Tuesday, December 2, 2008

Huwaw! [UPDATED]



“I’m not expecting this, I swear!”

Natatandaan ko, ‘yan ang famous line ni Miss Lea Salonga nang manalo siya bilang Tony Awards' Best Actress sa Broadway musical na Miss Saigon. ‘Yan din kasi ang gusto kong masambit sa kachikahan, kabalitaktakan, at kaibigan kong blogger na si Ron Turon, dahil ampucha, ginawa niya akong “Featured Blogger of the Month” for December sa kanyang blog. Huwaw! Shyet na malagket! Check niyo ‘tong link na 'to, bilis!

Totoo at walang halong stir, hindi naman ako nagsimulang mag-blog at nagpapatuloy pa din sa pagba-blog hanggang ngayon para maghangad na mabigyan ng recognition tulad nito. Hindi din ako patuloy na bumibisita at nagbabasa ng mga blogs ng iba para lang makipag-xlinks at mag-expect na bumisita at magbasa din sila ng aking blog.

It all started as a therapy, and it still is. Kung talagang nagbabasa kayo ng blog ko mula sa simula, malalaman niyo na EMO blogger talaga ako. Lahat na ata ng kadramahan ko sa buhay simula nung isang taon eh naisulat ko na. Akala ko kapag nakaalis na ako sa gasolinahan na kinasadlakan ko dati eh matitigil na ang lahat ng kadramahang ito. Hindi pa din pala. Nagpapatuloy ito hanggang ngayon kahit na nandito na ako sa Singapore.

Pati ang pagbabasa ko ng blogs ng iba ay naging therapy ko na din. Para ko lang kasing kakuwentuhan ang mga bloggers na ito, at hindi naglaon eh naging mga totoong kaibigan ko na. Atsaka, mahilig talaga akong magbasa kahit nung bata pa ako. Kahit sa loob ng banyo habang nagje-jebs eh nagbabasa ako. Hindi ko pinapalagpas ang mga label sa likod ng shampoo't sabon dahil sa kahiligan ko dito.

Ang mabigyan ng recognition ng isang tulad ni Ron Turon ay maihahalintulad ko sa “icing” ng isang cake. Hindi siya kasama sa main ingredient, pero malaki ang naiidagdag para mas mapaganda at lalong mas mapasarap ang aking tinatawag na ‘blogging experience’.

Salamat Ron Turon sa recognition na ito, at sa ispeysyal na banner na ginawa mo na talaga namang ako'y namangha dahil napakaganda. Dahil diyan eh me regalo ka sa ‘kin ngayong darating na Pasko. Anong size mo? Daanan mo na lang sa bahay namin sa Novaliches. *LOLz*



LATEST UPDATE:

Ni-correct ako ng babaero one-woman man, fellow Lashing Hero, at kaibigang blogger na si Sher Sher aka Lethalverses. Hindi daw si Lea Salonga ang nagsabi ng "I'm not expecting this, I swear!", kundi si Ruffa Gutierrez during the MMFF Scam.

OK fine. Take it! Take it! *LOLz*

28 comments:

  1. congrats! pareho tayo. therapy ang magsulat at magbasa ng blogs. at di ko rin pinapalampas lahat ng mga bagay na may nakasulat. hehe.

    ReplyDelete
  2. dali magtampo ka na para pilipinong makulit of the month ka na rin.. haha

    congrats ulit!

    ReplyDelete
  3. @ Kirk: Sige pag-uwi ko ng Pinas. *LOLz*

    ReplyDelete
  4. @ FerBert: Oo, nagtatampo ako. Buti pa si Ron Turon... Hmpf! *LOLz*

    ReplyDelete
  5. condom ba yung regalo mo ke ron turon????

    -lyzius

    ReplyDelete
  6. "Atsaka, mahilig talaga akong magbasa kahit nung bata pa ako. Kahit sa loob ng banyo habang nagje-jebs eh nagbabasa ako ng porn." -- huwattt???????

    hahahaha! Kras ka siguro ni Ron Turon kaya ka ginawang blogger of the month. Juk!! Hahaha!

    ReplyDelete
  7. @ Lyzius: Hahaha. Pwede! Anong size mo Ron? *LOLz*

    ReplyDelete
  8. @ Kuya Bob: Naisip ko na din 'yan. *LOLz*

    ReplyDelete
  9. huwaw. congrats kuya. paburjer ka naman! :)

    ReplyDelete
  10. huy koya gas dood. hehe.

    hayaan na po natin si turones kuya, meron nang karylle yun. :) kamusta na kayo ni princesscha? nyahahaha. :) paganti lang. one time lang kuya. hehe. ingat jan sa singapore. :)

    ReplyDelete
  11. congrats...ganda nga ng banner mo gasul..palitan na yang luma dali!!!

    dalian mo sabi eh...baka mawala pa yan!

    ReplyDelete
  12. astig brader, lumelevel-up ka na ha. di ka na talaga mareach. hehehe. =D

    ReplyDelete
  13. huwaw congrats bossing. teka, kapag ginawang blogger of the month may pasalubong, ahm okey ikaw ang blogger of the month ko sa january 2009, ikaw pa ang kaunaunahan. yes, pede na ba yun bossing?lols. size 9 ako.lols

    Popoy I.

    ReplyDelete
  14. abah!... ang lufet... blogger of 'd month kah ni lolo ronz... naks naman.... special ha.... =)

    'un lang... galing nga nung ginawa ni lolo ronz ah....

    congratz!... hehe... speech speech... ay nag-speech ka na palah.. haha...

    ingatz kah dude! GODBLESS! -di

    ReplyDelete
  15. hindi mo talaga pinalampas ang mga labels ah.. hehe. .

    wow! congrats! hehe. . aco kaya kelang magiging featured blogger of the year? awts!

    iba nga naman talaga ang nagagawa ng blogging, ang dati mga hindi co alam ay hindi co parin alam ngayon. . hehe. .

    ReplyDelete
  16. so ganun, hanggang thank you thank you nalang talaga? wala pang pampasamid at panulak diyan? ahihi

    kengkretcheleyshens!

    ReplyDelete
  17. congratumalations sa iyong parangal!!!

    pacheeseburger ka naman!!! burger burger burger!!!

    ReplyDelete
  18. hmmm di ba si Ruffa Gutierrez ang nagsabi nyan when she won the scandalous MMFF Best Actress award before?

    anyway, PABURGER KA NAMAN!!!!

    tongrats parekoy... you deserve it, ikaw lang naman ang hindi nakakakita sa sarili mong talento...

    ReplyDelete
  19. naks, astig. may ganun pala dito, featured blogger of the month. Well, you deserved it I swear evethough you did not expect it. huh? haha tsong mukhang tama si sher sher si ruffa ata nagsabi nun, nung nanalo sa MMFF tapos take-it take-it. hehe tama sila, pacheese burger naman diyan. haha

    _____

    Totoo yan, marami talaga ngayon ang pagala-galang positive na sila mismo di nila alam na positive sila kasi di nila nasusubukang magpa-test. Ingat talaga ang kailangan. sa ngayon more than 3000 na ang may HIV sa PInas, yun yung mga nagpatest at positive, pero kung isasama raw ang mga di pa lumalantad...mahigt 7000 na ang may HIV. MAntakin mo yun? may 4000 na hindi pa nahahanap ng DOH at malamang na nanghahawa na ng ibang tao. haay...

    Maski ako ay nagulat sa mga kwento ni Anthony sa call center...totoo raw na nangyayari yun. hanggang ngayon call center agent par in siya. Nga pala, HIV palang naman ang kalagayan nila, siguro it will take years pa bago sila maging AIDS, o yung tym na wala na...bagsak na ang kanilang immune system at kakapitan na sila ng kung ano anong sakit... ano ba stats ng mga HIV positive diyan sa Singapore? malamang maliit palang. cge tsong ingats diyan. hehe

    ReplyDelete
  20. May I invite you to join Filipinos Unite!!!. You may do so by commenting on my blog or by sending an email to melalarilla@gmail.com stating your name, address, name of blog and the url of the blog. Thank you so much and God bless.

    ReplyDelete
  21. weow.. congrats naman...

    natawa naman ako dun sa kahil label ng shampoo at sabon. siguro pati pag kumakain ka yung nutrifacts naman nung asa table binabasa mo hehehe

    ReplyDelete
  22. nakanampuch! hahahaha!!! may post ka pa pala tungkol dito! lolz!

    asteg! congrats ulit!

    ReplyDelete
  23. tae natawa ako sa take it take it mo. naimagine ko kung paano mo gawin un. hahaha!

    ReplyDelete
  24. boss GD, binabati kita (greet)! gustuhin man kitang yakapin at kalaruin ng charade eh saka na lang paguwi mo. Congratulations! Apir apir!

    ReplyDelete
  25. totoo. matagal ko na na-create yung blog account ko pero nitong year ko lang sinulatan. haha. at syempre delayed din ako sa pag enjoy sa paghang out sa blogosphere. pero totoo, masayang magchill. parang kakwentuhan lang ang mga bloggers kapag nagbabasa ng sulat nila. haha. congrats pala. syempre delayed ulit. apir!

    ReplyDelete