ReplyDelete
  12. all the best for the year to come!

    sama sama nating banggain ang mga negative forces na yan...

    naliliitan ba sila sa kaha natin ha, gasul???

    ahahahaha...

    ang diet!!!!

    ReplyDelete
  13. more good luck gasul.

    all the best for 2009.

    ReplyDelete
  14. parang exciting at medyo malungkot nga ang 2008 mo.

    wala akong masabi... hehehe. Nakakabilib kasi napakawalng kwenta ng taon ko.

    maligayang taon at nawa'y maging masagana ang susunod na taon!

    ReplyDelete
  15. gasul, yung bang start it with a loud BANG! kamo eh yun ba yung BANG as in putukan na nasa isip ko? hehe.. jowk. (or not? hihihi)

    every new year is the start of all sorts of opportunities sa lahat ng tao. let's make the most of what we have para naman yung markang maiiwan natin sa mundo eh hindi lang yung klaseng mark na naiiwan sa underwear kapag hindi kaagad nakapasok sa kubeta. hihi

    *shy* nagagalak ako (at may paskip-skip pa) na nakilala ko kayong mga malulufet na bloggers nitong taong ito.

    :)

    ReplyDelete
  16. naging bro ka rin pala at capital s nitong 2008. hokey lang yan. :)

    ReplyDelete
  17. Subukan lang akong banggain ng mga negative forces na 'yan. Hinding-hindi ko na sila uurungan. Hehehe. = P

    hanep sa fighting spirit o,haha!
    parang Mike Enriquez lang.."hindi ko kayo,tatantanan!" hahaha!

    aja! gudluck sa 2009,wish you all the best, more blessings.....and lablayp? hehe!

    ReplyDelete
  18. teka...

    tama ba yung nakita ko? may hubo't hubad na lalaki sa taas ng post na to? ano ang relevance? hahahaha!

    ReplyDelete