Monday, January 5, 2009

Dragon Boat Dilemma


Meron akong dilemma ngayon.

Nabanggit ko dati dito sa blog na balak kong sumali sa rowing o mas kilala sa tawag na "Dragon Boat". Naimbitahan kasi ako dati ng Bossing kong German na sumali sa Team Germany. Sobrang interesado ako dito, pero dahil na din sa katamaran dami ng trabaho, hanggang ngayon eh hindi ko pa nasisimulan ang pagte-training.

Noong unang kapanahunan, wala pang sariling team ang Pilipinas. Dahil na din siguro sa kakapusan ng budget, walang nag-iinitiate na mag-organize, at mahirap ding kumuha ng sponsors. Hindi din kasi madaling bumuo ng sariling team. Merong mga prosesong kailangang sundin at kailangang ipa-rehistro pa ito sa gobyerno ng Singapore. Kaya ang nangyari tuloy, naging kalat-kalat ang mga Pilipinong kasali sa Dragon Boat. Merong kasali sa Team Germany, meron sa Team Australia, Team Ireland, Team Italy at sa kung anu-ano pang bansa.

Pero ngayon, nag-iba na. Dahil na din siguro sa kagustuhan ng ibang Pilipinong kasali sa larong ito na i-represent ang sariling bansa, merong mga naglakas ng loob at nagtulung-tulong para bumuo ng sariling team na para lamang sa mga Pinoyski: ang Team Philippines.

Dito na pumapasok ang dilemma ko.

Napag-usapan na naman kasi ulit namin ng Bossing kong German ang tungkol sa Dragon Boat. Iniimbitahan na niya ulit ako para sa training sa darating na Sabado. Kaso 'yung isang opismeyt ko na dating kasama din sa Team Germany, tumiwalag na at sumapi na sa Team Philippines. Hinihikayat niya din akong sumali sa bagong tatag na grupo.

Ngayon, nahihirapan akong mag-decide kung saan ba talaga ako sasali: sa Team Germany ba o sa Team Philippines?

Kung tutuusin, dapat madali lang itong desisyon na ito. Siyempre dahil Pinoy ako, saan pa ba dapat ako sasali kundi sa grupong sariling atin, 'di ba? Pero kung titingnan ko din ang iba pang aspeto... Hmmm.

Bahala na. Meron pa naman akong limang araw para gumawa ng desisyon. Basta gusto kong mag-dragon boat para maiba naman. Kapag tinopak ako, sa ibang team na lang ako sasali. *LOLz*

Masaya 'to! Woot! = P

40 comments:

  1. one of my best experiences ang magdragonboat. sana lang di katulad ng tubig sa manila bay ang pagpapraktisan nyo.

    dun ka na lang sa team germany. tapos ipatalo mo ha? mali-maliin mo ung pagsagwan. nyahaha.

    ReplyDelete
  2. sundin moh ang puso moh... yan ang unang pumasok sa yutakz koh... like sabi nga ni revsiopao --- follow ur heart... =)

    ReplyDelete
  3. dilemma nga ito. mahirap kapag nakaharap ka mismo sa problema. hehe.. pwede rin yung suggestion ni badoodles... team Germany ka tapos ipatalo mo yung team. :P

    uhmm.. depende siguro yan sa relasyon mo sa boss mo. kung kayang-kaya mo siyang biruin, sabihin mo, hinihintay mo lang mabuo ang Team Philippines bago ka sumali. ngayong meron na, sasali ka na sa dragon boat. hehehe... unless taasan 'kamo nya ang sweldo mo. :P:P:P

    ReplyDelete
  4. ...hmmm parang nde atah nakatulong ang sinabi koh... how about etoh... pray about it... tapos pakinggan moh kung anong sinasabi nang puso moh... san kah bah mas masayah?... forget d' fact na pilipino kah... san moh gustoh tlgah mag-join?... minsan naman nde naman natin kelangan sumabay sa karamihan at gawin dahil yung ang tingin na karamihan na dapat moh gawin... decide for ur own.. don't based ur decision by pleasin' others... itz ur life... matagal moh nang gustong gawin yan.. and minsan ka lang magkaroon nang opportunity... nd baka next time you won't have d' chance to do it... itz ur life: itz ur choice! =) GODBLESS! -di

    ReplyDelete
  5. tama si sir badoodles. dun ka na lang sa team germany at huwag mong galingan para matalo sila. hehe.


    sabi ni paulo coelho logic ruins happiness dw. let your heart be your guide. :)

    ReplyDelete
  6. grabe! pati sa dragonboat celebrity ka. pinag-aagawan! he he. happy new year sir!

    ReplyDelete
  7. kung mahal mo ang bansang Pilipinas, alam mo na ang dapat piliin. kung iniisip mong dahil baguhan ang team Philippines eh madali itong matalo(hula ko lang) eh oks lang yun dahil hindi naman lahat nakukuha sa madalian, kelangan din ng eksperiyensya, or unless piliin mong sumali sa team germany na marami nang experience sa dragon boat racing.

    malaki ka na gasul. at alam mo na ang tama at mali sa pagdedesisyon. basta alalahaning lahat ay may kaukulang responsibilidad :)

    ReplyDelete
  8. kuya, sa Pilipinas ka! hehe.. belated meri krismas and hapi new year! kelan specific date na punta jan ni ninang? -eLai

    ReplyDelete
  9. @ Revsiopao: Will do. Thanks. = D

    @ Badoods: Parekoy, meron din akong kaibigan sa Pinas na nagda-dragon boat sa Manila Bay. Pero maganda daw training ground 'yun, sobrang linis kasi ng tubig. *LOLz*

    @ Dhianz: Natutuwa talaga ako sa mga comments mo. Hehehe. Ang hahaba, pero malaman. Salamat. = D

    @ Aajao: Hahaha good suggestion! Sana nga taasan na lang niya suweldo ko. *LOLz*

    @ Joshy: Huwaw! Paulo Coelho! Peyborit ko 'yan! Hehehe. = D

    @ R-yo: Nyak! Hahaha. Sus, 'di naman. *LOLz* Musta bakasyon sa Pinas? Punta ka pa ba dito sa SG?

    @ Popoy: Hmmm, you're partly right. In terms of machinery and experience talaga, mas lamang ang Team Germany. Sponsors pa lang tiba-tiba na sila. Pero alam mo bang sikat ang Pinoy sa sport na 'to dahil may mga competitions na tayo ang nananalo? Ang Team Germany... hmmm no comment. *LOLz*

    Isa sa mga considerations ko kasi eh 'yung boss ko ang unang nag-imbita sa 'kin. Another thing is, BOSS ko 'yun. Hindi ko naman habol ang manalo at mag-excel sa Dragon Boat, pero 'yung opportunity to NETWORK is, I think, mas malaki kung sa Team Germany ako sasali. Tapos madami pang ibang considerations eh. Medyo meron pa ngang issue tungkol sa pag-alis ng ibang Pinoys sa mga teams.

    @ Elai: Oy, hapinuyir sa 'yo! Punta dito sina Mama sa January 21. Sama ka? Hehehe. = D

    ReplyDelete
  10. hahaha taena parekoy!

    kung nakapag-OO ka kay bossing german, dapat dun ka...
    tapos sa susunod na taon ka na sumali sa pinoy team..

    taena.. ginugulo ko ba ang utak mo?

    sige na nga, kung saan ka masaya suportaan taka..lols

    taena.. natawa ako kay badudels..sige ka, ingat ka lang kung susundin mo yung payo nya kase kapag nahalata nila, baka itapon ka bigla sa dagat!

    goodluck

    ReplyDelete
  11. gasul, basta go go lang dyan. kahit san ka man sumali oks na yan. :)

    ReplyDelete
  12. gumawa ka na lang sarili mong team..haha! nag iisip ka pa eh.lols!

    pero seryus,ikw lang din makaka decide nyan..sabi nga ni poy,malaki ka na.

    gudluck na lemeng! :-)

    ReplyDelete
  13. wala bang team palestine? or team israel? dun ka na lang para maiba...

    ReplyDelete
  14. ano ba yung ibang aspeto? hmmmnn.. very interesting nmn yang sport na yan.. may kilala ako sa singapore, marathon yung hilig nya. :D ahahah wala lng.. naalala ko lng. :p

    ReplyDelete
  15. Sa team Germany ka muna dude...uso sa phil. sport ang lagayan ngayon at kurakutan..baka kaw pa pabibilhin ng mga kagamitan mo..lol..mas sigurado sa team Germany ,well funded yan..lolz..

    Kapatid ko dre Coastguard sa pinas..may team din sila...pati sapatos nya pera nya pa...lolz....

    ganunpaman...kaw pa rin ang masusunod....Goodluk dre...

    ReplyDelete
  16. Eh kung ako tatanungin mo sa Team Germany ka na lang kasi libre beer yun pagkatapos. saka medyo alam mong team work talaga. Pag nanalo kayo, lahat kayo magcecelebrate. Kung sa Team Philippines naman kasi, tyak pa istaran yan. May magsasabi pa ng "ako ata nagdala ng grupo" o di kaya "Kasi itong si ano eh, sya nagpatalo", hayun naninisi pa.
    Eh hindi naman mababawasan ang pagkapilipino mo kung sasali ka sa team Germany, ayaw mo nun kung manalo ang Team Germany alam nilang dahil may pinoy dun. At ikaw yun...HUWOW

    ReplyDelete
  17. wow. sosyal. pinag aagawan! :D
    sabi nga nila, kung anu ang nasa puso mo, sundin mo. ehhehe. :D

    ReplyDelete
  18. try mo sa team gaza! hehehe

    eh kung olympics yan eh di sa pilipinas ka.. hindi naman siguro masisira ang pangalan mo kapag nasa team germany ka diba? nagpapalakas ka lang sa boss mo! hehe

    salamat sa pagdaan blog ko! sorry for the late response though.. cheers!

    ReplyDelete
  19. mukhang papayat ka na.

    sa pagpili pa lang ng team e mangangayayat ka na hehe

    ReplyDelete
  20. Hello Dude!

    Yung sa Manila Bay ba yan? Nasabe saken ng boyfren ko na nirerecruit din siya jan before.
    Di ba may try out jan? Edi try mo na, ang gandang work out niyan!

    go go go!

    ReplyDelete
  21. Actually, maganda nga yung suggestion ni Badoodles. Para manalo o matalo, panalo ka pa rin.

    ReplyDelete
  22. haha go for it. Sayang. Kung gusto mo talaga bakit hindi diba?

    ReplyDelete
  23. sumali ka kung saan sa tingin mo mananalo ka hehehe! mahirap naman sumali kung tingin mong dehado ka...

    ReplyDelete
  24. maging futuristic ka. Let's say sa team germany ka sasali, assume mo na mananalo, sisikat ka, lalakas ka sa boss mo, dadami pera mo, tapus tinalo niyo mga pilipino, anu mararamdaman mu? LOL

    BWAHHAHAHAHA *evil laugh* joke lang. Kung san ka magiging masaya dun ka pumunta. Un lang ang suggestion ku :D

    ReplyDelete
  25. Kung sobra kang nationalistic dapat sa team Philippines pero depende pa rin yan sa iyo kung sa puso mo Pinoy ka, di na mahalaga kung saan ka kasali.

    ReplyDelete
  26. team philippines kung iyong mamarapatin... :) pero kung may perks sa germany na medyo matindi... hehehe. ikaw nang bahala! :D

    ReplyDelete
  27. Blog HOpping, Nice one. Care to exchange links?
    Tenks.

    http://perspektib.blogspot.com

    ReplyDelete
  28. germany ka na lang

    baka ipatalo mo pa kung sa team philippines ka.. hahaha.. joke lang

    ReplyDelete
  29. naks naman!!! in demand ka pala masyado!!! goodluck bro.

    ReplyDelete
  30. naligaw lang ako't naaliw.

    sa manila, puro mga mayayaman lang ang nasa dragonboat race kahit na kamo sa malapot na dalampasigan lang ng Manila Bay sila nagtatampisaw.

    go for the Philippine team. at least dun, tagalog silang magbilang during the race. at saka at least ang pinoy, marunong gumamit ng Rexona.

    God bless!

    ReplyDelete
  31. sa team italy ka na lang sumali para walang away!

    ReplyDelete
  32. Woot! Ano na nangyari? kasalai ka na ba sa team Philippines o sa team Germany?

    goodlucks!

    ReplyDelete
  33. gas dude, ano nang balita? Nakapagdecide ka na ba? Kung saan ka, dun din ako :)

    ReplyDelete
  34. ay, astig yan. pinanood ko noon na nagte-training yung team philippines sa manila bay. ang galeng! tsaka parang ang saya na group effort talaga ang kailangan. yung men's team, mga macho. yung women's team, mga macho rin!

    ReplyDelete
  35. Nakapag-decide ka na ba kung saan ka sasali? :)

    ReplyDelete
  36. Naisip ko din dati na cool yan pero parang nakakangawit sa kili kili. Nyahaha!

    ReplyDelete
  37. nakow, kung ako 'to, mahihirapan din ako kasi i've always wanted na maka-connect sa germany since may very little german blood ako.

    pero at the end of the day, malamang sa Pilipinas pa rin ako.

    KAYA LANG, sa'yo, isipin mo na lang din ang mga makakasama. kung saan sa tingin mo ka na lang mas mageenjoy.

    pero hindi rin, TEAM PHILIPPINES!

    haha, ang gulo ko.

    ReplyDelete
  38. galaw galaw baka maistoke! hehehe.

    ReplyDelete