Friday, December 26, 2008

Pasko, OFW-style


Natapos na naman ang isang Pasko. Kumusta naman ang mga naging selebrasyon niyo? Ako? Gaya ng nasabi ko dati, ito ang unang Pasko kong wala sa Pilipinas at malayo sa pamilya. But it was not really as bad as I'd expected. Na-enjoy ko naman ang Pasko kasama ang mga hausmeyts-slash-kaibigan ko. Isa ako sa mga nagpakitang gilas sa pagluluto para sa Noche Buena namin, at mukha namang nagustuhan nila ang aking Fried Chicken na mala-KFC sa lutong at sarap, at ang aking specialty na Buffalo Wings with Bacon Ranch & Honey Mustard Dressing na pinagkakaguluhan ng aming mga kapitbahay sa Novaliches at pilit na inaalam ang mga main ingredients. *LOLz*

Kinalimutan ko muna for the meantime ang pagda-diet. Wala akong ginawa nung Christmas Eve at mismong Christmas Day kundi lumamon ng lumamon. Ang sarap talagang kumain! Shyet! Pero hanggang ngayong taon na lang tatagal ‘yang kasibaan ko sa pagkain. Pinapangako ko sa sarili ko na magpapapayat na ako starting next year para pagdating ng Summer 2009 eh hindi na nakakahiyang magbalandra ng shirtless na katawan sa beach. (Teka, parang ito din ‘yung New Year’s Resolution ko nung isang taon ah. *LOLz*)

Nagpakalunod din kami sa alak. Name it. Vodka. Gin. Martini. Nakapila pa si Manong Jose Cuervo at Pareng Jack Daniels, pero hindi na talaga kinaya ng aking mga hausmeyts. Napatunayan ko na kahit papaano eh malakas pa din pala ang tolerance ko sa alcohol dahil hindi ako nagsuka sa kalasingan (o baka naman dahil madami lang talaga akong nakain bago kami uminom kaya hindi ako masyadong tinalaban?).

Iba-iba ding drama ng buhay ang aking nasaksihan nitong Holiday Season. Para lang akong nanonood ng teleserye sa TV. May sigawan. May iyakan. Mga walang katapusang bangayan at komprontasyon (ala-Catherine at Scarlet sa “Iisa Pa Lamang” *LOLz*). Meron pang scene na lumuluha habang sumusuka sa inidoro, habang binabanggit ang mga katagang “Ayoko na… Hindi ko na kaya… Madami nang nadadamay…” Ang buhay nga naman ng isang OFW. Kahit Paskong-Pasko eh madaming kadramahan. Akala ko dati ako lang ang magmo-moment eh. Hehehe. = P

Tumawag din ako kay Mama nung Pasko. Ito siyempre ang pinakamahalaga, ang maparamdam sa kanya na kahit malayo man, malapit din. Natanggap na daw niya ang aking pinadalang pera at mga tsokolate, kasama na din ang mga iba’t-ibang brand ng sabon at ang mga litrato ko dito sa Singapore na aking ipina-develop pa para sa kanya. Para naman hindi niya ako masyadong ma-miss at nang makita niya kung gaano ako tumaba pumogi pang lalo dito. *LOLz* Siyanga pala, pupunta si Mama dito sa Singapore next month para magbakasyon ng dalawang linggo. Birthday treat ko ’yun sa kanya kaya excited na din ako.

Bago ko makalimutan, nagkaroon din pala kami ng exchange gift sa bahay. Nakuha ko na ang matagal ko nang inaasam na matanggap: isang comforter set. At long last, meron ng magbibigay sa akin ng comfort sa mga panahong malalamig ang gabi. *LOLz*

BELATED MERRY CHRISTMAS SA INYONG LAHAT! Tulad ko, nawa’y naging maganda at masaya din ang naging selebrasyon niyo nitong nagdaang Pasko.

22 comments:

  1. ako ba unang magcocomment? ay oo nga huwaw naman por me!!!! (applause)


    anw, gasul mukhang maganda at naging msaya naman nga ang kirismas mo ng malayo sa pamilya. sabi ko sayo eh, ganyan lang talaga ang buhay. diskartehan kung pano lalabanan.

    since pupunta naman si mama mo dyan neks mant abay gawin mo uling xmas diba? at masaya naman ako por yu kasi nga makakapagbakasyon din si mama mo dyan. huwaw naman yan for you!!! hahaha.

    belated meri xmas din at sana matupad mo yang new years resolution mo na magpapayat, kasi ang taba mo na o kasing taba mo na si ano ahmm si...ike lozada? lols biro lang :)

    Popoy I.

    ReplyDelete
  2. Gagu ka Popoys! Ganyanan pala ha. Haha. Teka, nabasa mo ba comment ko sa picture mo sa Multiply? Skinny jeans? *LOLz*

    ReplyDelete
  3. oo nabasa ko na. oo nakaskinny jeans ako dun dahil payat ako PAYAT AKO GASUL!!!

    uulitin ko, PAYAT AKO HAHAHA!!! biro lang :)

    Popoy I.

    ReplyDelete
  4. feeling ko matagal na kitang binabati ng merry christmas kaya happy new year na nga lang. Naku, meron ka pa palang new years resolution? LOL! buti naman at nakuha mo na yung inaasam mong comforter, habangg tina type ko ito ay nangingitom na ang aking kuko sa lamig. sana summer na!!! anyway, lutuan mo naman ako ng sinasabi mong mala kfc mo na chicken ^^

    ReplyDelete
  5. @ Popoy: Fine. Oo na, payat ka na! 'Pag ako pumayat din eh walang pansinan na magaganap. *LOLz*

    ReplyDelete
  6. @ Cyndirellaz: Sos, 'yun lang pala eh sige punta ka dito sa Singapore at ipagluluto kita ng chicken. Hehehe. = P

    ReplyDelete
  7. ayos naman pala paskuhan nyo dyan...buti ka pa nga daming housemate..kami ni Ina eh naghanap lang ng makakainan..hahaha

    belated hapi pasko!

    ReplyDelete
  8. halu kuya! lahat naman yata ng nagda-diet eh hindi mapigilang kumaen pag pasko... hehe. ako gumana ang aking pgiging anti-social noong noche buena. hehe.

    ReplyDelete
  9. Sarap magcelebrate ng Pasko kasama ng mga bagoing kaibigan... Kasi minsan, parang nakakasawa na puros mga parehong mukha lang nakikita mo...hehehe..

    nakakamiss nga lang..

    ReplyDelete
  10. shet bakit nawala yung bongga kong comment...

    anyway eto lang yun o:

    ahahahahaha...sayang di ko nakita yung nag moment sa inidoro with matching suka at mga dayalog...ahahahaha...kala ko kasi ako lang me moment nung gabing yun at me nang agaw pala ng eksena ng di ko namalayan...

    di na kaya???? ang daming beses ko na narinig yan...

    doncha wori gaya ng pangako ko sayo, moment mo ang new years eve...

    hehehehe...

    new years resolution ko: hindi na ako iinom ng alak...pramis!


    -lyzius

    ReplyDelete
  11. wow.. buhay ofw nga nman.. makulay na makulay..

    maligayang pasko din parekoy!

    nakikibasa lang...lols

    tagalog na eh.. dati kailangan ko pa nga diksyonaryo.

    ReplyDelete
  12. i-chismis mo nga sa kin ang mga bagong chismis sa bahay ni money-ger, nyahahahaha! seryoso yun ha, chismis mo sa kin ha, ahahahaha!

    ReplyDelete
  13. Ikinagagalak kong marinig na masaya ang Pasko mo dyan (kahit wala kami, LOL).

    Ngayon, marami ka nang inspirasyon sa mga entry na mala-Isang Platong Pansit. :D

    ReplyDelete
  14. “Ayoko na… Hindi ko na kaya… Madami nang nadadamay…”

    dito ako natawa. kahit saan yata merong ganitong moments kapag lasing. umaamin ang mga makasalanan. hahahaha! =D

    ReplyDelete
  15. Happy Christmas sa iyo Gasul... Katulad mo, isa rin akong baguhan dito sa Isla.

    To a great 2009 for all of us here!!

    Cheers pare!!!

    ReplyDelete
  16. medjo natawa ako while reading ur blog..naexperience ko kasi ung mga ganyang moment lalo na pag lasing..hehehe..atleast u enjoyed ur holiday away from home...

    mukang masarap ung chicken at buffalo wings mo ha..kelan ko kaya matitikman.."wink"

    belated happy pasko...
    advance happy new year..

    ReplyDelete
  17. ay naku dude.. 3 beses kong naranasan magpasko sa abroad at alam ko na yang OFW style ng pasko.. hahahaha

    maligayang pasko at manigong bagong taon!

    ReplyDelete
  18. boss gasul!!! hehe. merry christmas.

    hmmmmm, buti naman at masaya naman ang pasko mo, mukha ngang cool yun lumuluha at sumusuka at the same time...with matching litanies about life pa. . .

    hehe, may perks pala ang pagiging teacher sa school ng mga mayaman, bossing, dami kong gifts. hehehe. . .

    ayun, namis lan kita kahit feeling close lan talaga ako. hehehe. =p

    flyfly!

    ReplyDelete
  19. ako gusto ko rin ng recipi ng manok mo, hehe

    gutom ako nitong pasko kasi yung gansa na pinaka-aantay namin e hindi ko pala matake. pang isda at pang manok at baboy lang talaga ang sikmura ko, hehe

    ReplyDelete
  20. anong chikrit ingredients ng buffalow wings? shemes dapat i-share diba. hehehe

    belated merry christmas!!

    ReplyDelete
  21. awww. congrats at nakuha mo ang comforter :) at masaya ka ngayong pasko.. :) happy holidays :)

    ReplyDelete
  22. HAPPY NEW YEAR FROM ME, WIFEY and LILO!

    ReplyDelete