Wednesday, December 10, 2008

Isang Platong Pansit




Naranasan mo na bang mag-Pasko ng walang handa sa Noche Buena?

Ako hindi pa.

Pero nakaranas na ako ng Paskong ang handa lang namin sa hapag-kainan ay isang platong pansit at dalawang basong softdrinks.



**********


Bata pa ako nun. Nasa elementarya pa. Kami lang ang magkasama ni Mama sa bahay namin sa Novaliches. Nasa abroad naman si Papa.

Naalala ko, hindi kami lumalabas ng bahay na dalawa. Parang isang ordinaryong gabi lang. Ilaw lang sa kusina namin ang nakabukas. Marahil ay nagtitipid kami nun sa kuryente. Inihain na ni Mama ang kaisa-isang plato ng pansit na inihanda niya, at sinabihan akong kumain na. Kasunod nito ang bigla niyang pagpasok sa kuwarto nila ni Papa.

Ang lungkut-lungkot ko nun. Siguro dahil sa awang-awa ako sa sarili namin ni Mama sa kawalan namin ng sapat na handa. Pagkatapos kong kumain, pumasok na din ako sa sarili kong kuwarto kahit wala pang alas-dose. Nag-lock ako ng pinto at nagkulong. Tahimik akong humihikbi hanggang sa makatulog na ako.

Hindi na namin nagawang salubungin ang pagpasok ng Pasko.


**********


Wala kaming pera kaya hindi nakapaghanda si Mama para sa Noche Buena. Nagka-problema kasi si Papa sa trabaho niya sa Saudi kaya wala siyang maipadalang pera sa 'min. Ang pagkakatanda ko, hindi sila pinapa-sweldo ng tama ng kumpanya niya dati. Hindi ko alam ang totoong naging problema, pero puro pangako ang ibinibigay ng kumpanya sa kanila. Isa na si Papa sa mga umasang matutupad ang mga pangakong 'yun kaya patuloy ang pagta-trabaho niya doon sa Saudi.

Ang totoo, hindi talaga naging maayos ang kalagayan niya ng mahaba-habang panahon bilang isang OFW. Kaya't kasama na din kaming pamilya niya sa mga naghirap. Ako at si Mama.


**********


Isa ito sa mga rason kung bakit ayoko talaga ng Pasko. Christmas brings back some of my painful childhood memories.

Alam kong hindi tama ang isisi sa mga multo ng nakaraan ang mga nangyayari sa kasalukuyan. Sabi nga ni Henley, we're still the “masters of our fate, the captains of our souls”. Pero hindi lang talaga madali.

Ngayong darating na Pasko, pipilitin ko pa ding maging masaya. Kahit alam kong magiging mahirap kasi ito ang pinaka-unang Pasko kong wala sa Pilipinas at malayo kay Mama.

Sana nga lang talaga ay kayanin ko.

Sana.

Sana.

46 comments:

  1. Natandaan ko pa nung nag away ang parents ko xmas eve non. Yun ang pinakamalungkot kong pasko.

    Parehas tayo, 1st time ko din magpapasko malayo sa family ko...nakakalungkot iba pa rin kase ang Xmas sa Pinas.

    Sana maging Merry ang Christmas mo this time... Smile!

    ReplyDelete
  2. ako rin, pinipilit kong sumaya kahit alam kong hindi ko kaya dahil kulang...

    ReplyDelete
  3. buti nga sa inyo pansit. sa amin tinapay lang at saka star margarine tapos isang litrong coke, noche buena na yon. pero ayos na yon, minsanan lang kasi makatikim.

    ReplyDelete
  4. hay ang lungkot! wag naman sanang masundot ang bahay lungkot ko at baka magtuloy tuloy na naman!

    ReplyDelete
  5. kailangan talaga nating pasayahin ang bawat pasko na dumadaan dahil ito ang naaalala natin sa hinaharap...

    kaya gagawin ko ang lahat maging masaya lang ang paskong ito, baka kasi sa susunod hindi na kami magkasama... hay.

    isang platong pansit man yan, basta't magaan ang puso at magkasama at kumpleto, malamang nakangiti ako nyan.

    wish u d best this xmas

    ReplyDelete
  6. join the club na rin ako, its also my first xmas away from home..

    i know ull get through xmas.. ull be fine....you have friends around you, you'll be alright.. isipin mo na lng na kaya hindi mo kasama mama mo this xmas is because, para sa kanya rin yang ginagawa mo..

    a blessed and meaningful christmas to u..

    ReplyDelete
  7. hindi naman importante ang handa...

    ang importante magkakasama kayo ng mahal mo sa buhay di ba?

    ang aga aga... emo ka agad.. but dont worry madami ka namang pera ngayon at kasama mo pa si prin... lolz!

    cheer up!

    ReplyDelete
  8. reading this, parang nahihiya ako sa sarili ko, kasi ang babaw ng dahilan kung bakit ayaw ko ng Pasko.

    Pero regardless of what happened, past is past... try mo mag-enjoy dyan sa Singapore, bilhan mo ng regalo sarili mo, para mapasmile ka...

    ReplyDelete
  9. maswerte pa nga at may handang pansit, eh kami nun wala talaga. pero okey lang kasi nagsisimba naman kami nila mama atsaka okey lang din kasi may handaan naman ng kinaumagahan. hindi ko ikinalulungkot kung may handa man o wala basta ang importante ay inabot ko ulit ang pasko at kasama naman ang mga mahal sa buhay.

    pero siguro oo, iba iba tayo sa pagdiriwang ng araw na ito. may mga tao talagang sadyang ganyan ang magiging reaksiyon dahil na rin siguro sa mga dagok sa buhay. pero gasul, okey ka na ngayon, ipalasap mo na sa mama mo na kahit malayo ka ngayong pasko ay magkasama pa rin kayo at ang isang platong pansit ay magiging isang bilao na at maraming pang handang iba. :)

    Merry Xmas Emo Boy! :)

    ReplyDelete
  10. masaya kayo sa christmas niyo. sigurado madami kayong handa c/o dalawang money-gers. tapos may costume party pa. tapos may exchange gift pa kayo. tapos may baloons. tapos may cake. tapos may party hats. tapos may ice cream. spaghetti at chicken. teka, nung birthday party ata to ah. ah basta! magiging masaya kayo sa pasko!!!!

    ReplyDelete
  11. There are a lot of reasons to smile lalo na ngayong Pasko. Try to push back the painful memories and replace it with new and joyous one. If you can't, still try to push harder. :)

    ReplyDelete
  12. mahirap nga talaga mag-celebrate mag-isa sa pasko. malamang andyan naman mga housemates mo. at isang tawag lang kay mama solb ka na. (iba nga lang talaga pag nayayakap at nahahalikan mo.)

    pero kaya mo yan. kelangan lang ng tatag ng loob.

    ReplyDelete
  13. shit happens for a reason mapren.

    hindi lang ikaw ang nakaranas ng ganyan. Halos lahat tayo may sad christmas din.

    :)

    ReplyDelete
  14. makakagaan ba ng dalahin mo kung sasabihin ko sayong hindi lang isang pasko namin naranasan ang mga walang handaang noche buena? hehehe..

    natatandaan ko pa nun, maliliit pa kami, baby pa sina cha at kyin nun, na hindi kami nagbukas ng pinto at bintana para pag me darating na tao eh iisipin nilang walang tao sa bahay...

    di ka nag iisa dude sa mga malungkot na pasko moments..wala naman sa handaan yan, kundi nasa saya na kasama mo ang mga mahal mo sa buhay...

    errr.. di nga pala natin kasama ang mga mahal natin sa buhay ngayon...

    sige mag emote na lang pala tayo...

    ReplyDelete
  15. o sya sya, join in the club na nga din ako dahil ito ang aking first chirstmas na wala ako sa pilipinas.. ang unag pagkakataon na malamig ang aking pasko dati kasi kahit medyo mahamog sa pilipinas, i was surrounded naman by the warmth of love of my love ones! tayu na lang magsama sama sa pasko lol ^_^

    ReplyDelete
  16. pero atleast alam mong di na mauulit ang masamang pangyayaring yan sa buhay mo... so dapat icelebrate mo na yung christmas ng bonggang bonga para makalimutan mo na yung paskong yun... tsaka isang pasko lang yun at tapos na yun at marami pang paskong pwede kayong bumawi...

    sana kinausap ka ng mama mo ng panahon na yun para di tumatak sa isipan mo ang mga pangyayaring iyon pero alam ko tao lang ang mama mo at may kahinaan din...

    ReplyDelete
  17. hindi kita masisi kung hanggang ngayon nakatatak pa rin sa likod ng isipan mo ang mga malulungkot na pangyayari noon. ganon naman talaga ang psychology ng tao, laging bumabalik-balik sa nakaraan. positive thinking ka na lang, at iyon ang paghariin mo sa iyong kamalayan. iba na ang estasyon mo sa buhay ngayon. wag kang patatalo sa mga multo ng nakaraan. importanteng mabuhay sa kasalukuyan.

    ReplyDelete
  18. emo...hehehe. Pero mahirap talaga yun ganun, isipin mo nalang ham yun..kidding aside, hanga talaga ako sa sakripisyo ng mga expats at OFW's na kagaya nyo. Iyakan nyo na lang ng bonggang bongga, yun tulo sipon ha, tapos magpapadyak ka pa. Basta hanga ako sa inyo. Merry Christmas!

    ReplyDelete
  19. naranasan ko na walang handa sa pasko.

    worst, naranasan ko na walang maihanda kahit hindi pasko.

    :)

    one bad experience should not stop you from enjoying the other experiences that will come. Who knows, this Christmas could be one, if not the most, happiest Christmas you'll ever have.

    Just keep that smile on your face. :)

    ReplyDelete
  20. Kahit walang handa, basta sama sama. Kaya mo yan tol, tawagan mo na lang sila.

    Teka, nasan na pala yung tag? Wahaha!

    ReplyDelete
  21. ...alam naman nating pag sinabing christmas kailangan may handa sa hapag-kainan at may magarbong damit...kung isang platong pansin man ang handa nyo nung paskong yun isipin mo na lang na mas maswerte ka pa rin kasi yung iba nga nagce-celebrate ng pasko sa ospital, sa kulungan, at kahit papano kasama mo ang nanay mo samantalang yung iba nag-iisa habang pasko!..

    ...isa lang naman ang panuntunan para sumaya yun ay ang makuntento kung ano ang meron at magpasalamat sa Taas...


    ...ngayong umikot na ang mundo mo sa darating na pasko magpakanton ka naman!..hihihi

    ReplyDelete
  22. aww. you can always call home. kaya mo yan. be strong. :)

    ReplyDelete
  23. naranasan ko nang mawala sa pamilya for 3 straight chritmases. medyo malungkot talaga.

    pa-kunswelo na lang yung mga kaibigang kasama ko.

    ReplyDelete
  24. sa amin, hindi kami nasanay na may handa sa pasko. ordinaryong araw lang samin yun. tuwing bagong taon kami naghahanda para one shot big time ang saya. hehehe.

    ReplyDelete
  25. ilang pasko na rin kaming pasta lang ang handa. yun nga lang nasasabay sa birthday ng tita ko kaya may cake. pero kapag bagong taon talaga kami naghahanda, para swerte daw sa buong lungkot ng taon na darating. ang lungkot ng kwento.

    ReplyDelete
  26. kami, parang sina ardyey din... hindi ipinaghahanda ang NOche Buena... maliban na lang ng nasa haiskul na ako.. nakukulit ko na si nanay na magluto ng spaghetti, hehehe. Usually talaga, media noche ang bonggang handa!

    Nwei, dont worry, di lang ikaw ang magcelebrate ng Paskong di kapiling ang magulang... madami tayo. We opt to be away hoping for better future not just for ourselves but most especially for our loved ones so we must bear with it. Isipin mo na lang na ordinaryong araw ang Paskong darating.

    Just call your mom.

    Cheers for us!!!

    ReplyDelete
  27. Napadaan lang. May panahon dati nung High school ako na wala kaming handa kundi yung inabot na handa ng kapitbahay namin tapos wala kaming kuryente.

    OK lang kasi sinubukan namin magpaka-optimistic at tinawanan namin ang kamalasan sa buhay.

    Yun naman ang Filipino way. Just try to make the most out of it, medyo mahirap pero ganyan ang buhay. Pagtitibayin kayo nyan.

    ReplyDelete
  28. kami noong una wala ding handa..dahil wala din si tatay..

    malungkot nga..pero parati ding naman sinasabi ni nanay ang rasun kung bakit walang handa..

    naiintidihan ko kahit awa din ako sa pamilya ko..

    kaya ngayun, dahil may work na tayu, kahit indi tayu kasama nila ngayung pasko, cguraduhin nalang natin na may handa sila na makakain..

    ayoko nang maulit yun,

    ReplyDelete
  29. bili ka na lang din ng isang order ng pansit dyan sa planeta mo para nyari di ka malayo sa bahay nyo hehehe...

    o kaya dalin mo na lang dyan si mama mo para mas masaya ang pasko mo :)

    meri xmas!!!

    ReplyDelete
  30. kapag pasko, kahit na utang, may handa kami :D at may binibigay din para sa mga nagmamano. takang taka ako kung bakit mantalang kulang parati ang pera pero pag pasko, super todo bigay. kasi sabi ng tatay ko, minsan lang daw ang pasko. magkakaron din ng pagkakataon na magiging maligaya ang pasko para sa iyo, pramis. hugs!

    ReplyDelete
  31. This post brings back memories of my childhood. Andami ko ring painful christmas experiences. Kaya nga i no longer look forward to it.

    Pero kahit papano, we still should try to be happy.

    Get together tau sa pasko?

    ReplyDelete
  32. Hindi importante kung anu ang nakahanda, basta masaya kang kumakain kasama ang mga taong nagpapasaya sayo...

    Kami, masarap nga ang handa pero iba ang laging kulang sa araw na yun...

    ReplyDelete
  33. nung namatay si mama. november yun eh.. pagdating ng christmas hindi kame naghanda. wala kameng pera, naubos kakapagamot kay mama saka sa mga gastusin sa libing. kaya hindi ko din naeenjoy ang pasko dahil dun. :D

    ReplyDelete
  34. maraming beses na rin akong nagpasko na parang ordinaryong araw lang. minsan nagpasko ring walang masyadong handa. pero inisip ko na lang nun na maging masaya na lang kung ano ang meron kami kasi ang importante kumpleto kami sa noche buena! meri xmas!~ lols.

    ReplyDelete
  35. tama yung nagsabing maging optimistic tayo..pag-isipan na lang natin pano sumaya sa darating na pasko....punta ka sa amin sa Bt.Batok sa araw ng pasko at ipaghahanda kita ng Roti Prata,Teh Tarik,fish head curry, mulligatawny soup at Mee Goreng.lol!...mey ta-paw ka pa.

    ReplyDelete
  36. i hate christmas











    .xienahgirl

    ReplyDelete
  37. kuya, merry xmas po and happy new year. ingat! ;)

    ReplyDelete
  38. merry christmas!

    wag nang malungkot, inuman na :-) kampay!

    ReplyDelete
  39. ayaw ko rin ng pasko.

    mas marami kasing painful memories akong naalala na..may worst xmas ever is nung nag celebrate kami nun ng nanay ko sa hospital,1 month kami sa hospital, at inabot kami ng pasko after 2 months kinuha sya ni God samin, yun na pala ang last x-mas ko with her.

    ska bihira kami mag noche buena,its either hapunan lang ng dec.24 o mismong 25 na ang kainan,hehe! mas importante samin matulog kesa intayin ang 12 midnight.lols!

    daan lang po.meri xmas!

    ReplyDelete
  40. @ All: Salamat sa mga comments at concerns. Sobrang na-appreciate ko. Hayaan niyo, mukhang magiging masaya naman ang Pasko ko kahit papa'no. Huwag lang sana akong topakin. *LOLz*

    ReplyDelete
  41. :(

    wala ako masabi... isa pa rin ito sa namimiss ko sa barkadahan natin : walang make believes. walang pagkukunwari.

    i'm proud of you, gasul!

    ReplyDelete
  42. pansit palabok sa red ribbon macharap! hehehe

    ReplyDelete
  43. hay naku..buhay OFW nga naman...sad na masaya =]

    cheer up dude!

    ReplyDelete
  44. actually i'm not big on Christmas and New Year holidays either. More happy memories pa for Halloween... Pero alam mo, these kinds of memories make people like us stronger, d b?

    ReplyDelete
  45. ang lungkot. ayoko ng ganitong mga kwento. dapat masaya tayong lahat :)

    ngiti na gasul. one year ago pa ito. malamang iba na ang pananaw mo sa okasyon pag disyembre ;)

    happy new year! :)

    ReplyDelete