Wednesday, December 31, 2008

Perfectly Fine in 2009!


Shyet! Bagong taon na bukas!

Meron akong fearless forecast for 2009: This, i think, will be a tough year for me. Ewan ko ba, medyo kinakabahan din ako sa taong padating. Siguro dahil na din sa global economic crisis na sinasabi nilang mas mararamdaman daw ngayong 2009. Nakakatakot lang kasi. We don’t know what lies ahead of us. Everything is quite uncertain.

Kaya’t bilang pangontra sa mga negative vibes na aking nasasagap ngayon pa lang, naglista na ako ng mga New Year Resolutions na taun-taon ko naman talaga pinagpa-planuhan, pero most of the time eh hindi ko nagagawa. *LOLz* Pero pramis this time eh gagawin ko na. (Maniwala ka. Hehehe.) Medyo iibahin ko na lang ang approach para naman mas realistic at mas attainable ang goals ko for next year.


Eat less, exercise more.

In short, DIET. Taun-taon na atang nasa top-of-the-list itong resolution na ito, pero wala naman ding nangyayari. Mas lumala pa ngayon dahil simula ng pumunta ako dito sa Singapore eh malaki na ang inilobo ko. Hindi ko na lang sasabihin kung ilang pounds pa ang na-gain ko dahil baka ikagulat niyo lang. *LOLz*

APPROACH: I’m planning to start a new blog, specifically a food & exercise journal, para naman mas ma-monitor ko ang intake ko ng pagkain at exercise schedules na din. Tapos balak ko ding mag-signup na ulit sa gym, but if ever this time eh mas mamo-motivate na akong mag-work out regularly dahil kasama ko na ‘yung officemate ko tsaka asawa niya. Balak ko ulit career-in ang cycling at resistance training.


Save. Save. Save.

Isa pa ‘to. Lagi din ‘tong nasa listahan ko, pero walang nangyayari. Kailangang mag-materialize na ito starting 2009 kasi iniisip ko, what’s the use of going here in Singapore kung wala din naman pala akong maiipon?

APPROACH: Bumili ako last week ng dalawang alkansiya. One for my coins, and one for my paper bills. Medyo old school approach, pero feeling ko mas makakaipon ako ‘pag ganito. Balak ko din sanang maging active ulit sa mutual funds, but I’m not sure if this is the right timing since bagsak ang market ngayon. Pag-aaralan ko pa ulit mabuti at magbabasa-basa. Gusto kong bumalik sa pagiging passive entrepreneur like before.

Balak ko ding mag-start ng new blog on financial management, pero bahala na. This idea is not too much of a priority now.


Read more books.


Isang blogger ang nagpa-inspire sa ‘kin na magbalik-loob sa pagbabasa: si
Kevin (a.k.a. UtakGAGO-slash-MentholGuy). Bata pa ‘to, pero matagal ko nang idol pagdating sa blogging. I make it a point to read his blog as often as possible, at lagi siyang may posts about the books that he read. Dahil mukha siyang may good taste sa mga literary works at credible pagdating sa pagbibigay ng book reviews, balak ko na siyang kuning Literary Advisor (pero walang suweldo). *LOLz* Mahilig naman talaga akong magbasa dati pa, but I guess as you grow older, you don't get to prioritize such activities. Dahil feeling ko eh nabobobo na ako dahil sa trabaho at sa mga walang kuwentang bagay atsaka gusto ko na din ulit maging “cultured” ('ika nga ni Wawsabaw Rens) eh magbabasa na ulit ako ng mga libro.

APPROACH: OK na ba ‘yung 1 book each month? Bumili na ako ng dalawang libro the other day to start on, and I’m presently reading one now. It’s entitled “The Road", at ang author ay isang Pulitzer Prize winner na siyang nagsulat din ng “No Country for Old Men” (which was made into a movie lately). Then the other one, “The Time Traveller’s Wife”, na sobrang recommended ng mga book critics online. Tapos meron pang "Twilight" at "New Moon" sa bahay (courtesy of
Princess Cha), pero nagdadalawang-isip pa ako kung gusto ko talaga siyang basahin. *LOLz*


Tardiness no more.


Matagal ko ng sakit ang pagiging late lagi. Mahilig din akong mag-procrastinate. Kaya sana eh mabago ko na ang bad habit na ito dahil hindi na siya nakakatuwa. Hindi na din siguro natutuwa ang mga Bossings at mga kaibigan ko dahil dito.

APPROACH: “It’s better to be too early than too late.” Lagi ko na lang ‘yan iisipin, at ia-adapt na din sa buhay.


Allot more time for my Maker.

Andami-dami kong blessings na natatanggap coming from Him. Halos lahat ng hinihiling ko eh natutupad. But I am this ungrateful son na nakakalimot na. Hindi ko man lang Siya mabigyan ng kahit kaunting oras. Mas may oras pa ako sa mga kaibigan, sa blog at sa Plurk. Sobrang naging unfair na ako sa Kanya. What kind of monster have I become?

Approach: Dinala ko ang Holy Bible ko tsaka mga prayer books ko dito sa Singapore from Pinas, kaso hindi ko na siya nabubuklat lately at inaagiw na. I guess it’s time to redeem my faith and renew my relationship with Him. And also, I would want to start praying more for others rather than myself. So if you have any prayer requests at gusto niyong ipagdasal ko kayo, let me know. Seryoso po ako dito. Feeling ko kasi malakas ako kay God eh baka makatulong din ako sa inyo. = D

**********

Madami pa talaga akong mga plano na gustong isagawa at mga bad habits na gustong baguhin sa taong 2009, pero baka kapag hinabaan ko pang lalo ang listahan ko ng mga resolutions eh lalo ko lang hindi mabigyang prioridad. Kaya ‘yan na muna sa ngayon, at bahala na si Batman sa iba. *LOLz*

MAY YOU ALL HAVE A HAPPY AND PROPEROUS 2009!

FROM THE GASOLINE DUDE WITH LOVE.

40 comments:

  1. waah. nauna ba ako? hehehehe.

    buti ka pa nkagawa na ng new year's resolution. basta ako hindi ako magpapakabet this year. baka kasi kunin agad ako ni lord. hehe. happy new year!

    ReplyDelete
  2. first time ko dito!

    pareho tayo ng resolutions, magpapayat, mag-ipon at magbasa. haha

    Happy New Year!

    ReplyDelete
  3. Bro salamat sa pagcomment mo sa blog ko, hehhe

    well di mo naitatanong eh mataba ako dati, pero dahil sinabihan ako ng ex ko na mukha akong sebong naglalakad eh nagpapayat na ako.

    tips lang, subukan mong uminom ng maraming tubig. wag gugutumin ang sarili. basta liitan mo lang ang servings pati narin ang plato mo (para madayang tingnan). at laging iinom ng tubig sa bawat subo. Tyak within 1 month magloloose ka na.

    effective sa akin, sana maging effective sa iyo.kung kailangan mo pa ng tips sabihin mo lang.

    ingat at hapi new year

    ReplyDelete
  4. Aww thanks for the mention! :D

    One book/month is a good start. It might flare up your long-dormant interest in reading. :D

    Talagang english ha. LOL. :))

    LATE ako since birth.. sa kahit anong pupuntahan o gagawin. Tingin ko kasama na sa buhay ko ang pagiging late, kaya di ko na siya ginagawang resolution.

    Happy New Year! :D

    ReplyDelete
  5. magpapapayat ka din pala! prehas tau! happy new yr sau kuya gasdude! :)

    ReplyDelete
  6. manigong bagong taon sa yo! at ayoko ng maglista ng resolutions kasi paulit ulit lang e, haha

    ReplyDelete
  7. happy new year!! sana matupad mo ang mga new year's resolution na yan!! gud luck for the new year ahead!

    isa din sa new year's resolution ko ang mag ipon kaso di mo din kasi maiiwasan yun eh, anyway ung sa mutual funds, i think it's not a good time either ^^

    ReplyDelete
  8. as for the books go for twilight, new moon, eclipse at breaking dawn.. tapusin mo na lahat! :D maganda pramis. i have time travelers wife di ko pa nasisimulan but maraming magandang review about that kaya naka next-in-line na sakin un after ng witch of portobello and Brida both by Paolo Coehlo. magaling si Paolo Coehlo, read The Alchemist, maiinspire ka pa lalo, pramis!

    goodluck sa ibang new years resolution mo... kaya nating lahat to!!! :D *esp ang diyeta!*

    api nyu yir! :)

    ReplyDelete
  9. api nyu yir!!!

    good luck sa mga resolutions..sana kahit kalahati magawa,hihihi

    ReplyDelete
  10. with love talaga ah.... HA hAHAHA!!!

    ReplyDelete
  11. NAKS! Cultured! hihihi

    maayos yan! kapag malusog ang utak, susunod ang katawan!

    Happy new year gasul! Keep blogging, keep inspiring!

    O HA! PANIS

    ReplyDelete
  12. uy! naaliw akoh sa post mong itoh palitaw na Dude....

    eat less exercise more: abah... na-excite akoh dyan sa binabalak mong new blog moh... sige... gandang idea yan... makikibasa akoh... yang exercise na yan... yeah goal koh ren yan lagi... goal pa ren... but lately i don't need it cuz halos exercise na ren akoh sa work... geez... pero iba tlgah 'ung real exercise... nde lang to stay healthy... it also starts ur mood right and it is also good for our brain for it to function well... madmeng benefits... we all know d' good benefits it brings.. eh ba't parang hirap gawin?.. tsk!.. pero pag mag-blog... aysowz..dmeng time...

    save save save: abah... 'la lang... nakakarelate akoh... lagi yan... sa aking paychek... naka-separate na lahat... for savings...for bills... and syempre 'ung para kay God... pero 'la... minsan nagiging all for muah... lalo na at makalabas at makapag-mall... 'la... sa shoppin' lahat... sometimes... naiisip koh san lahat napunta ang pera koh?... ewan... but i'm gonna try again diz time... diz time nde koh try try maging perfect pero yeah i'm gonna try my best na lang... syempre w/ God's help...

    read more books: yeah i luv books myself... and i got a lot of books at home... actually everytime i go to a bookstore may nauuwi akong libro.. nde lang 'un... i borrow some books sa library pah... oh devah... dmeng books tlgah... pero tanong moh kung nabasa koh lahat... syempre nde... 'ung iba nagiging display na lang... dumadami silah but nde koh nababasa lahat... minsan hanggang umpisa lang akoh at makikita koh uletz 'ung other book tapos 'un... hayz... pero latey blog readin' ang naging alternative koh kaya 'un.. hayz... but yeah gotta try to read more books den and less time sa online world...

    tardiness no more: langya... akoh kaya si ms. late!.. tsk!.. pero sa lahat nang lahat na-la-late sa work... kahit mga former jobs koh... akoh lang ang nde na wri-write up... sipag kc akoh eh.. lolz.. ewan koh... pero lagi akong napagsasabihan... pero kapag nawarningan na...ayan i'll be on time again... hanggang magsawa akoh eh balik normal uletz... kaasar nga eh... when i was young... akoh pa ata nagbubukas nang gate sa skul sa sobrang early... but i guess i got tired of bein' early... but awa ni God... magbabagong buhay akoh diz year...

    Allot more time for the Maker: amen... yeah... hayz... true... i spend more time den blogging than spending time w/ Him and His words... kinda unfair nga sa Kanyah... kaya nde nakakapagtaka minsan eh lost akoh kc sa pinaggagawa koh ren.... but He's an awesome God...but nde Syah nawawala sa puso koh... andyan Syah... Sya ang reason bakit patuloy pa re akoh kahit maraming pinagdaanan diz year... and feeling koh nga nde koh taon diz year... but it became fun eventually nung narating koh ang mundong blogsphere.. but lookin' forward sa 2009... si God na bahala... less complain and more trust sa Kanyah...

    ipost koh pa bah tong reply koh sau?... haba kayah... naaliw kc akoh eh... oh well...

    have a blessed new year dude!

    GODBLESS! -di

    ReplyDelete
  13. parehas tayo dun sa number sa list mo... ang magpapayat... nuknukan na ko ng laki nyahahaha... wala akong list ng resolutions this year... talagang pagpapaliit lang ang plano ko hahahaha....

    gudluck saten...


    hapi new year!

    natuwa naman ako nasa blogroll mo na pala ako... mamats poh...

    ReplyDelete
  14. dude, parang bago pa ko umalis jan nagbalak ka ng mag-gym. luma na ngayon yung running shoes mo, ahahahaha!

    teka!! malakas ka pala kay God bakit di mo pinagdasal yung job hunt ko jan? sinasabi ko na nga ba at kabaliktaran ang pinagdadasal mo eh, bwahahahahaha!

    happy new year!

    ReplyDelete
  15. happy new year! nako sana matupad mo ang lahat ng resolutions mo! i pray na makontra mo nga ang mga nega na vibrations mo kayang-kaya yan! all the best and more full tanks for you!

    ReplyDelete
  16. wow!sana matupad mo lahat yang new years resolution mo. gudluk sayo!

    ako ayaw ko na,kasi laging di natutupad...lalo na yung magtipid.( pero balak ko din bumili ng alkansya,hehe)

    btw, malakas ka ba talaga kay God? pwde ba i-email ko sayo yung mga prayers ko? hahaha!

    happy new year!

    ReplyDelete
  17. ayos ang listahan ah. pareho tayo ng resolution > save more, read more, and pray more. btw, the road is a great read. one of my fave books. happy new year!

    ReplyDelete
  18. na-inggit ako sa listahan ah.. hihihi parang seryoso at pinag tuunan ng maraming braincells.. whereas mine... hmmmnn.. meron nga bah? ahahahah..

    wish you the greatest this 2009. sana magawa mo reso mo... :D

    ReplyDelete
  19. buti ka pa naggain ng weight.
    ako kahit anong gawin ko.
    walang talab.
    kaya di ako makapagenroll sa gym.
    ay. badtrip.
    pro buti na lang din mapayat ako.
    :)

    ReplyDelete
  20. psst.. pssst. hapi nu yr! hehehe.. hoi... basta, alam mo na yun. huhu. salamas salamas!

    ReplyDelete
  21. happy new year! tama yun eat less carbs (rice) at exercise more.. kahit 4 times a week kahit maligo ka lang sa gym or cardio lang ng 20 mins ok na yun...

    global crisis - uu nga e yung mga pending application ko sa singapore walang nangyayari kasi nga daw nag retrenched sa citibank! ayoko naman mapasama pa dun... ok lang at mag rerenew na lang ako dito sa malaysia pag natapos na ang crisis na to... asa singapore na rin ako!!! hheheh!

    save.save.save - may spread sheet ako na nakamonitor ang bank accounts ko local at international.. pati yung expenses weekly at daily naka monitor... so lahat makikita mo dun at masasabi mo rin kung may nangyayari pa sa pag tatrabaho mo or gastos lang ginagawa mo hehehe!

    read books - puro financial books, leadership at management ang hilig kong basahin wala akong hilig sa fiction or love story na books...weird siguro ako kasi yun ang konti lang ang nag babasa kaya mas trip ko... heheh!

    ReplyDelete
  22. gumawa ka ng anim blog!

    1. para sa diet mo
    2. pag iipon
    3. libro
    4. kalandian
    5. emo blog

    patayin mo na tong grilledbeef! lol

    happy new year

    ReplyDelete
  23. Gayahin ko din resolution mo pare :)

    Happy New Year din sa yo!

    ReplyDelete
  24. Ako din more gym this year, napatigil ako this last 2 weeks, dahil alam ko nang mapapakain ako ng marami ngayong holidays...

    kaya simula lunes, pahirapan nanaman to sa gym!!!

    ReplyDelete
  25. ako naman, never talagang gumawa ng new year's resolutions.

    i love reading also. pag tapos ka na sa mga libro mo, pahiram na lang. magastos pag lagi akong bibili.

    the twilight series actually, feeling ko, pambata. malamang. kse when you look it up in a bookstore, sa juvenile/young adult category sya. hahaha.

    ilang beses na rin ako nasabihan ng asawa ko na mag-exercise. haay. andali kse sabihin pero sobrang nakakatamad gawin. sabi ko nga i want to give myself a threadmill. naka-sale daw ngayon sa toby's from 30K eh 19K na lang. hmmn. tempted. kaso sa liit ng bahay namin, san ko ilalagay? hehe

    good luck with your resolutions. nawa'y ma-fulfill mo lahat.

    happy new year alex!

    ReplyDelete
  26. hapi new year gasul. sana eh magawa mo nga lahat yan ngayong taon lalo na yung unang una. hehehe.

    at father alex, pede mo ba akong ipagdasal ang health ko? hihihi. basta. salamat hehehe.

    at gagawing movie ang the time traveler's wife at si rachel mcadams at eric bana ang bida. magandang book yan. meron din sa bahay nyan eh. pero hindi ko pa binabasa hahha. ang dami ko ding nakatenggang libro sa bahay. pati yang twilight na yan. ulti mo kiko machine na komiks ndi ko pa nababasa hehehe.

    ayoko ng resolutions kasi hindi ko naman nagagawa. pero isa lang ang gusto kong baguhin this 2009: ANG WAG UMOO SA MGA LAKAD NA HINDI NAMAN SISIPUTIN :)

    Happy New Year Sir Alex Molina aka GASUL!!!

    ReplyDelete
  27. hapi new year gasul. sana eh magawa mo nga lahat yan ngayong taon lalo na yung unang una. hehehe.

    at father alex, pede mo ba akong ipagdasal ang health ko? hihihi. basta. salamat hehehe.

    at gagawing movie ang the time traveler's wife at si rachel mcadams at eric bana ang bida. magandang book yan. meron din sa bahay nyan eh. pero hindi ko pa binabasa hahha. ang dami ko ding nakatenggang libro sa bahay. pati yang twilight na yan. ulti mo kiko machine na komiks ndi ko pa nababasa hehehe.

    ayoko ng resolutions kasi hindi ko naman nagagawa. pero isa lang ang gusto kong baguhin this 2009: ANG WAG UMOO SA MGA LAKAD NA HINDI NAMAN SISIPUTIN :)

    Happy New Year Sir Alex Molina aka GASUL!!!

    ReplyDelete
  28. natawa ko sa comment ni ferbert, tama gumawa ka na rin ng mga blog na ganun. dun sa 'kalandian blog' ako lagi bibisita. hahahaha!

    goodluck sa ating lahat sa 2009!

    ReplyDelete
  29. oh no! anong save save save na yan? spend spend spend dapat.. or give give give to me. bibigay ko sayo angaddress ng western union branch na malapit sa akin. haha

    happy new year, gasul. this will be a better year to those who will make the most of it.

    ReplyDelete
  30. busy ka sa pagtupad ng resolutions kaya wala kang update, hehe

    ReplyDelete
  31. all the best for 2009 gasul!
    may it be a truly grace-filled one for us all.

    cheers!

    ReplyDelete
  32. binasa ko ang buong post mo, sana nga e matupad ^^

    ReplyDelete
  33. happy new year kuya :D

    goodluck sa resolutions.. ^_^

    ReplyDelete
  34. Kagagaling ko lang din sa isang blog na puro tungkol sa hula. Baket kaya when the year is about to end, nauuso talaga yan? Hehe. Anyway, happy new year, Dude!

    ReplyDelete
  35. boy. siguraduhin mo lang na di ka na malalate.. ayan ang parating wish ng lahat.. pero mahirap isakatuparan kung hindi by heart.. hehhe.. HAPPY NEW YEAR to you too.. :)

    ReplyDelete
  36. "Shyet! Bagong taon na bukas!"

    haha. kelangan tlaga may kasamang Shyet at yun ang 1st word sa post? hehee.

    missYou! happy new year! =)

    ReplyDelete
  37. buti ka merong new year's resolution.
    ako hirap na hirap mag-isip.
    grr.
    badtrip nga eh.
    pero.
    happy new yir.

    ReplyDelete
  38. dme mong fans dude ahh... naks naman... hey... salamat sa iyong koment and for makin' meeh smile... =) u have a nice day alright... GODBLESS! -di

    ReplyDelete
  39. hi edz here...nice new year resolution...hope u'll make it..
    just want to say that you have nice and expiring blogs...kaka aliw nagiging libangan na rin namin dito ang magbasa ng mga blogs..para hindi mahomesick..keep it up poh...

    ReplyDelete
  40. Happy New Year GASDUDE!!! Ok sa New Year's Resolution ah... kailangan ko din yan eh. I need to save, to exercise and to always be thankful with HIM for all the blessings na ibinibigay nya.
    I'm surprised to know that you have brought your prayer books and bible with you as rare people do that. Though inaagiw na sila as you say, the fact that you brought them means they are important. Pero siempre need talagang basahin. :D

    Unang prayer request: sana po tanggalin ni GasDude ang tila ba snowflakes na bumabagsak sa blog nya.., masakit kasi sa mata. (or maybe it's just me... so i can bear with that.. :D) ikalawa, matupad sana ang lahat ng plano natin ngaung 2009 no matter how rough it started to some including me.

    Wala lang... HAPPY NEW YEAR po!

    ReplyDelete