Thursday, January 15, 2009

"CULTURED" Bookworm


Busy-busyhan ako.

Medyo matagal-tagal na din pala akong walang update dito sa blog ko. 10 days to be exact. Mahabang panahon na ‘yun para sa ‘kin. Para pala akong nag-hiatus ah. *LOLz* Pati ang pagba-bloghop hindi ko na din masyadong nagagawa. Hindi ko na nga nagawang maalis ‘etong snow-falling effects dito kahit matagal nang tapos ang Pasko. *LOLz*

Naging busy din kasi ako lately. Sa trabaho. Sa pagpapapayat. Sa paghahanap ng lablayp. (Jowk lang. Hehehe.) Ang totoo niyan, medyo tinatamad lang ako magsulat ngayon. Meron naman akong mga posts na nasimulan ko nang sulatin para dito, pero ang problema, hindi ko natatapos. Mga drafts na hindi ko alam kung gusto ko pang tapusin. Bakit? Basta.

Hindi na din ako masyadong nakakapag-bloghop kasi meron akong ibang mga nababasa at binabasa. Aside sa mga messages sa Plurk at sangkatutak na resumes na natatanggap ko araw-araw, sinimulan ko na ulit magbasa ng mga libro. Isa kasi ‘yan sa mga resolutions ko para sa taong ito na gusto kong maisakatuparan: ang makabasa ng madaming-madaming libro at maging “cultured” na ulit (ika nga ni Rens).

Kakatapos ko lang basahin kagabi ng “The Road” ni Cormac McCarthy. Medyo natagalan akong tapusin ‘tong librong ‘to kahit parang kasing-kapal lang siya ng Hardy Boys. Hindi ko kasi maintindihan nung una (nosebleed!) pero seriously, hindi lang ako sanay sa style of writing ng author. Tuluy-tuloy. Walang chapters. Medyo naguluhan din ako sa simula kung ano na nangyayari dun sa mag-ama. Pero habang patagal ng patagal, napapamura na ko sa mga nangyayari sa istorya. Post-apocalyptic kasi ang tema. Basta basahin niyo. Highly recommended. Baka maiyak pa ‘yung iba sa inyo kapag nabasa 'to.

(Pasensiya na wala talaga akong kuwentang gumawa ng book review. *LOLz*)


Ngayon ang binabasa ko naman eh ‘yung “Underground” ni Haruki Murakami. Pucha! Non-fiction pala ‘to, ‘di ko alam! Sana matagalan ko. Hehehe. = P


Tapos marami pa akong nakapilang librong babasahin. Ayoko na tuloy pumunta pa ulit sa kahit na anong bookstore dito kasi napapabili lang ako ng mga libro. Tulad kanina, napabili na naman ako ng tatlo eh meron pa akong mga hindi nababasa. Good luck na lang sa ‘kin!

Pero mas okei na din ‘to siguro kesa sa mag-drugs ako. O kaya mag-EMO.


**********


So what made me purchase these titles? Some were recommended by friends. 'Yung iba naman, resulta ng pagre-research online. Hinanap ko pa 'yung mga lists of highly-recommended books ng New York Times, Washington Post, Kirkus Reviews at Amazon.com. Hehehe ADIK! = P









37 comments:

  1. peram ako ng libro, waaa :D

    mahal ng english books dito, nag aantay lang ako ng second hand books sa ebay, hehe

    ReplyDelete
  2. meron ka na ng time traveler's wife?? magkakamovie na nyan a!

    peram ako ng murakami mong wild sheep chase kapag tapos ka na. ahihi

    -ayz-

    ReplyDelete
  3. nakaka inggit na kahit papano naisisingit mo ang pagbabasa.

    sa mga nagdaang taon bili din ako ng bili ng libro kaya eto at halos isang karton ang nag aantay na basahin. ewan ko kung paano ko to naisalba nung bumaha ng pagka taas taas.

    na inspire na din ako magbasa. baka sakaling maging cultured hehe

    ReplyDelete
  4. wow... ang galing nman

    pero sabi nila magaganda daw talaga yung sinulat ni HARUKI MURAKAMI...

    ako matagal na akong di nakakabasa ng libro.. bilib nman ako sayo.. may trabaho.. may blog.. my lablayf.. may pamilya.. tapos nasisingit mo pa yung pagbabasa ng libro... hehehe

    sabagay.. time management nga nman.. basta inggit ako..lols
    di kase ako marunong magbasa

    ReplyDelete
  5. wow dude! hanga akoh sau... akoh currently readin' a book den... and like u dmeh reng nakapila pah... mas trip koh pa atah basahin keysa sa textbook koh sa skul... at 'un kahit dmeng books eh etoh nakikibasa pa ren sa book... tatalino nah akoh nitoh.. lolz.. pero yeah luv books... nd akoh ren..everytime na pumasok akoh sa bookstore... eh nde puwedeng lumabas na walang bitbit... oi nde akoh gaya gaya sau... nakarelate lang.. wehe.. pero maganda yang pagbabasa nang book... itz good for d' brain... tapos nadadagdagan pah natutunan moh and mga vocabulary words na ren... so yeah... readin' is fun... hanga akoh sau... pagpatuloy moh lang yan... ingatz kah... Godbless! -di

    ReplyDelete
  6. at 'un kahit dmeng books eh etoh nakikibasa pa ren sa book--- oh i meant nakikibasa pa ren nang post sa blogspot.. ayonz... =)

    ReplyDelete
  7. buti ka pa natatagalan mong magbasa.

    dito naman sa bahay mapipilitan na siguro kaming magbasa kasi nilabas na ng asawa ko mga libro namin na nakatago lamang sa shelves sa cupbaord.

    baka bibgyan nya akong assignmen.

    ReplyDelete
  8. husay naman! kaya pala matagal tagal ka ding nawala. yes, nawala ang term ko dahil bukod kay goddess ay sa blog ng lashing heroes lang ako madalas napapadpad. at sa inyo maliban kay GP ay ikaw ang madalas mag post, at nito ngang nakaraang mga araw ay wala.
    nweis, i've heard of H.Murakami at mahusay nga daw siyang magsulat bagamat wala pa akong nababasa. Just let me know kung ano sa palagay mo.
    Hmmm... matagal tagal na din pala akong hindi nagbabasa, di ko na nga natapos ang "THE FIRM" nwei, malamang magsisimula na ulit ako ng marahan dahil dumating na order ko na books, Twilight series. Kamusta naman ako, mabasa ko nga kaya un? E meron pa akong French class after work at puzzle na binubuo...
    Hala, nobela na ito, goodluck na lang po sa pagbabasa mo, sa lablyf atbp. Au Revoir!

    ReplyDelete
  9. ako din, matagal nang di nagbabasa ng libro...

    meron akong binabasa ngayon... The Machiavellian Covenant. Kaya lang 6 months na yung libro sakin na sa Australia ko pa binili, hanggang ngayon Chapter 50 of 300+ pa lang nababasa ko.

    ReplyDelete
  10. maganda din yung Veronika Decides to Die ni Paulo Coelho..

    wala lang... nisabi ko lang...

    ReplyDelete
  11. Kaya pala di pinanpansin ang blog, may mga bagong pinagkakaabalahan! Pangmatalino, at pang madameng spare time ang pagbasa (acdg sa tamad magbasa!) hehe

    ReplyDelete
  12. certified bookworm ka kuya...sana magkaron din ako ng time magbasa ULET.

    ReplyDelete
  13. ayos! pareho tayo - tumitingin ng mga highly recommended books pero sa NYT lang. wala pa rin copy ng norwegian wood?

    ReplyDelete
  14. kuya! ipadala mo kay ninang dito sa pinas ung ibang librong nabasa mo na, peram! hehe. invade ko nga pala ung kwarto mo pag nagpunta kame senyo ah, peram ako libro. sana before umalis si ninang papunta jan, makapunta kme ni ate bulaklak. ingat kuya! -eLai-

    ReplyDelete
  15. nagbabasa din ako ng books, basahin mo kaya ang harry potter? yun kasi binabas ako ngayon at nasa last book na ako at sa totoo lang medyo kakabitin dahil masyado siyang ma- action! pero syempre para mas maintindihan mo, kailangan mo munag basahin ang unang book ^^ good luck sa pagbabasa ng book!

    ReplyDelete
  16. This happens to me too. I'll usually buy a book, or two, even though my nose is still buried on one. It's not just in books but also in games as well.

    ReplyDelete
  17. Medyo may kamahalan nga kasi ang libro dito sa Pinas. Gusto ko si Murakami, may mga libro ako nya. Although ung mga nasa post mo wala ako. Hehehe.

    Marami rin ako gustong basahin pero pinipigilan ko kasi andami nakapila na libro dito sa bahay.

    ReplyDelete
  18. Im done reading the Last boy ni Robert Lieberman. Story was about the global warming chuva ek ek..ngayun binabasa ko palang ang Brisnger ni Paolini. Yung chronicles ng eragon.ahhehe....may kamahalan nga ang mga libro. Eh ano? koleksyon mo naman. happy ka naman makita bookshelves mo na puno ng libro eh.

    Planning to read murakami after ko maubos ang brisinger k.

    ReplyDelete
  19. madami ako dito collection ng xerex gusto mo? hahaha. mahina ang tolerance ko sa pagbabasa ng libro. after one or two pages eh parang hinihila na ang mata ko pababa. hahaha! =D

    ReplyDelete
  20. mas gusto kong books yung hango sa filipino hehehe..

    ReplyDelete
  21. wow, alin dyan ang tapos mo na. pahiram! tulad ni kengks, bihira at mahal ang english books dito. kahit nga yung in french mahal din.

    medyo nabanu lang ako konti kasi yung Crichton lang yata ang alam ko sa list mo. nahalata tuloy na di ako "cultured." hehe...

    ReplyDelete
  22. bookworm ka pala. mura bang libro diyan? di ako makabwelo dito dahil sa sobrang mamahal ng mga p*^&^%^ng.

    gusto ko rin magbasa ng haruki murakami. pahiram nalang.

    ReplyDelete
  23. siguro kapag wala na akong magawa.
    maaapreciate ko ang mga libro.
    di ko mahilig magbasa lalo na kapag gatiting ang sulat.
    :)

    ReplyDelete
  24. huwaw!

    buti pa kaw, may time magbasa... huli kong nabasa, children's book pa... "tales of the beedle the bard" by j. k. rowling...

    kainggit naman collection mo... hehehe...

    pahiram ng isa!

    btw, ni-add kita sa link ko, i hope you don't mind...

    :D

    ReplyDelete
  25. wow! "wild" reader ka pala. he he. ako ni cover page, wala akong nabasa nung bakasyon.:-(

    ReplyDelete
  26. @ Kengkay: Balak ko din maghanap ng second hand books store dito sa SG. Baka maghirap akong lalo 'pag tinuluy-tuloy ko 'to. Hehehe.

    @ Ayz: Oo meron na. Balita ko nga ginawa na siyang movie.

    @ Abou: Ipadala mo na lang dito 'yang isang karton mo ng libro. Ako ang magbabasa. *LOLz*

    ReplyDelete
  27. @ Kosa: Recommended lang din sa 'kin si Murakami. At teka lang, wala akong lablayf. Hahaha.

    @ Dhianz: Dapat lumalayo na ako sa bawat bookstore na makikita ko.

    @ Ponchong: Ano ba mga binabasa mo? Share naman diyan. Baka naman Playboy 'yan. = P

    ReplyDelete
  28. @ Shayleigh: Nasimulan ko din basahin 'yang THE FIRM kaso hindi ko natapos kasi kelangan ng isoli sa library. Hehehe. = D

    @ Gillboard: 300++ chapters??? Naknang!!! Hahaha!!! = D

    @ Yanah: Favorite ko din si Paulo Coelho. Sige try kong maghanap niyan. = D

    ReplyDelete
  29. @ Chyng: Pang matalino? Hindi naman. Hahaha. Gusto ko lang talaga magbasa. Gusto kong palabuin ang mata ko. *LOLz*

    @ Joshmarie: Tara paramihan tayo ng mababasa this year!

    @ The Scud: Wala akong makitang Norwegian Wood. Pati 'yung Kafka on the Shore naghahanap din ako.

    ReplyDelete
  30. @ Elai: Hahaha sige invade mo lang ang bahay. Doon ka na din tumira para me kasama si Mama. *LOLz*

    @ Cyndirellaz: Nabasa ko na lahat ng Potter books. Hehehe. = P

    @ Skron: Basa lang ng basa!

    ReplyDelete
  31. @ Jeeper: Sus, mas mahal dito ang libro! Gusto ko nga umuwi diyan sa Pinas at d'yan na lang mamili.

    @ Maldito: Oo familiar din ako diyan kaso hindi ko pa nabasa. Masusundan pa kaya 'yung Eragon Movie?

    @ Insan RJ: Meron pa bang Xerex ngayon? *LOLz* Mahilig din ako magbasa niyan dati. Daily kase 'yung supply namin dati ng Abante. Hahaha. = P

    ReplyDelete
  32. @ Bert Loi: Meron ka bang irerecommend na magandang libro? Favorite ko ang Banaag at Sikat. Hahaha. = P

    @ Brother Utoy: Lumelevel lang ako ngayon. Hahaha. Dati si Crichton lang din ang kilala ko. 'Yung iba eh recommendations lang sa 'ken.

    @ Utakmunggo: Punta ka dito. Pahiramin kita. Hehehe. = P

    ReplyDelete
  33. @ Katchupoy: Ako kasi nagsimula lang ako dun sa mga librong madaling basahin, tulad ng Hardy Boys. 'Yung tipong isang upuan lang eh tapos mo na.

    @ Yuri69: Ayos. Walang problema dun. Salamats!

    @ R-yo: Dahil Japan-based ka, magbasa ka ng Murakami!

    ReplyDelete
  34. hwaw ... ingget ako...

    la pa ako time magbasa ng ibang bagay =( blog ko nga d ko na inaasikaso e. enk.


    at least may snow pa rin dito. sarap ng pasko sa blog o. malamig pa rin kasi e hahaha!

    aus un dude, dami mo pinagkakaabalahan ngayon

    ReplyDelete
  35. I love the books of Haruki Murakami. :) Mas nagta-tiyaga ako sa e-books. haha

    ReplyDelete
  36. Nasimulan ko nang basahin yung Oscar Wao kaso nakakatamad basahin, kaya iba muna binasa ko. :P

    ReplyDelete
  37. Wow, napabili ka rin ng The Time Traveller's Wife. I'm impressed! Tingin ko kasi hindi lahat ng lalaki matitiisan magbasa ng mga love stories. Saludo ako sayo :-D

    ReplyDelete