Monday, January 5, 2009

Singapore Encounter with Lea Salonga


Nakita ko si Lea Salonga kanina sa Marina Square!

Na-starstrucked ako ng sobra kay Idol. Nag-panic at kinabahan ng konti kasi nakalimutan ko ang Tagalog-English Dictionary ko sa bahay. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin, pero wala akong nagawa kundi ang mag-lakas loob na lapitan siya at magpa-picture. Hindi na kasi kinaya ni Lyzius after two failed attempts. (Basahin ang buong detalye sa blog post niya. Click here.) Napa-English tuloy ako ng hindi oras. *LOLz*

Hindi na ako nagtaka kung bakit nandito si Lea Salonga sa Singapore. Nagsimula na kasi dito ‘yung bago niyang musical na Cinderella. Naibulong niya sa ‘kin kanina na hanggang January 22 daw ang staging ng Rodgers & Hammerstein hit musical na ito kaya may panahon pa daw kaming bumili ng tickets. Hahaha. = D

For more details on Rodgers & Hammerstein’s Cinderella in Singapore, please click here.


**********

Nabanggit ko pala kay Miss Lea Salonga na nagbabasa ako ng blog niya. Blogger din kasi siya sa Multiply site niya. (Astig, ‘di ba? 'Eto link niya, check mo.) Likewise, we introduced ourselves as a group of Pinoy bloggers who are based here in Singapore. = D

21 comments:

  1. Wow sosyal!!! Nice way to start the year, makakita ng artista... hehehe

    Di ko ata kaya lumapit sa isang artista para magpapichur.

    ReplyDelete
  2. astig 'to gasul!

    kakabalik ko lang galing sa bahay ni lyzius. super tawa talaga ako dun sa list of "da moves". panalo talaga!

    sana lumapit ka pa kay lea sa pic para feeling close. he he.

    inglisero ka pala 'pag nai-starstruck ha. cheers!

    ReplyDelete
  3. hihihi anong feeling??para lang bang matatae?

    ReplyDelete
  4. wow! ur so lucky naman you were able to meet lea salonga... then... nakapagpapicture kah pah... saya naman...kakainngit...sayah... 'un lang... =)

    GODBLESS! -di

    ReplyDelete
  5. English lang pala ang katapat ni Leah! Like bonggang YEAH! Ahahahaha. Baka kasi akala nila eh Indian si mami Lyzius! Ahihihi.

    Nekstaym yayain nyo naman siya ng charades!

    ReplyDelete
  6. anchochal. naingget ako. hehe. :)

    ReplyDelete
  7. wow! parang magkasing edad lang kayo? nasa 30+.. hahaha

    happy newyear kuya alex!

    ReplyDelete
  8. tama nga ata si M, baka akala nya di ako noypi...

    ahahahaha...

    ReplyDelete
  9. wow kainggit! nasa singapore ka pala dude? working there? patulong naman! gusto ko diyan magwork eh! hehe..

    ReplyDelete
  10. ganda niya grabe! sayang di ko napanood yung musical niya na cinderella nung nasa hk pa siya... T_T bati mo na lang ako sa kanya ha!!

    ReplyDelete
  11. wow..
    star star...

    sige aabangan ko nga din sa kanto si lea salonga... sana makita ko din at makapicture picture...lols...

    sandali, sisilipin ko muna yung blog nya! sige sige idol...kitakits!

    ReplyDelete
  12. Hi Alex!

    I had a nice encounter with you. I hope you and your blogger friends support my shows. Hope we could meet again.

    love lots!

    P.S.: punta ka lagi sa www.ardyeytejada.blogspot.com. astig dun. =D

    ReplyDelete
  13. asan diyan si lea salongga? yung naka-black ba na may salamin o yung naka kulay blue na stripes na malanding malandi ang smile?

    ReplyDelete
  14. iba na ang sikat! kelan mo kukunin pasalubong mo? hahaha

    ReplyDelete
  15. demmet this sir ardyey! bwahahahaha!!! lafftrip. :)

    ReplyDelete
  16. waaa, inggit ako. gusto ko rin si lea, sa totoo lang

    ReplyDelete
  17. Happy new year sayo! Alam kong di pa kita nababati eh.

    Love ko si Lea S. In fact, his husband works in the entertainment dept of our company. :)

    ReplyDelete
  18. naiinggit ako!!!!! hahahaha.. krass ko din yan si ma'am lea dati pa!!! hehehe


    -ronturon

    sensya na tinatamad akong mag sign in sa account ko.. pasalubong pasalubong!!!

    ReplyDelete
  19. Lea without an H please. She wouldn't mind if makikipicture with her basta lang wag bang in the middle of eating or before her show starts in a few minutes.

    ReplyDelete
  20. uy, buti ka paaaaaa! sobrang idol ko rin yan si lea at medyo may obssession ako sa miss saigon (saulo ko lahat ng kanta ni kim kahit hindi ko pa napapanood at hindi ko na mapapanood kailanman huhuhuh) i was going to watch nga sana Cinderella dito sa manila na saktong yung opening day eh birthday ko pero nagkasira-sira ang mga plano at asar lang talaga ako.

    nakikibasa nga rin ako ng blog ni lea, at ngayong may multiply na ako makikicomment din. hee.

    ReplyDelete
  21. That's cool! You are really lucky man!

    ReplyDelete