Thursday, December 4, 2008

Sad Season



Pasko na naman. Shyet!

Nakuwento ko na ba sa inyo na ayoko talaga ng Pasko? Yup, you heard me right. I don’t really enjoy the Holiday Season. Mas gusto ko pa ang Bagong Taon kesa sa Pasko. Bakit kamo? Hindi kasi magaganda ang childhood memories ko tuwing Pasko. Laging malungkot. Laging may kulang. Kaya ayun, nabitbit ko ‘yung ganitong feeling hanggang sa pagtanda ko.

Sa ibang pagkakataon ko na lang babanggitin dito ang mga deta-detalye tungkol dun, pero naalala ko lang bigla ‘yung Pasko ko nung nakaraang taon. I used to date this lawyer (remember her from my previous posts?), and last year dahil nakuwento ko sa kanya na hindi ko talaga gusto ang Pasko eh naging goal na niya ang pasayahin ang Pasko ko. Christmas, according to her, is the happiest time of the year, at dapat daw eh maging masaya din ako. Lagi niya akong sinasama sa mga tiyanggean sa Alabang nun just to shop for gifts kasi it's all about gift-giving daw. She even encouraged me to buy this CD of Christmas songs para daw mapatugtog ko sa loob ng kotse while driving o kaya sa gasolinahan. As for her ultimate surprise, she bought me a miniature Christmas tree with all the little trinkets dangling around it para daw maramdaman ko lalo ang spirit of Christmas. *LOLz*

She’s one special lady and I appreciated all the gestures, pero ewan ko, hindi ko pa din nagustuhan masyado ang Pasko despite all of it. Siguro ganun na talaga kalala ang ka-EMOhan ko sa buhay. Hehe. = D

Now I wonder, “Nasaan na kaya ‘yung Christmas Tree na ‘yun?” *LOLz*


62 comments:

  1. at nasaan na din kaya ang lawyer na yun? hmmm di kaya nakakabit na sa miniature xmas tree??

    ReplyDelete
  2. mas gusto ko din ang new year kesa christmas.. wala naman akong maalala na masamang alala ng xmas nung childhood ko pero mas natutuwa ako pag new year..

    landiin mo na lang yang german intern nyo dyan sa opisina nyo

    ReplyDelete
  3. yaan mo, di lang ikaw ang nag-iisang grinch sa mundo.

    ako din ayaw ko ng Pasko.

    Looking forward as well sa bagong taon kasi yun lang ang araw sa isang buong taon na nagkakasama-sama kaming mga magkabababata.

    ReplyDelete
  4. yung xmas tree ba hinahanap mo o isang tilad ni ex date lawyer?

    lol

    ReplyDelete
  5. siguro kaya mas trip mo ang new year kasi ibang klase ang paputok pag bagong taon. bwahaha!

    hmmm...nasan na kaya si attorney? hehe

    ReplyDelete
  6. mas masaya nga ang new year. inaabangan ko sa pasko ang kris kringle naming magpipinsan.

    tungkol nmn sa mini christmas tree, baka dala mo dyan sa SG. hehe.

    ReplyDelete
  7. ako sakto lang na gusto ko ang christmas.. pero tama ka the best ang new year! xmpre dun ko lang nalalaro ang "SUPERLOLO" wala kasi nun during regular seasons.. :)

    ReplyDelete
  8. pareho kayo ng drama sa buhay ng Ex ko. For some reason medyo may pag-iinarte siyang nalalaman. hehehe.

    I just hope hindi nababasa ni Attorney ang blog mo, baka magwala un pag nalaman na hindi mo ma-accoutn kung san napunta ang christmas tree.

    ReplyDelete
  9. parehas tyo..i'm not into celebrating holiday..never kasi nakumpleto ang family ko pag holiday..till now i'm still hoping na makumpleto kmi khit minsan lang..

    mas curious ako kung asan na si lawyer kesa kay xmas tree...hehehe..

    ReplyDelete
  10. Nice, pasko na nga bro, napadaan ako sa gasolinahan mo at nagenjoy naman ako!! Ganyan talaga maging OFW, ako mag tatlong taon na akong di nagpapasko sa pinas, huhuhu.
    Basta meri christmas na lang, enjoy ko blog mo!!

    ReplyDelete
  11. actually mas gusto ko din ang new year kesa christmas. :)

    ReplyDelete
  12. mas masaya nga ang new year kesa xmas,....sa pasko pagkain at regalo lang ang inaabangan ko... sa bagong taon.. bagong simula, bagong buhay , bagong boypren este bagong paputok ang hinhintay ko,.,hehehe

    ReplyDelete
  13. maligayang pasko!

    ikaw ba yung filipino version ng the grinch? lolz! joke lang princes.. este gasdude! hehehe.. peace tayo kasi xmas season...

    teka.. bitin naman yung post mo.. andami kong tanong...

    tulad ng.. asan na ngayon si atty? may communication pa ba kayo?
    anong memories yun? bkt ayaw mong i share? kwento naman jan!

    yearender post mo na lng yun! lolz!

    ReplyDelete
  14. masaya ang pasko basta't may kasama ka para megcelebrate neto. ako, looking forward na mag pasko dahil may reunion ang pamilya namin. kahit mahirap ang buhay, basta't sama sama, pwede na. =)

    ReplyDelete
  15. asa puso ang alala ng krismas tri at nung lawyer :D

    ReplyDelete
  16. kumanta ka na lang ng.."WAKE ME UP, WHEN DECEMBER ENDS"..
    hehehe...
    greenie ka di ba?

    cheers!

    ReplyDelete
  17. sabay tayo kumanta dre:

    "ang disyembre ko ay malungkot... miss kita, kung krismaaas..."

    =D

    ReplyDelete
  18. awww naging emo narin tuloy mga reader mo gasul ha? hehhe

    e2 malapit na nga mag pasko pero nde ko parin mafeel ang essence ng xmas!! hayyy... cguro dahil nag hihirap na mga tao sa pinas!! hehehe

    ReplyDelete
  19. ako rin, i like the new year better than chirstmas, not because of bad memories but just that i enjoy new year better and its the nicest time of the year for the family.

    sana ako rin, may magbago ng isip ko about christmas.. sino kaya gagawa ng mga ganyan para saken! ahihihi.. :P

    paging any eligible male person! ahihih

    ReplyDelete
  20. gusto ko naman ang mga naging pasko ko noong bata ako. nung nawala na yung mga magulang ko, saka nabawasan ang "magic" ng season para sa akin.

    kanya kanyang pakiramdam siguro gasul. pareho kayo ng bestfriend ko. melancholic rin siya around xmas time.

    ReplyDelete
  21. wow! ang sweet naman ng lawyer.

    kailangan mo din matutunan mahalin ang pasko dude. . pano pag nagkaanak ka na? baka manahin nila sayo un. wala namang masama pero mas maganda lang kung nararamdaman ung spirit ng xmas. lalo na pinoy tayo.

    ReplyDelete
  22. kabaligtaran mo naman ako dahil gusto ko talaga ang christmas no matter what! ^_^ advance merry christmas, try to enjoy!!

    ReplyDelete
  23. gusto ko ang pasko kasi may reunion kahit masakit sa bulsa okay lang makita ko lang yung mga mahal ko sa buhay...

    ReplyDelete
  24. mas masarap parin ang pasok dahil kahit matanda na ako, may pera parin ako galing sa mga ninong at ninang ko. biruin mo, nung isang taon, nagtago lang ako sa kwarto ko at nagbabad sa computer pero may kumatok parin sa kwarto ko na dalawang libo. LOL, effortless! ang ibig sabihin ko dyan eh, may nakuha parin akong pera, hindi sa isang taon ang 2k na yan ah.

    ReplyDelete
  25. akala ko ako lang ang may ayaw sa pasko. hmmm.. di naman talaga ayaw pero parang di ko lang gusto.

    yun.

    ReplyDelete
  26. yeah mas gusto ko new year, may mga malulungkot din akong pangyayari tuwing pasko kaya.., parang ayoko ng x-mas, mas gusto kong tumanggap ng regalo lols. :D

    btw, luphet ng theme ng blog n'to. soooooo.. unusual.. hehehe love it dude!

    ReplyDelete
  27. Noong bata pa ako, tulog kami sa oras ng Noche Buena, pero gising kapag Media Noche. Mas maingay at mas masaya nga ang Bagong Taon.

    Pero sa mismong araw ng Pasko, okay rin naman. :)

    ReplyDelete
  28. ako i like christmas. i love wrapping gifts kse. isa nga sa pangarap ko noon mag-work sa gift wrapping section ng isang department store. hahaha.

    masarap magbigay ng gifts sa mga kids tapos makikita mo yung saya at tuwa sa mga mata nila when they like what they see after opening their gift. the big bonus is when they say "WOW!" pagka-open nila.

    sabagay, ang sabi naman nila ang pasko ay para sa mga bata (i've always nurtured the child in me, kaya siguro tuwang-tuwa pa rin ako pag pasko. hehehe).

    mas enjoy ang mga pasko namin ng pamilya for the past 3 or 4 years ata. kse nagk-kris kringle kami. enjoy mag-open ng gift. hehe.

    ReplyDelete
  29. At baket yung Christmas tree ang hinahanap mo Parekoy? Di ba dapat yung lawyer? Nyaha!

    ReplyDelete
  30. @ Pokwang: Huwag ka nang mang-intriga. *LOLz*

    ReplyDelete
  31. @ Ferbert: Bata pa 'yung German intern namin. Kamukha niya si Avril Lavigne. Hehehe. = D

    ReplyDelete
  32. @ Gillboard: Dapat pala eh The Grinch ang title ng blog post na ito. *LOLz*

    ReplyDelete
  33. @ Onat: Ano bang putukan ang tinutukoy mo? Bwahaha! = D

    ReplyDelete
  34. @ The Scud: Hmmm teka at ma-check nga muna ang bagahe ko. *LOLz*

    ReplyDelete
  35. @ Bob: Hahaha at talagang pag-iinarte ang tawag mo ha? *LOLz*

    ReplyDelete
  36. @ Drake: Salamat Parekoy! Balik ka ulit. = D

    ReplyDelete
  37. @ Yanah: Anong paputok ang hinihintay mo? *LOLz*

    ReplyDelete
  38. @ Ron Turon: Isa ka pang intrigero! Toinks! = P

    ReplyDelete
  39. @ Arhey: Tama ka diyan Parekoy. Apir! Uhm.

    ReplyDelete
  40. @ Kengkay: Asa puso? Parang me halong pang-iintriga din lang. Haha. = D

    ReplyDelete
  41. @ Alex-OFW: Hindi ko ata alam 'yang kantang 'yan. = D

    ReplyDelete
  42. @ Insan RJ: Haha malungkot ka din ba? Papuntahin mo na diyan si Bachoinkchoink sa Qatar.

    ReplyDelete
  43. @ Kuletz: Good point Kuletz! Haha. Ako din naghihirap.

    ReplyDelete
  44. @ Ayzprincess: Ihanap kita dito, gusto mo? Madaming Indian Pana dito. *LOLz*

    ReplyDelete
  45. @ UM: Ah talaga? From the looks of it, hindi pala ako nag-iisang malungkot 'pag Pasko. Hope this time it would be better.

    ReplyDelete
  46. @ Paperdoll: Oo nga no? Huwaw! Good point! I'll keep that in mind. = D

    ReplyDelete
  47. @ MB: Mukhang masaya nga ang mga reunions tuwing Pasko. Mostly kasi ng mga kamag-anak namin eh mga nasa probinsiya, though meron din namang mga nasa Manila.

    ReplyDelete
  48. @ KDR: Errr... magkaiba ba 'yun? *LOLz*

    ReplyDelete
  49. @ Otep: Nyahaha. Natawa ako sa comment mo. Oo nga, masarap ang makatanggap ng mga regalo. Regalo ko? *LOLz*

    ReplyDelete
  50. @ Ederic: Dito ka na din sa Singapore mag-Pasko. Imbayt ka namin sa inuman. Hehe. = D

    ReplyDelete
  51. @ Antuken: Hinihintay ko pa din ang regalo niyong Tag Heuer. Hahaha. *LOLz*

    ReplyDelete
  52. @ Kirksydney: Intrigero ka na din? Haha. = D

    ReplyDelete
  53. asa pinas mo mom and sis ko..dad ko po asa ibang state..so magisa lang po ko this holiday season.

    ReplyDelete
  54. gusto ko ang christmas, ayoko ng new york, takot ako sa ligaw na bala.hehehe

    emo na naman gasul!

    ReplyDelete